KLAUDIA'S POV
Ika- 22 ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Lunes.
Ala sais imedya ng umaga.
Ang sunud-sunod na tunog ng alarm ng cellphone ni Klaudia ang gumising sa kanyang pagkakahimbing.
Atubili niyang hinanap ang cellphone at inioff ito.
Masakit pa rin ang kanyang katawan.
Kulang na kulang ang kanyang tulog.
"Hindi muna ako papasok. Daig ko pa ang nabugbog," ang sabi niya sa kanyang sarili.
Mula sa kanyang pagkakahiga ay natanaw niya ang kanyang pulang wallet na namumutok sa ibabaw ng mesa katabi ng isang maliit na piraso na papel na nagsasabing:
Ate Klau,
Hindi ka na namin ginising ni Iya. Sarap ng tulog mo eh. Pumasok na kami sa school. May sandwich sa ref, iinit mo na lang sa microwave.
VanessaPatamad siyang tumayo at kinuha ang papel at wallet. Binuksan nya ito at tumambad ang maraming piraso ng perang papel.
May kulay ube, berde at asul.Hindi niya napigilang mapangiti ng mapait. Tamang-tama para sa matrikula nya sa susunod na semester at enrolment na nga sa isang linggo.
Binilang nya ito isa-isa.
Bente mil.
"Sobra-sobra pa ito sa aking matrikula. Makakapagpadala pa ko kina nanay sa Dumaguete," ang tanging nasambit nya.
Hindi siya makapaniwala.
Malaki ang kinita nya.
Ngunit hindi na rin sya nagtaka.
Todo kayod ang ginawa nya kagabi. Literal na kayod kalabaw. Kahit gusto ng bumaligtad ng sikmura nya, go pa rin sya.
Kaya pala niya ang tatlo sa isang gabi.
Kaya pa.
At kakayanin niya.

BINABASA MO ANG
Sa Dako Pa Roon
Mystery / ThrillerMay ibang bagay na hindi kayang makita ng isang normal