Chapter Thirty-Six

11.3K 212 0
                                    

◼ALLEN◼

NANG MAKAALIS ang eroplano na sinasakyan ni Celeste ay lumakad na ako papunta sa kabilang eroplano.

Nanduon naman sila Tita Queen at Tito Seb kasama si Kim na guard ko.

"Everything is cleared. Nakalipad na si Celeste papunta sa Pilipinas" I said at tumango naman si Queen then inilabas ni Kim ang isang maliit na suit case

"Sa loob na natin gawin to" Tito Seb said at nauna nang umakyat sa eroplano ni Darwin

Sumunod naman kami at pinaupo nila ako sa bakanteng upuan na nanduon then binuksan na nila ang maliit na suitcase

"What was that?" I asked ng makakita ng syringe at ilang maliliit na bagay sa loob nun

"Trackers." Tita Queen said at kinuha ang syringe at kinuha ang braso ko

Kinapa niya muna iyon bago itinurok nang tuluyan sa braso ko

"That was the liquid tracker. Nasa loob ng katawan mo yan at walang sino man ang makakaalis nun" Tito Seb explained at tumango naman ako.

May isinuot naman saakin si Kim na necklace then may ikinabit na parang hikaw pero mas maliit sa hikaw

"This is the basic trackers." Kim said

"Ano bang kailangan kong gawin?" I asked

"Go with the flow. Tignan na lang natin kung anong plano nila" Tita Queen said at tinapik ako sa balikat bago umupo sa isang upuan

"Don't worry, ililigtas ka namin kaagad. Ayaw naman namin mawalan ng ama ang apo namin" Tito Seb said at saka sumunod kay Tita Queen at ganun din ang ginawa ni Tito Kim ng makapag-ligpit na ng gamit

Sumandal naman ako sa upuan ko and I let out a sigh

Lagot ako kay Celeste kapag nalaman niya to.

BUMABA na kami ni Darwin mula sa private plane niya. Kasunod namin si Jeniel at si Mark Gil na assistant ni Darwin

"Okay, ako mauuna na sa hotel. Ikaw saan ka ba kasi pupunta?" Darwin asked

"Kailangan ko nang tapusin to Darwin. Gusto ko nang mamuhay ng tahimik kasama si Celeste at ang magiging anak namin" I said at tumango naman si Darwin

"Such a hero are we? Anyways mukhang hindi ka makakapunta sa meeting" He said

"Pakisabi ikaw ang inatasan ko na mamahal sa deal. May basbas na ako kamo" I said at naglakad na kami papunta sa mga kotse na nanduon

His Series #2: Allen KinsleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon