KLAUDIA'S POV
ENROLLED.
"Thank you po Lord," sambit ko habang itinatago ang aking enrolment slip sa aking transparent envelop.
Isang semester na lang.
Ang kahuli-hulihang semester.
Ilang buwan na lamang ng paghihintay.
"Finally, after 6 years, malapit na kong maging nurse," kinikilig kong wika.
Oo, maliit pa lang ako, gusto ko ng maging nurse. Sa hirap ng buhay namin sa Balinsasayao, isa sa mga liblib na bayan sa Dumaguete, karaniwan ng makita ang mga pamilyang hikahos sa bahay at kabilang kami sa kanila. Anim kaming magkakapatid at ako ang bunso. Hindi regular ang trabaho ni tatay sa minahan samantalang nasa bahay lamang si nanay. Maagang nagsipag-asawa sina kuya at ate para matakasan ang napakasaklap naming kalagayan. Tanging ako lamang ang natirang nangangarap na makakaahom kami sa kahirapan.
Sawa na kong kumain ng kamoteng-kahoy, tatlong beses sa isang araw.
Sawa na kong makakita ng mga batang kulang sa nutrisyon at ni hindi magawang maipagamot sa bayan kapag sila'y may sakit.
Kaya naman ginawa ko ang lahat.
Trabahador sa umaga.
Estudyante sa gabi.
Wala akong hindi kayang gawin para sa aking pangarap.
Excited na kong bumalik sa Balinsasayao dala ang titulong:
Klaudia S. Javier, RN.

BINABASA MO ANG
Sa Dako Pa Roon
Mystery / ThrillerMay ibang bagay na hindi kayang makita ng isang normal