My Foot, Your Neck Mr. Lucifer "CHAPTER 3"

113 3 2
                                    

Who the heck is that??!!??

Sinong lapastangan ang tumawa sa akin!

Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Nakita ko ang isang anino ng tao na dahan-dahang papalapit sa akin. At first di ko makita ang mukha niya dahil nag-iisa lang ang street light dito sa parke, nasa harap ng puno sa tabi ng aking favorite bench. Habang papalapit ng papalapit, unti unti ko na ding naaaninag ang kanyang mukha.

HHHMMMM...He looks familiar..

Ang mukha niya ay yung tipo na habang tinititigan mo ay lalong gumagwapo sa iyong paningin. May katangusan ang ilong, almost 6ft tall, ang kulay na hindi man kaputian ay hindi din naman maitim, may mapungay na mga mata at mga labing maliit at mamula-mula.

"AHHHEEEMMM..Mukhang tulala ka ata?" nakangiti ang LOKO! Damn! Nakakahiya.

Lahat ng maari kong sabihin ay naglaho ng parang bula. Ano bang nangyayari sa akin at parang tinali ang dila ko upang hindi makapagsalita.

Inalok niya ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo. So pagkatapos akong pagtawanan ay magpapakabait? Hmp. Tinapik ko ang kanyang kamay at sumenyas na kaya ko ang sarili. Mas pinili kong magmatigas kumpara sa usual kong gawain na magpacute para mang-akit ng lalaki. Bakit ba!? Pinagtawanan niya ako eh..

Tumayo ako mag-isa trying to gain my composure. Mentally slap my face. Tinignan ko siya at unti unting umahon ang inis sa dibdib...

"SINO KA BA? Anlakas ng loob mong pagtawanan ako! Hindi ata uso sayo ang salitang "Gentleman"... At iyan!...." turo sa kanyang labi

"Yang ngiti mong nakakapangloko. Wala ka bang magawang matino, mukhang gusto mong mang-inis ng tao?" Di ko na napigil ang sarili ko at tuloy tuloy ang pagsasalita ko na kulang na lang ay hindi ako huminga.

"WWWOOOOAAAAHH.. Kalma lang. Im sorry kung napalakas ang tawa ko kanina. I did not intend to laugh at you. Kusa lang lumabas. At bumawi naman ako, I tried to offer you a hand, ikaw itong tinanggihan ang alok ko." nakangiting paliwanag niya

Damn his lips, di ko mapigilang titigan. Walang kahit isang bakas ng katuyuan ang kakikitaan. Mamasa-masa na para bang laging nilalawayan. HHHMM... Mukhang naguudyok mahalikan!

 I shook my head inwardly. Ano bang nangyayari sa akin. Labi palang pinagnanasaan na.

"Gusto mo hulaan ko kung saan naglalakbay ang isip mo?" tuya niya sa akin

AARRRGGGHH! He is getting on my nerves. NO! Composure. 

"Can you just leave me alone? I don't know you and you don't know me. Fair enough, so let me be" makauwi na nga lang! Nasisira ang ganda ko dito eh..

I started walking away from him..

"But I know you, ELDA CRUZ." sinabi niya na nagpahinto sa aking paglakad.

How did he know me? I looked back at him with a questioning look. Mukhang nahulaan ang nasa aking isip.

"We're from the same school. Bakit parang nagtataka kang may nakakakilala sayo? Hindi mo ba alam na hindi ka lang sikat sa iyong department, kundi sa buong school? You are well known for being---" parang sinadya niyang ihang ang sasabihin

"Yeah, for being a Bitch. Right?" Ako na ang nagtapos ng kanyang sasabihin. Anong bago? Immune na ako sa ganyang bagay.

"WRONG. Ang sasabihin ko dapat ay kilala ka for being one of the pretty faces in our school." sabay pakita na naman sa akin ng ngiting di mo malaman kung nanunuya o sadyang natural niyang ngiti.

"YEAH, RIGHT.. WHATEVER. Uuwi na ako." Napaka-ungrateful ko talaga.

Di kasi ako naniniwala na yun ang balak niyang sabihin. Hindi ako bingi sa mga chismis sa akin sa school and I don't even care! Tumalikod ako at akmang aalis na. Ngunit nahinto na naman ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Lumingon ako sa kanya na mukha ng naiirita. Gwapo nga pero di ko alam ang nararamdaman ko. May halong inis at curiosity.

"Ano na naman?" nanginginig na ako sa di malamang kadahilanan. INIS! OO. Marahil yun ang dahilan. Malapit na at uusok na ang tenga ko sa inis!

"Hindi mo lang ba itatanong ang pangalan ko?" He asked while still holding my hand. Malambot ang kamay! Sarap pisilin!

Yes! I want to know your name PLEASE!!! Nah! As if sasabihin ko sa gwapong mokong na'to! Ewan ko ba pero baliktad sa gusto kong gawin ang pinagkikilos ko sa lalaking ito kundi hindi lang ako sinimulan ng pang-buwibuwisit nito edi sana....

"AYAW KONG MALAM-----" Di ko na natapos ang sasabihin ko.

Nakita kong seryoso siyang nakatitig, ang mukha ay papalapit ng papalapit sa akin.

HUUUWWWAAAIIT!

Hahalikan ba niya ako? Patuloy ang paglapit ng kanyang mukha. Iiwas ba ako? O hahayaan ko siya sa gusto niyang gawin na natural na sa ugali ko. Naguudyok talaga ang mga labi niya. Bahala na!

I decided to close my eyes and go with the flow...

1 . . . . . . . . . . . . . 

2 . . . . . . . . . . . . . . 

3 . . . . . . . . . . . . . . 

4 . . . . . . . . . . . . . .

5 . . . . . . . . . . . . . .

6 . . . . . . . . . . . . . .

7 . . . . . . . . . . . . . .

Seconds..

Bakit wala pa akong nararamdamang damping halik sa aking labi. Ganon ba kalambot ang labi niya para di ko maramdaman???

Sinilip ko siya gamit ang isa kong mata. HE IS SMILING! ngiting mukhang nanunuya na naman. Napansin kong may hawak siya sa kaliwang kamay.

"May insekto sa balikat mo." tuluyan ng namulat at nanlaki ang aking mga mata sa pagkapahiya.

Ano bang iniisip ko at inakala kong gusto niya akong halikan! Wala na kong kahihiyan sa taong ito!

"Bakit? May ineexpect ka bang gagawin ko? Halimbawa nalang...ay ang halikan ka??" Nakangising baling niya sa akin.

Ramdam kong naginit ang mukha ko. Paniguradong pag tumingin ako sa salamin ay pulang pula ako sa pagkapahiya. KAPAL NG MUKHA! AS IF AAMIN AKO!

"AAAARRGGHH! YOU WISH! SA ITSURA MONG IYAN? ISA KANG MALAKING ASA! UUWI NA AKO AT WAG NA WAG MAGTATANGKANG PIGILAN AKO!" Mabilis akong tumalikod at naglakad ng padabog na para bang may bakal na nakakabit sa paa ko.

Damn That Guy! Ngayon palang ako pinahiya ng lalake ng ganito! 

Rinig na rinig ang halakhak niya sa buong paligid.....sabay sabing...

"..SEE YOU.."

My Foot, Your Neck Mr. LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon