Kabanata 1

24 4 0
                                    

MIKE'S POV

Patay-buhay ang makukulay na liwanag na nakapalibot sa lugar na iyon kasabay ang mahaharot na tugtuging gigising sa himaymay ng laman at dugo ng makaririnig.

Sa ilang beses kong pag-uwi ng madaling araw, naging regular na ang pagsulyap ko sa naturang bar. Iba't-ibang mukha ng kababaihan ang aking nasisilayan kahit sa ilang segundo lamang. Halos lahat ay menor de edad. Halata naman sa hilatsa pa lamang ng kanilang mukha. Walang kamuwang-muwang sa mundo, ika nga. May ilan na parang napilitan lamang. Ang mga pekeng ngiti sa kanilang mga labi ay sumasalamin sa lugmok na antas ng kanilang pamumuhay.

Kahirapan.

Ito nga ba ang dahilan ng lahat?

Maaaring oo, maaaring hindi.

Walang nakakaalam.

Hindi rin nakakalagpas sa aking mga mata ang iba't-ibang lalaking nasa lugar. Ang ilan ay katulad kong Pilipino. Ang iba naman ay foreigners. May maitim, may tisoy, at may ibang nagtutumayog ang tangkad.

Buti na lang traffic. Mas nasilayan ko ang tunay na sitwasyon na nagaganap sa labas pa lamang ng bar.

Isang foreigner na lalaki at isang babae ang naglalakad patungo sa isang sasakyan habang hindi mapaghiwalay ang kanilang mga labi, habang ang kamay ng foreigner ay malayang naglalakbay sa malambot na katawan ng haliparot na babae.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Sakto. Humarurot na ng pagkabilis-bilis ang dyip na sinasakyan ko.

Tanging alikabok na lamang ang aking nasilayan sa muli kong pagtanaw sa bar.

Sa Dako Pa RoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon