Chapter Six

15K 312 1
                                    

◼CELESTE◼


TAHIMIK na nakinig lang ako sa music sa coffee shop. Kinuha ko naman ang phone ko ng may mag-text duon

Napangiti naman ako ng makitang si Harriet iyon. Kaibigan ko siya since highschool pero hindi na kami masyadong nagkaka-usap dahil busy siya sa tours kasama ang girl group niya.

"Hi, can I sit here?" Nag-angat naman ako ng tingin at babae iyon na buntis

"Yeah, sure." I said. She smiled at saka umupo sa katapat ko na upuan

"That was weird." Comment ko ng makita ang isa niya pang dala na baso. Puro pickles kasi iyon

"Cravings girl." She said at saka kumain ng isa

"Ay, by the way I'm Caroline Jane Adams" Pagpapakilala niya

"I'm Avery Celeste Atkins. Nice meeting you" Sabi ko

"Ano palang ginagawa mo dito? ng mag-isa?" Caroline asked then kumain ulit ng isang pickles

"Nasa batas ba na bawal mag-isa?" Pagbibiro ko. Natawa naman siya duon

"Hindi naman, well yung mga kagaya mo kasing babae dapat di nag-iisa" Caroline said

"Don't worry, I can handle myself" Sabi ko and I smiled saka uminom sa shake

"Thinking someone?" Tanong ni Caroline. I nodded

"Baka may maitulong ako. I can be your ear, I'm a psychiatrist by the way" Caroline said

I sighed

"This man. Hindi siya maalis sa isip ko, isang gabi lang kami nagkasama. Pero kung isipin ko siya parang matagal na kami magkakilala" I said to Caroline. Tatango-tango naman ito at saka sumimsim sa kanyang juice

"Hmmm...already inlove with a stranger huh? Ang gandang story, anyways. Parehas kayo ng problema ng kaibigan ko, alam mo girl baka may Stockholm Syndrome kayo pareho" Caroline said

"Stockholm syndrome?? totoo ba yun?" I asked and she nodded

"Weird, may ganun ba talaga?" I said. Sakto naman biglang tumunog ang cellphone ko

From: Cadmussss
Home. Mission

I rolled my eyes at saka tumingin kay Caroline

"Caroline as much as I want to stay, kailangan ko nang umalis. Thank you for that...err, Stockholm Syndrome thingy" I said habang ipinapasok ang cellphone ko sa bag

Narinig ko naman ang pagtawa niya

"You know what, I like you already. Sige na, sana makalimutan mo na yung lalaking yun. Marami pang iba diyan" Caroline said

Ngumiti na lang ako at saka lumabas na ng coffee shop na iyon.

Naglakad ako papunta sa parking lot. Binuksan ko ang driver's seat pero nakarinig ako ng pamilyar na boses sa likod ko

My eyes widened ng makilala kung sino iyon.

Allen.

Dahan-dahan na tumingin ako sa likod at ayun siya may kausap na naman sa phone niya. Gaya ng una kong pagkakita sa kanya

Mabilis na pumasok ako sa driver's seat at sinara ang pinto nun. I gulped at saka tumingin ulit kay Allen na palingon-lingon.

Relax ka lang, di ka niya makikita. Relax

Binuhay ko ang makina ng kotse ko at pinasibad ko na iyon paalis.

Without giving him a last look.

DIRE-DIRETSO na pumasok ako sa bahay namin

"Pwede ba kung magte-text ka habaan mo. Ano ka robot?" Sigaw ko kay Cadmus

"Tinatamad ako mag-type eh. Anyways here" Cadmus said at may ibinigay saakin na folder

Binuksan ko naman ang folder at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang pangalan na nanduon.

Thaddeus Allen Kinsley

"T-teka ano to?" I asked

"Mission mo" Cadmus said

"What??" I asked

Iniikot niya ang upuan niya para humarap siya saakin

"Siya ang babantayan mo simula ngayon" Cadmus said

WTF.

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿
End Of Chapter Six
✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

I know masyado siyang maikli pero hang-on okay?? hang-on. (≧∇≦)/

Bye for now!
--զųΞΞɳ ﻝⓔ๓Δ 👑

His Series #2: Allen KinsleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon