Chapter Twenty-Six

10.4K 220 0
                                    

◼ALLEN◼

KATAHIMIKAN ang bumalot saamin. Tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng isang machine na nagsasabi na tumitibok pa ang puso ni Celeste

Nakatingin lang siya saakin habang nakatingin lang din ako sa kanya. Alam kong marami siyang gustong itanong, hindi niya lang alam kung paano sisimulan.

"Hey...say something.." I said pero nanatiling nakatingin lang siya saakin

Then she gulped and she looked away

"So ano ako...past time lang?" She asked

"Of course not. Hindi ko siya mahal Celeste, ikaw ang mahal ko" I said at hahawakan sana ang kamay niya pero iniiwas niya iyon.

"Kaya pala...kaya pala takot ka sa commitments." She said at tumawa ng pagak pero mahina iyon

"Ang tanga ko. Sana pala mas inusisa ko nung nakita ko yung silver ring sa kaliwang palasinsingan mo" She said habang mahinang tumatawa pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya

"Celeste" I called her

"Umalis ka na." She said at napahinto naman ako duon. Hinawakan ko naman kamay niya at saka hinalikan ang palad niya pero binawi niya lang iyon

Maski ako, ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko.

"Celeste, please...lets start over...I-i promise, mas--" I said pero kaagad na naputol iyon ng marinig ko siyang magmura

"Please Allen...umalis ka na...wag ka nang magpapakita saakin. You hurt me twice, masyado na akong tanga kung hahayaan ko pa na masaktan ako sa pangatlong beses" She said

I gulped at saka tumayo

"Sige..aalis ako, pero always remember this...wala na akong minahal na iba bukod sayo. I love you" I said at saka tumalikod na sa kanya at saka lumabas na ng kwartong iyong

Leaving my heart to the girl that I broke.

◼CELESTE◼

"I love you too.." Pabulong na sabi ko ng makalabas na si Allen ng pinto. Napahikbi naman ako at tuloy pa rin ang pag-iyak ko

Patuloy na pinupunit ang puso ko dahil sa mga nalaman ko. He's married.

Dahan-dahan na inilagay ko ang kamay ko sa mata ko and I closed my eyes na humahapdi na dahil sa pag-iyak ko ng paulit-ulit

Maya-maya ay may nag-alis naman nun at si Cadmus ang nakita ko. He sighed at saka pinunasan ang luha ko.

"He's married.." I said at tuluyan nang napahagulhol sa pagiyak. Yumakap naman saakin si Cadmus

His Series #2: Allen KinsleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon