ZEIGN'S POV
"Powtaaahhhh waaaaaaah!"
"Mommyyyy!"
"Earthquaaaake!"
"Yung kama kooo multoooo!"
"Clarrrrrk! Whaaaaaaa!"
"Tangina wag kang bakla, Hindi lang ikaw ang nagalaw ang kamaaaa!"*After 1 minute*
"Putangina ano yon?!"- sigaw ni Diana. Powtah, ikaw kaya magising ng nagalaw ang kama mo?! Yung kagandahan ko muntikan ng malaglag kanina. Whaaaaa mommyyy!
"Good morning trainees! Sana naman gising na kayo ngayon. Be ready for 1 hour. Magsuot kayo ng leggings at sando for girls at sando at shorts sa boys."- narinig naming sinabi ni Mr. Rutherford. Huta bes, ginising nya kami ng dahil lang jan?
"Tangina mo talagang Kuntil ka. Hayop ka. Pakyu ka sikstinayn sagad."- mura ni Faine tapos kinuha Yung tuwalya nya at pumunta na sa banyo. Hirap talaga pag naistorbo ng tulog.
" Tangina talaga."-sabi pa ni Diana at si Clark? Ayun, tulog ulit. Malulupit tong mga to e.
"Magluluto ako ng almusal natin. Dalawa naman yung CR dito. Mauna na kayong maligo girls."-sabi ni Blaize. Aba dapat lang. Kasi, ladies first.
"Mauuna kaming mga lalaki."- sabi ni Cyan. Aba! Bakla ba sya? Dapat gentleman sya. Babae muna dapat.
" No. Girls first."-sabi ko. Bahala sya Jan.
"Yeah, girls first."-pagsang ayon ni Iris at tumango naman sila Diana, Reina, Sharmaine at tinaasan ko naman sya ng kilay. Ano? Palag?
"Wag na tayong maligo boys."-sabi ni Cyan. Ano bang problema nito sa pagligo? Paliguan ko sya e. Halaaaaa! Omayghad erase! Erase! Erase. Shezz, my pure mind.
"Kaya nga."- pag sang-ayon naman ni Alexander. Ano bang mga problema nila? Naiistress kagandahan ko.
" Yuck. Ang babaho nyo."-sabi ni Maine na kinatawa naming mga babae. Abala kasi sa pagluluto sina Dale at Blaize, tulog naman si Clark at tahimik lang si Nico.
"May seremonyas pa kasi kayo sa banyo."-sabi bigla ni Nico. Ohh, binabawi ko na na tahimik sya.
"Aba! May santo ba dun ha?!"-sigaw naman ni Maine sa kanya.
" Halos isang oras kayo maligo. Nakakabanas."- sabi pa ni Nico. Aba? Nililinis lang naman namin ng mabuti yung sarili namin. Anong masama dun?
"Can't you shut the fuck up guys? Too noisy."-sabi ni Clark tapos tumayo at pumunta sa isang CR para maligo. Hala. Nyare dun?
" Maligo ka nalang ng gluta."- pang aasar ni Dale na kinatawa naming lahat. Paano ba naman kasi, Ang puti puti. Ayaw mamigay haha!
"Yeah shitness"-sagot nito habang nasa banyo. Kulit nila ba.
"Toothbrush ng mabuti, Clark. Malali pa naman gilagid mo."-pang-aasar oa ni Tristan. Hala sumulpot bigla.
"Hoy baliw, saan ka galing?"-sabi ni Reina kay Tristan.
"Sa banyo. Basa na nga buhok ko. Hindi ba halatang naligo ako?"- sabi naman ni Trista. Pffft. Hindi naman gaanong basa buhok nya e. Patawa.
" Hindi ka naman mukhang naliligo"-sabi ni Reina sa kanya. Very niceee! Burn baby burrrrnnn~~
*A moment later*
"Hoyyyy ambagal nyooo!"-sabi sa samin ni Alex, short for Alexander. Ang bilis kaya niyang maglakad.
" Mga kabayo talaga, Hindi naiintindihan Ang mga tao"-sabi ni Cyan kaya napalo ko sya sa balikat habang natawa. Grabe naman kasi sya.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa field na nandito sa 2nd underground. Nakasuot kami ngayon katulad ng sinabi ni Kuntil kanina. Ayan, nahahawa na ko Kay Faine.
Nakita namin ang kalaban naming grupo. Nakasuot din sila ng katulad sa amin at may isang lalaki at babae na nakasuot ng pan training na damit.
Tahimik lang kami ngayon dito pero si Faine, yung mga mata nya tutok na tutok sa dalawa.
"Maghanda tayo, mag-ingat tayo."-sabi bigla ni Faine. Napatingin naman kaming magkakagrupo kay Faine at napatingin din sya sa amin.
"Magmasid kayong mabuti sa bawat galaw ng kalaban. Dapat sila ang mauunang umatake para mabasa nyo ang magiging kilos nila."- sabi nya pa. Anong pangaral to? Atsaka bakit magmamasid?
"May bag silang dala."- sabi naman no Clark at tumingin naman sa kanya si Faine.
"Anong mga laman nyan, Faine?"- sabi ni Dale at inirapan lang sya ni Faine. Ohohhh. May *toot* na nagaganap ah.
"Nakakabasa sya ng isip, Dale."- sagot naman ni Cyan at tumingin kay Faine na nagmamasid at mukhang badtrip ngayon. Kulang ata sa tulog I guess?
"Edi malalaman nya rin ang laman ng bag na yan"- sagot naman ni Alex. Diba isip ang nababasa ni Faine Hindi mga gamit na tago?
"Pabo(*translate- stupid in Korea)" - sabi naman ni Faine. Hala, nasabi pala sakin ni Diana kanina kaya naligo agad si Faine kasi may daloy ngayon.
"Anong sab----" sasagot pa sana si Dale kaso tiningnan sya ng masama ni Faine. Tamad magsalita yan kapag badtrip e.
"Talo ka pala sa babae e."- sagot ni Maine tapos tumawa kaming lahat maliban kay Faine na nagmamasid ngayon.
"Reina, mag-iingat ka. Nasa likod mo lang ako."- sabi ni Faine na kinagulat ng magkapatid. Anong? Wag nyang sabihing...
"Huhh? Anong--" naputol ang pagsasalita ni Reina ng biglang magsalita si Mrs. Gray sa harapan
"A pleasant morning everyone, today is the day that you will be ready to fight. Mr. Rutherford is not around because of business matter."- sabi ni Mrs. Gray at lahat kami ngayon ay nakatutok sa kanya, lalong lalo na si Faine na nanlilisik na ang mga mata.
" Please welcome the two trainees, Mr. Daniel and Ms. Kath."- sabi pa niya at yumuko silang dalawa sa amin.
"Be rea--" sasabihin sana ni Mrs. Gray kaso may biglang lumipad na dagger papunta sa kanya at dumiretso sa taas ng ulo nito. Nagulat ako kung sino ang gumawa nun....
Si Faine!
"How dare y--" naputol ulit ang sasabihin nya ng biglang magsalita ng seryoso ni Faine.
"Subukan niyong saktan na dalawa ang isa sa amin, sa mismong ulo nyo tatama ang dagger."- sabi ni Faine at nagtali ng buhok.
Nabitawan nya ang tali ng buhok para saluhin ang bala na pinakawalan ni Mrs. Gray.
"Masyado kang mahina"-sabi ni Faine sabay hagis ulit ng dagger kay Mrs. Gray at pinatamaan nya sa binti.
"Faine, ano bang gina--" sasabihin sana ni Dale kaso may lumipad na baraha at tinamaan sya sa balikat.
"Wag na wag nyo kong sasabayan ngayong araw."-sabi nya at saka pumanhik patungo sa kwarto pero lumingon sya.
"Sumama ka Dale, gagamutin ko ya.'- sabi nya at hindi naman sumunod si Dale. Nakita nalang ulit namin si Faine na may hawak ulit ng baraha na nakakasugat.
"Gusto mo pang tamaan?"- sabi nya at walang nagawa si Dale dahil wala syang palag.
SOMEONE'S POV
Mukhang mahirap ka kalabanin at uunahan na kita. Angkin mo ang taglay ng iyong ina at katapangan ng iyong ama. Humanda ka, Faine Santos.
BINABASA MO ANG
Mafia Organization [EDITING]
ActionPatay kung patay. Buhay kung buhay. Traidor kung traidor. Kaaway kung kaaway. Saan nga ba papatungo ang lahat?