My Foot, Your Neck Mr. Lucifer "CHAPTER 5"

140 1 2
                                    

DAMN! ITS LUCIFER!

Kung sinuswerte ka nga naman. First time na nga pumasok ng maaga and yet, ito ang igaganti ng tadhana. Dahan-Dahan akong napaatras. Tumalikod at lumayo sa pinagkukumpulan nila.

Mukhang ginagamit ni Lucifer ang kanyang kamandag ah, kaya lahat ng babae ay parang bubuyog kung umasta at siya ang HONEY na pinupulutan.

What should I do? Ayaw kong makita niya ako.

Huuwwaaiit! What's wrong with me?! Kelan pa ko natakot sa isang lalaki? Hindi lang basta lalaki kundi gwapong nilalang! Ang mapungay na mata na para bang hinihigop ang lahat ng aking lakas. Ang mga labi niyang maliliit at mamula mula na matetempt ang kahit sinong sunggaban ito...

STOP IT, ELDA! CONTROL YOURSELF! Pinipilit kong ibalik sa wisyo ang aking sarili. Hindi ako pwedeng bumigay. He really irritates me a lot, he is Lucifer in disguise! Ang ngiting mukhang laging nanunuya but very lethal! Marahil kung nakamamatay ang ngiti niya, dead on arrival na kung isugod man ako sa ospital. Oh! How I hate those smile yet it gives me shivers. Magulo ba? Yes! Maski ako naguguluhan sa nararamdaman ko sa lalaking ito.

"Elda, What's wrong? Bakit ka napaatras?" walang muwang na natanong ni Cheska

"AHHHMM.. May naki----ta akong malaking INSEKTO!" dahilan ko. Ano ba namang klaseng dahilan 'to. haha.

"INSEKTO?! Saan??" panic na panic ang loka. Aba! Naniwala! "I HATE INSECTS!" tarantang tinignan ang paligid. THE FACE! HAHAHA. Hindi maipinta sa pagkataranta. 

"HAHAHAHAHAHAHA! JUST KIDDING!" I guffawed

...........................................

.....................................

.............................

.......................

....................

..............

........

....

..

Teka. Bakit parang tumahimik?

I looked around me. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Hanggang huminto ang aking tingin sa iisang lalaki.

"Elda Cruz" abot tengang ngiti ni Lucifer.

OOOO-OOHHH!

Tingin sa kaliwa.. Tingin sa kanan.. San ba ako makakapagtago! Someone, help me please!

"Elda Cruz.." muli akong tinawag ni Lucifer.

May naririnig ba ako?! Wala. Oo! Hangin lang iyon.

"Elda, Magkakilala kayo? Grabe talaga appeal mo! Ikaw na talaga!" sabi ni Ericka

"Huh? Ano bang pinagsasabi niyo? Let's get inside bitches." kaila ko sa kanila.

"WEH?" Dudang sabi ni Cheska

"Tara na oh! Mainit dito baka malusaw ang make-up natin!" nagpanggap akong init na init, kuha ng panyo sa bulsa at punas ng kunwaring pawis sa bandang noo.

"Makalusaw ka naman! Para bang mainit na apoy ang binubuga ng hangin!" Sagot ni Cheska sabay tawa. Kahit anong dahilan ay sasabihin ko makaalis lng dito!

"Elda Cruz, talk to me or else ikakalat ko sa buong campus ang--" para akong si spiderman sa bilis, matakpan lang ang bibig ni Lucifer.

Biglang inilapit ni Lucifer ang kanyang mukha at sabay nag bitaw ng halik sa aking palad na nakaharang sa kanyang bibig. Nagulat ako! Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa aking palad. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa pag kabigla! Tanging kamay ko nalang ang pader na naghihiwalay sa mukha at labi naming dalawa. Halos di ako makakilos! Nagsimula ko ng maramdaman ang pagkainit ng aking mukha na malamang kahit may aircon man ang paligid ay pag papawisan ako.

My Foot, Your Neck Mr. LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon