Chapter Thirty-Nine

12.3K 200 1
                                    

◼CELESTE◼

DUMAKO naman ang kamay niya sa sinampal ko na pisngi at halata sa mukha niya ang pagkagulat

"What was that for?" He asked and I glared at him at saka sinimulan siyang pagpapaluin

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nung hindi mo sinasagot ang tawag ko? Alam mo ba kung anong ginawa nila saakin para hindi ako makalapit sa computer para i-track ka? Nakaka-asar ka!" Sabi ko habang panay ang paghampas sa kanya. I heard his laugh

"Ano tatawanan mo ko? o sige bahala ka diyan!" I said at saka tinalikuran siya pero hinatak niya ako pabalik at niyakap

"Sorry sweetie." He said at saka ibinaon ang mukha niya sa leeg ko

"Sorry mo ulo mo. Sa anak natin ka magpaliwanag" I said and be chuckled at saka hinawakan ang tiyan ko

"He punched your stomach" He said

"Don't worry, our baby is safe" I said at saka hinalikan siya sa labi and he groaned and pulled me closer

Pero kaagad na naputol ang moment na iyon ng may biglang tumikhim sa likod namin

"Oh, nag-reunite na kayo. May balak ba kayong umalis dito?" Cadmus asked habang hinihila ang walang malay na si Joey na parang sako lang ng bigas

Nagkatinginan kami ni Allen at sabay na natawa. Inalalayan ko siyang maglakad dahil na rin sa mga sugat niya sa binti.

Sakto naman na nanduon sila Ninong Miggy at Ninong Kenneth at sila ang nagbuhat kay Allen

Habang ako ay napahawak sa pader dahil biglang umikot ang paningin ko.

"Celeste?" Tumingin ako kay Ninang Ellaine na siyang nagtanong

"Tita nahihil--" I said pero hindi na natapos iyon ng bigla akong matumba at dumilim ang paligid.

AMOY gamot ang paligid. I can say na nasa hospital ako, pero ang ipinagtataka ko kung bakit maingay ang paligid

Diba usually sa hospital tahimik.

Or in case, nasa hospital ako ng Xenon.

Dahan-dahan na iminulat ko ang mata ko at si Riet ang kaagad ang nakita ko

"OMG Cel! gising ka na!" Riet said pero bago pa siya makalapit ay naunahan na siya ni Allen

"Do you need anything Sweetie? may masakit ba sayo? tatawagin ko na ba si Doc Ellaine?" Sunod-sunodna tanong nito pero hinampas ko lang ang noo niya.

His Series #2: Allen KinsleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon