A/N: Ito na yung open forum na naganap dun sa Meeting place ng Water.
FAINE'S POV
"So, simulan na natin ang open forum"-sabi ni Dale sa aming lahat. Anong pakulo to?
"Zeign, bakit may pa-open forum yang lalaking yan?"-tiningnan nya lang ako tapos kindat. Like wtf? May mga saltik ba sila ngayon?
Tiningnan ko sila isa-isa tapos parang wala ako dito sa room na to. Tapos Hindi pa nila ako pinapansin. Kinakausap ko sila pero wala... Snob nila ako.
"Blaize.. Spill it."-sabi ni Dale tapos bumuntong hininga naman si Blaize. Soo.. May maririnig akong mga sikreto sa gabing ito?
" Well, don't judge me. Nag rebelde ako because I don't want to be a business man. I don't want to be involve in business world. I just want to cook. I just want to be a chef and then Hindi nila ako pinayagan. Ako daw ang lalaki kaya dapat ako daw ang magmana. Pero hindi iyon ang hilig ko. Ayaw kong mag-handle ng pera kasi gastador ako. Bili ng pagkain doon, bili dito. Then dumating yung time na ipapangalan na sakin yung kompanya. I refuse but they insisted. So, naglayas ako. Pumunta ako sa Lola ko which is support ako sa lahat. Pero namatay din si Lola, wala na akong tagapag tanggol at ayun, sumali ako sa mga gang ng naging tropa ko kesa naman maging business man at never kong ginusto."-dere deretsong sabi ni Blaize. Matatapang na mata nya ngayon at halata ang galit nya sa pamilya nya. Kung ako din naman e. Kung hindi ko hilig ang isang bagay, never kong gagawin. Bahala sila sa buhay nila. Well, that's for my side.
Wala pa ding umimik ng ilang minuto at nagpatuloy na. Pakanan ang ikot nila at si Zeign na.
"Well it is my turn to shine echoss lang. Kaya ako nandito kasi napuno na ako. Tama na siguro yung mga pinagsasabi nila diba? Mabait naman ako at mahaba ang pasensya pero bakit iniwan pa rin nya ako diba? Nag oopen naman ako sa mga magulang ko pero sabi nila 'Too nonsense'. Oha, diba pinakalma nila ako? Hahahhhhahahha. Mapapatawa nalang talaga ako. Malayo yung ibang pamilya namin kaya mag-isa ko nalang kinakaharap ang lahat. Tapos may isa akong kaibigan na malalapitan ko talaga. Ayan, doon sumabog lahat. Then, umalis ako sa bahay ng walang paalam as usual. Parang wala naman kasi akong role dun then nakitira ako sa kaibigan ko. Amoy yosi tapos akala ko tawas yung iba pero droga na pala. Never naman akong tumikim kasi bad yun sa health ng mga magaganda. Papasok sana kami sa school na ito ng Sabay kaso namatay sya sa lung cancer na sakit nya. Kaya ayun, pumasok ako dito ng mag isa para sa pangarap namin kasi daw maganda ang turo at walang tuition fee."
Tahimik pa din kaming lahat. Walang nagsasalita. Seryoso sila kaya makikisama nalang ako sa mga trip nila.
At ito na si Clark. Ngayon ko nalang to marinig ng mahaba ang sinasabi pero naka earphone pa din sya.
"So ako na. Ayokong magsalita Dale kaya batok ka mamaya. Nagrebelde ako. Katulad nyo. Halata naman yun e. Unang una basagulero ako simula't sapul. Nakikipag basag-ulo doon, dito. Kaya ayun, nung nalaman ni Mommy na pang rebelde tong school na ito, pinasok nya ko dito. Tapos na ang kwento ko."
Seryosong sabi nya sabay salpak ng isang earphone sa tenga nya habang Hindi pa nagsisimula.
May bayad mga salita si Clark kaya mag ipon kayo ng pera.
Ngayon, si Iris na.
"Ahmmm, nandito ako kasi party girl ako. Gabi na lagi nauwi ng bahay. Pero virgin pa naman ako, wag kayong mag alala. Nainis sakin si Dad at ayun, naka usap nya si Kuntil at nag enrol nako dito. Wala akong palag kahit na sa ADMU ko gustong mag-aral."
Ano bang masama sa pagiging party girl? Ewan. Lagi lang naman kasi akong nasa bahay at nagbabasa.
And turn na ni Diana.
"Ako? Bat ako nandito? Simple. Trip ko lang mapasabak dito. Pinigilan ako nila Mom pero di ako nagpaawat. Kaya ayun, nairita si Dad at dito nga ako binagsak."
Siraulo din tong Diana na 'to e. Sa pagtulog lang talaga kami magkakasundo at sa pagkain.
It's Alexander's turn.
"Pumasok ako dito ng desisyon ko lang. Nilalait kasi ako sa bahay na ang panget ko daw. Ewan daw nila kung kanino ako nagmana. Diba? Miski mga pamilya ko ansaya. Nakakatangina."
Ngayon ko lang nakita na malungkot si Alexander kasi lagi syang masaya. Sya nga lang nagpapatawa Kay Clark e. Si Clark pa na mahirap patawanin.
Si Maine na.
"Suportado naman nila akong lahat sa lahat lahat. Sa mga beauty contest na sinasalihan ko kaso si Mommy. Sinusuportahan nya daw ako para manalo, Hindi para maging runner up lang at Hindi makuha ang korona. Sana sya nalang lumaban diba? Ayun, nabalitaan ko sa tv tong school na ito kasi walang tuition fee. Pumasok ako dito nang Hindi alam ni Mom."
Tears fell in her eyes. Naalala ko yung pag comfort nya sakin sa rooftop at niyakap ko din sya. She is my sister to me. She is there when I'm down.
Si Nico na.
"Ako? Hindi daw kasi ako ang naging valedictorian kaya ayun, ang bobo ko daw. Di ko daw natalo si ito, si ganyan. Ayun, nagrebelde ako at pumasok dito. Hindi ako pinigilan ng parents ko."
Kalmado lang yung reaksyon nya. Porket Hindi naging valedictorian ganyan na trato sa kanya? Paano pa ko diba?
And its Shirley.
"So ako, kikay na babae, maraming naging jowa. Sumasama ako pero Hindi ko sinusuko ang Bataan. Nairita si Dad kasi kababae ko daw na tao Hindi daw ako maingat sa sarili ko. Well, Hindi ko na sya mapigilan kasi walang napigil. Puro sila saway. Kaya ayun, binagsak ako ng lolo ko dito kasi miski sya, napuno na."
I saw sadness in her eyes. Sino ba namang Hindi diba? Sinukuan ka ng lahat. Pati lolo mo, wala nang nagawa sayo. Pero for me, fault nya naman e. Kasi kung natakot na sya sa saway ng parents nya diba? Edi wala sya dito, but its too late.
And si Cyan na.
"Ako, ako lang naman yung lalaki sa magkakapatid kaya lumaki akong mother's boy. Inaasar ako ng mga classmate ko kasi pati baon ko hinahatid pa, miski ako hatid sundo pa. Tinatawag pa akong 'baby' ng nanay ko kaya nairita ako sa mga nang aasar sakin. Tinusok ko lang naman sila ng ballpen sa ulo, ayun, guidance office. Kaso, na drop ako sa school at itong school nalang ang tumanggap sakin."
Walang emosyon. Ayan lang ang makikita mo sa mukha ni Cyan. Ang Cyan na minsan makulit, minsan seryoso.
Ngayon, si Dale na.
"Pinagtatabuyan lang naman ako ng tatay ko kasi hanggang ngayon Hindi pa din sya makalimot na ako ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko. It is just a fucking accident pero Hindi nya maunawaan at ayaw nya na akong makita sa pamamahay nya kaya pinadala nya ako dito."
Sabi nya tapos puro tapang ang mga mata nya. Nakita ko si Reina na nagreready na ng sasabihin nya.
At last, si Reina na.
"Ahmm... Ahhh... Hindi...ko...ginawa..lahat.. HINDI KO GINAWA LAHAT NG GINAWA NYO!"
Nagulat kami sa pagsigaw ni Reina. Kung Hindi.. Papaano?
"Anong wala kang GINAWA? Edi sana wala ka dito."-sabi ni Clark na medyo nabingi ata sa boses nya. Si Dale naman, nakatiim na yung bagang sa galit.
" HINDI KO GINAWA NG LAHAT NG YAN KASI.. SINUNDAN KO LANG SI KUYA DITO PARA SAFE SYA. PARA WALANG UMAWAY SA KANYA. SIYA NALANG YUNG KAPATID KO E KAYA AALAGAAN KO SYA."
Then tears fall from her eyes. So nandito sya para kay Dale? Kaya ba ganon nalang sya manginig nung sinabi ni Kuntil na pang nagrerebelde ang school na ito. Kaya ba nasabi nya na 'Para kay Kuya' kasi andito sya para kay Dale? This is just... She love her brother.
"Pumunta na kayo sa room natin. Magpahinga na kayo. Reina, mag-usap tayo. This shitty meeting is done."- sabi ni Dale sa aming lahat at nagsilayasan na yung iba. Kunyari lalayas ako pero magtatago ako dito sa gilid na Hindi nila kita. I will know the truth Dale, I will.
-------------------------------------------------------------
At last naka pag ud na din ako. Sorry talaga sa matagal na ud kasi una, nagkasakit ako. Pangalawa, nag aalaga ako ng bata kaya patawarin nyo na ako. Lablab ko naman kayong lahat. Lablab
-D.Q
BINABASA MO ANG
Mafia Organization [EDITING]
ActionPatay kung patay. Buhay kung buhay. Traidor kung traidor. Kaaway kung kaaway. Saan nga ba papatungo ang lahat?