Forty-seven: Welcome Home, Love

2.7K 49 8
                                    



SKY LORRAINE PEREZ


"Bakit parang ako lang ang namimili? Ikaw wala ka ng ibang sinabi kundi okay." nginitian niya lang ako. Oo, kanina ko pa napapansin na ako lang ang lagi niyang pinapapili. Wala pa siyang pinili na kahit isa.


"I'll leave it you you love. Kahit ano namang gusto mo gusto ko na rin." he winked. At nagawa pang bumanat ng lalaking to ngayon. I just rolled my eyes.


"Whatever." iniwan ko siya at nag ikot-ikot muli sa loob ng boutique ng Real Furniture.


Lahat magaganda ang design kaya mahirap mamili. Pero kung papansinin ang mga napili ko, halos lahat ay kulay brown or may touch ng brown. I love brown. It really feels like home to me. And Cloud likes it too. Mahilig din daw siya sa shade ng brown kaya naman pabor iyon sa akin.


Ayaw ko ng ideya na ibabahay niya nalang daw ako since ayaw ko siyang pakasalan. I really don't like the idea but here I am now, buying stuffs for our house. Yes, nagpatayo na siya and he brought me there once. Yun nga lang, wala pang mga gamit.


"Thank you for choosing Real Furniture!" ngiting-ngiti na sabi nung cashier matapos niyang i-swipe ang card ni Cloud. Mabilis kong isinukbit ang braso ko sa braso ni Cloud para ipamukha sakanya na akin ang lalaking nginingitian niya.


Nilingon ako ni Cloud at nginitian tapos binalik niya ang tingin niya sa cashier at ito naman ang binigyan ng isang ngiti. Parang gusto kong sugurin ang babae dahil halos himatayin na siya nung ngumiti si Cloud sakanya! Flirt! Hindi niya ba nakikita na kasama ako ni Cloud?


Oh, naka shades nga pala ako. I flicked my hair and slowly removed my wayfarer. Namilog ang mata ng babae ng marealized niya kung sino ako. Yes! Yes, ako lang naman ito, ang nag iisang Sky.


Napatakip siya ng bibig at hindi makapaniwala sa nakikita niya.


"Let's go love." yaya ko kay Cloud sabay pakita ng isang pekeng ngiti. Itong unggoy naman, ngiting-ngiti sa akin. Mukhang nagustuhan dahil tinawag ko din siyang love. Love love-in niya mukha niya!


Binitawan ko siya at nauna akong maglakad.


"Love!" tawag niya sa akin. Huminto ako at hinarap siya.


"Love mo mukha mo! Malandi ka!" inirapan ko siya at naglakad na ako palayo sakanya. But he was fast. Nagulat ako at napatigil ng may bumalot na mga braso sa baywang ko at may babang pumatong sa balikat ko.


"I really love it when you're jealous." he whispered. Gosh! Nagsi tayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa hininga niya.


"Kaya sinasadya mo na pagselosin ako? Ganun ba yun? Ha Larisima?" sinubukan kong kalasin ang mga braso niya pero malakas siya. Simpleng tyansing lang tong mokong na to eh! Akala niya hindi ko napapansin ha!


Napansin ko na nagsimula na kaming makakuha ng atensyon ng ibang tao sa mall at may mga bulong-bulungan na rin. Oh gosh! Nakalimutan kong isuot pala ulit yung shades ko. Malamang sa malamang nakilala na nila ako. Sinuot ko ito at tumungo.

Mr. & Mrs. CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon