Laganap na naman ang kadiliman.
Sumisilip sa kulimlam na ulap ang naglalagablab na liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan. Walang tumpok ng bituin ang nangungusap, kakaiba sa mga gabing nagdaan sa Sitio Isabela, isang liblib na baryo sa Balinsasayao.
Malinis ang daan. Walang grupo ng kabataan ang nagkwekwentuhan habang hawak ang kanilang serbesa sa tindahan ni Mang Damian.
Hindi ordinaryong senaryo.
Walang nagnanais na lumabas. Tila tinuldukan na ng gabi ang kalayaan ng mga mamamayan na makipagtipan sa kani-kanilang kaututang-dila.
Muli, hindi ordinaryong senaryo.
Alingawngaw ng alulong ng aso ang bumasag sa nakabibinging katahimikan. Kaalinsabay ang nakapangingilabot na sigaw ng isang babaing magpahanggang ngayon at walang nakakakilala.
BINABASA MO ANG
Sa Dako Pa Roon
Mystery / ThrillerMay ibang bagay na hindi kayang makita ng isang normal