My Foot, Your Neck Mr. Lucifer "CHAPTER 4"

96 1 2
                                    

See you?!? Ha! Ha! Ha! See you your face!

Nagpupuyos pa rin ako sa INIS hanggang makarating ng bahay. What's with this night? 

UNA. Nasira ang gabi ko dahil sa pagkakarinig ng salitang wala sa bokabolaryo ko. Ang salarin? Walang iba kundi si Daemon.

PANGALAWA. Ang mabutihin kong ina, na walang mintis na buwisitin ako. Kung basketball player lang siya, malamang makukuha siyang MVP!

PANGATLO. Nakaencounter ako ng isang Lucifer sa katauhan ng gwapong nilalang.

Friday the 13th ba ngayon? Mukhang inuulan ako ng kamalasan ah. Sana lang hindi na muling magtagpo ang landas namin ni Lucifer kahit alam kong maliit lang ang mundong ginagalawan namin,  schoolmate ba naman!

Nakakatawa!!! Tama lang na hindi ko nalaman ang pangalan niya dahil mas bagay ang pangalang LUCIFER sa kanya. Mukhang sa Henerasyon ngayon gwapo na ang demonyo! Kulang nalang ang sungay at isang malaking tinidor na hawak-hawak sa isang kamay, Fully equipped na siya! Naiimagine ko ang mukha niya..bagay na bagay.

Nakakarindig tunog ng alarm clock ang marahas na humatak sa akin palayo ng dreamland. 

Where is my alarm clock? 

 Nakapikit pa din ako habang kinakapa ang patayan ng alarm clock. Asan na ba? Asan na ba.. AT LAST! Nakapa ko din ang switch ng alarm clock. Nanatili pa din akong nakapikit. Gusto ko pang matulog!!!! Pero, labag man sa loob ko ay nagmulat ako upang silipin ang oras. 6:45am. Umaga na! Monday ngayon which means back to class. Wag na kaya ulit akong pumasok? Biology ang first subject ko. OH NO! Isang absent nalang ay madro-drop na ako dun. Pangalawang taon ko na sa first year ngayon. Wala na kong balak paabutin ng 3 years! Hindi sa pagmamayabang pero kaya lang ako umuulit ng taon dahil lng sa katamarang pumasok. Kung utak lang ang tatanungin, madami akong alam. Mabilis kasi akong pumick-up. INBORN!

Konting tiis nalang at makakapagsarili na ako. IIWAN ko na 'tong impyernong bahay na'to.

Hinila ko ang katawan ko, kulang nalang buhatin ko ang aking sarili para maghanda sa klase. Pag labas ng bahay ay dirediretso ako sa aking kotse. Yes, I own a car. Hindi man kapanipaniwala pero  mayaman ang pamilya ng aking magaling na ina which makes us rich. Hindi man ako mahal ng nanay ko, but I'm well compensated.

Liko dito, liko doon.. Maya-maya pa ay narating ko na din ang aking school at nagpark sa di kalayuan. Time check. 7:30am. Wow! Record! First time kong di malalate sa biology. What an achievement!

"Hey Elda! Wow! Anong nakain mo at pumasok ka, hindi lang pumasok.. you are early!" nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses. Si Cheska at Erika. My "Friends".

"Hey Bitches! Bakit ba? Hindi ba pwedeng maging early bird paminsan-minsan?" ngiti ko sa kanila sabay beso

"Haha. Sige, Ikaw na ang early bird. Tara sa room para hindi naman masayang ang himala sayo ngayon." sabi ni Erika

Friends. Sila ang "friends" ko dito ngayong college. I picked to be with them kasi pareparehas kami ng prinsipyo. Boyfriends today, gone tomorrow. Kaya kung magkaagawan man ng Bf. Go lang ng Go! walang samaan ng loob. Ayaw ko ng makihalubilo sa mga mukhang santa pero may sungay palang tinatago. Why? Because of my experience...

5 yrs ago....

"Bitiwan mo ako! Ano ba??!!!" pagpupumiglas ko kay Ken na boyfriend ng kaibigan ko.

"I love you, Elda.. Ginawa ko lang Girlfriend si Freya para lang mapalapit sayo" pag-amin ni Ken habang nagpipilit halikan ako.

"Love?! Stop it Ken! i don't believe in love! Kahit na papalit-palit ako ng boyfriend, wala akong balak mang-ahas sa kaibigan ko! And I don't even like you." lahat ng lakas para makawala sa kanya ay ginawa ko.

"Bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako!!" pilit parin niya akong sinusubukang halikan s labi pero nakaiwas ako at sa pisngi ko tumama ang labi niya. Nagpupumiglas pa rin ako, ano ba naman ang laban ng katawan ko sa katawan niya. Pero hindi maari! 100% ng lakas ko ay binigay ko makawala lang sa kanya.

Luckily. Natulak ko siya ng malakas sabay tadyak na ikinatumba niya. Dali-dali akong tumakbo. Where is Freya? Kailangan kong sabihin ito sakanya. Maya-maya ay may naririnig akong naguusap malapit sa Science lab.

"Grabe. Every month nalang nagbabago ng boyfriend si Elda. Pinanindigan talaga ang tawag sakanyang Slutty Queen."  si Joy na mukhang nandidiri sa pagkakasabi.

"Walang duda! At Girl, kailangan natin mag-ingat at baka mabingwit ang kanya kanya nating boyfriend, delikado na at mukhang nagsisimula ng landiin ang Bf ko." sabat ni Freya na nakapamewang pa.

Yun lang at tuluyan na akong lumapit sa kanila...

"Girls, baka gusto niyo akong isali? Mukhang interesting ang pinaguusapan niyo eh...AKO."  gigil na gigil ako.

GULAT NA NAPALINGON SA AKIN ANG DALAWA. SPEECHLESS?

"Don't worry Freya, bukas na bukas din ay manunuklaw ako...at boyfriend mo ang uunahin ko" smiling sweetly but deadly

Napanganga lang sila at di nakapagsalita. How dare them! Linis-linisan. Sarap isungalngal ang mukha sa kanal.

Simula noon ay namimili na ako ng kakaibiganin ko. Mga kauri ko.

"Sino yang nakapalibot sa may pinto ng room natin? At may nagtitilihan pa!?" nagtatakang napatanong ako kay Cheska. Ganto ba lagi sa umaga?

"Hindi mo siya kilala? Number one playboy yan sa school natin." may kalandiang nakatingin si Cheska sa tinutukoy

May mga nagtitilian at may sumisigaw ng "Ako din! Gusto ko ng halik!" at hinalikan naman ng lalaki ang mga babaeng nakapaligid sa kanya. Hindi ko gaanong makita ang mukha. Sinubukan kong lumapit ng kaunti out of curiousity...

NOW! I Believe. CURIOUSITY REALLY KILLS THE CAT.

Damn..

It's LUCIFER.

My Foot, Your Neck Mr. LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon