Ilang buwan narin ang lumipas ng huli kaming nag usap ni shawn...simula ng araw na yon hindi ko na siya ulit nakita kahit sa campus...balita ko lumipat na daw siya ng ibang school...ganun na ba talaga siya ka despirado na iwasan ako??..ilang buwan narin ang lumipas simula ng maghiwalay kami pero hanggang ngayon hindi ko parin siya makalimutan...masakit pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy sa buhay ng wala siya...simula ng maghiwalay kami lagi nalang akong mag isa hindi ko rin kasi trip ang sumama kila ayah ewan basta gusto ko mapag isa ngayon
" liza are you ok?"
" huh?" Si lily lang pala isa sa mga kaklase ko na tinuturing ko na ring kaibigan
" liz sigurado ka ba talagang ayos ka lang?"nag aalalang tanong ni lily
" ahhh oo naman lily ayos na ayos ako.." Sabay ngiti ko sa kanya para mawala ang pag aalala niya
" ganun ba?? Nga pala sama ka naman sa min ni ayah ngayong lunch gala tayo sa mall..."
" naku lily pasensya na...pero kasi may gagawin pa ako ehh..sorry talaga di bale next time sasama na ako..."pagdadahilan ko sa kanya...nakita ko naman na nalungkot siya...hayyyy
" sege ok lang..basta pag may problema ka sabihin mo lang ahh..nandito lang kami ni ayah para sayo" napangiti naman ako sa sinabi niya dahil kahit papa ano nandito sila para samahan at pasayahin ako...
" sege salamat lily"
" sege ingat ka liz"pag alis ni lily naglakad naman ako papunta sa garden ng school kung saan nagsimula ang lahat at kung saan dito rin niya tinapos ang lahat.....dito niya ako niligawan at dito ko rin siya sinagot...napatigil ako sa pagmumuni ng may tumawag sa akin
"Liza" pagtingin ko si ella...
" anong ginagawa mo dito?" Hindi ako galit sa kanya ayaw ko lang kausapin siya ngayon
"Liz kailangan mong malaman ang totoo"
" alam ko na ang totoo El" malungkot kong sabi sa kanya
" a----alam mo na ang totoo?" Gulat niyang tanong...tss nakakagulat ba talaga?
"Oo..alam ko ang katotohanan na kaya niya ako iniwan dahil hindi na niya ako mahal"
" that's not the truth liz" napangiti siya ng mapakla habang sinasabi yon..habang ako? Nganga...anong ibig niyang sabihin?
" anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong hindi ko dapat sabihin sayo to at hindi mo dapat malaman ang totoo dahil yon ang gusto niya pero naaawa na ako sa kanya" huh? Sino? Ano? Teka wala akong maintindihan sa sinasabi niya
" wala akong maintindihan El"
"Lets go sumama ka sakin" sabi niya sabay tayo..
" ayaw ko"
" liza!!!" Sigaw niya sakin...naku lumabas na naman ang pagka amazona niya pero kahit natatakot ay di ko pinahalata yon
"Para ano pa El? Sa tingin mo ba kakausapin niya ako? Iniiwasan nga niya ako diba? Kaya siya nagpalipat ng ibang school?!!!" Sigaw ko din sa kanya...
" What sinong may sabi na lumipat siya ng ibang school? That's not the truth sinong may sabi ha papatayin ko!!" Galit na galit niyang sabi...argg sumisigaw na pala siya
" ok ok relax El..narinig ko lang yon ok?" Pagpapakalma ko sa kanya..pano ba naman kasi feeling ko kakain na siya ng tao...
" hayss lets go kailangan mo siyang makita at kailangan mong malaman ang totoo" seryoso niyang sabi sa akin at naglakad palayo...kahit nagdadalawang isip ako na sumama sa kanya ay sumunod nalang ako....suntukin pa ako nito ehh...huminto kami sa isang hospital..teka hospital? Anong gagawin namin dito? Saka sinong pupuntahan namin dito?....Pumasok si ella sa loob ng hospital kaya sumunod nalang ako sa kanya..ayaw ko namang mag pa iwan dito takot ako sa rapist noh...pagdating namin sa isang kwarto bigla siyang tumigil at nakaramdam naman ako ng kaba..bakit kaya? Sino ang nasa loob nito?bakit iba ang nararamdaman ko?
" dito ka lang muna...makinig ka muna sa pag uusapan namin" sabi niya saka pumasok sa loob...sumunod nalang ako sa sinabi niya..
"Kamusta ang nararamdaman mo?" Tanong niya...
Nabigla ako ng marinig ang boses ng sumagot...
"Im ok El" no this cant be...anong nangyari sa kanya? Bat andito siya?....bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita ulit si Ella
" hanggang kailan mo ito itatago sa kanya?" Nakinig ako ng mabuti sa pinag usapan nila dahil gusto ko ding malaman kung ano ang hindi nila sinasabi at bakit ayaw ni shawn na malaman ko ang tungkol dito
" hindi na niya kailangang malaman pa....ayaw kong masaktan siya El" nanghina ako ng marinig ko yon galing sa kanya...bakit siya ganyan?
" mahal mo siya diba? May karapatan siyang malaman ang kalagayan mo shawn!" Sigaw ni Ella...
"Para ano pa El? Kaya ko nga siya hiniwalayan diba kasi mahal ko siya at ayaw ko na malaman niya na mamamatay na ako dahil ayaw ko na masaktan siya!!!"
"Dahil mahal ko siya...mahal na mahal ko siya El" dahil sa mga salitang binitawan niya...napaupo na ako sa semento ng hospital at humihikbi wala na akong paki alam kong may makakita man sa akin....
Mahal ako ni shawn? At may sakit siya?...halos di na ako makatayo dahil sa mga narinig ko...
BINABASA MO ANG
STAY
Teen Fictionahmmm hai po sa inyo ito po iyong first story ko dito...sana po kahit hindi to maganda ay may magbabasa parin nito.. THANK YOU PO And sorry po sa mga error,wrong spelling and mga wrong gramars