Kabanata 2

15 1 0
                                    

KLAUDIA'S POV

Dahan-dahang pinihit ni Klaudia ang seradura ng pintuan. Tiyak ang kanyang pagkilos. Walang kahit na anong ingay ang narinig sa kanyang pagpasok sa dormitory hanggang sa pag-akyat niya ng hagdan.

Nakarating siya ng 2nd floor, room 6, ng walang nakaramdam ng kanyang pagdating. Himbing na himbing pa rin sa pagtulog ang kanyang dalawang roommates.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang tuwalya at pumunta sa banyo. Tumapat siya sa dutsa at ninamnam ang lamig ng tubig na dumadampi sa kanyang katawan. Kinuskos nya ng mabuti ang kanyang mukha, pababa,  na para bang matatanggal nito ang duming nakabalatay na sa kanyang pagkatao.

Inabot niya ang sabon sa sabonera at mabining inihagod sa kanyang malambot at mala-sutlang katawan. Nagsimula ng mabuo ang mga mumunting bula na unti-unting tumakip sa kanyang kahubdan. Pumaimbabaw na rin ang halimuyak ng jasmine at pumuno sa buong silid.

Isa-isang pumatak ang kanyang mga luha sa mala-porselana niyang pisngi. Tahimik at impit nya itong ginawa. Unti-unting humulagpos sa kanyang makipot na labi ang mga hikbi na kanina pa nya pinipigil.

Sa ngayon, tanging ito lamang ang kanyang magagawa.

Kaya pa.

At pipilitin niya.

Sa Dako Pa RoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon