Thirty-four: Satisfied

2.7K 63 5
                                    



SKY LORRAINE PEREZ


"Bunganga mo ate." saway sakin ng kapatid kong kanina pa tahimik. Napatingin ako sakaniya at busy lang siya sa pagkain. Isa pa to.


"Haha oo nga bunganga mo." gatong pa ni ate. Seriously? Pinagtutulungan nila ako? Dapat nga kinakampihan nila ako eh. Ako yung na stress nitong dalawang to!


Tinawanan lang ako ni Cloud at Ezequel. Napairap nanaman ako.


"So Columbus? Sinong girlfriend mo?" tanong bigla ni Cloud bago uminom ng wine. Natigilan ang kapatid ko at nanlaki ang mga mata. Halatang nagulat sa tanong ni Cloud.


Oo nga no? Wala akong alam sa kapatid ko. SIno kayang girlfriend nito? Hindi naman nag kukwento sakin ang isang to eh. Gwapo siya kaya malamang madaming nagkakandarapa dito. Kaso aminado ako medyo suplado at masungit.


"Wa-wala." nabubulol na pagtanggi niya.


"Nako mukhang puro fling lang ata. Mukhang ayaw ng commitment. Haha!" natatawang komento naman ni Ezequel. Now the table's turned. Siya na ngayon ang pinag uusapan at hindi na ako.


"Tigilan niyo nga ang kapatid ko! Gagaya niya po sainyo tong isang to." pagtatanggol ko sakaniya.


"Ooops, seryoso ako. I have a girlfriend." paghuhugas kamay agad ni Ezequel na bahagyang napaurong dahil sa sinabi ko at tumingin kay Cloud. Yeah may girlfriend nga pala ang isang to. Ewan ko ba kung bakit di pa nag papakasal.


"Don't give me that kind of look So. I got my Sky." at hinapit niya ako papalapit sakaniya. Di ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Pero napapitlag ako dahil mula sa bewang ko ay unti unting gumapang ang kamay niya pababa sa hita ko. Bastos.


Ibinaba ko ang kamay ko para tanggalin ang kamay niya. Pero muli niya itong binalik kaya naman kinurot ko ang kamay niya.


"Aw!" daing niya at nakuha niya ang atensyon ng mga kasama namin. Nagtataka nilang tinignan ang dumain na si Cloud.


"Na-nakagat ko yung dila ko." pagdadahilan niya. Nagpigil ako sa pagtawa.


"Di ata sumang ayon yung dila mo sa sinabi mo. Hahaha!" natatawang komento ni ate Marjo. Mukhang natapakan niya ata ang ego ni Cloud dahil bigla itong sumeryoso kaya napa peace sign si ate.


Ang manyak mo ha. Nakurot ka tuloy ng wala sa oras.


"Thank you for the dinner Ezequel." Tapos niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. Pero di pa man tumatagal ang yakap ko ay may humila na sa braso ko palayo sakaniya. Si Cloud at naka busangot siya.


"Pwede ka namang mag thank you ng walang yakap eh. Tsss." maktol niya sa tabi ko.


"You're welcome Sky! Congratulations again." Then humakbang siya at aambang yayakapin ako. Pero mabilis na humarang si Cloud at siya ang yumakap kay Ezequel.


"Congrats." saad niya.


"What the fuck Larisima!" sigaw ni Ezequel dahil sa pagyakap ni Cloud sakaniya. Talagang tinulak niya pa ito ng bahagya at halatang diring diri. Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.


"Shupi! Umalis ka na! Yayakap ka pa sa asawa ko eh!" pagtatabo ni Cloud. Napailing nalang ako sa ginagawa niyang pagtataboy.


Sumakay si Ezequel sa kaniyang Ford Everest at kumaway bago ito pinaandar. Si Cloud ang mag hahatid samin pauwi. Syempre hindi yun papayag na si Ezequel ang maghatid samin. Umikot siya at binuksan ang pinto ng front seat ng kaniyang Toyota FJ Cruiser. Umikot siya pabalik sa driver's seat at pinag masdan ko lang siya. Si ate Marjo at Columbus nasa back seat.


Hindi ko na napigilan at tinanong ko na siya kung saan siya galing. Tinanong ko siya habang nag da-drive siya.


"Sa office. May ka meeting akong investor. Dapat bukas yun kaso may lakad siya bukas kaya naman ngayon nalang siya nakipag meeting." sagot niya habang seryosong nakatingin sa daan. Napatango nalang ako. Kaya naman pala naka formal. Kung ano ano kasing iniisip ko eh! Now malinaw na.


Ipinikit ko nalang ang mata ko at sinandal ang ulo ko sa salamin ng binta ng kotse niya. I'm full kaya medyo nakaramdam ako ng antok.


"Wake up sleeping beauty." at may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Minulat ko ang mata ko at isang gwapong nilalang na naka ngiti ang nakatitig sakin.


"We're here." saad niya at napaayos ako ng upo. Nakatulog pala ako. Inilahad niya ang kamay niya at nakangiti ko itong tinanggap. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse.


"Pasok ka muna." anyaya ko sakaniya.


"Hindi na siguro. May maaga pa akong meeting bukas eh." pagtanggi niya. Napatango naman ako. He's busy. But still, sinisigurado niyang may oras siya sakin at kay baby.


"Good night baby." at hinalikan niya ang tyan ko at bahagya itong hinaplos. Umayos siya ng tayo at napatingala ako. Mas matangkad siya sakin.


"Good night my Sky." at hinalikan niya ako. Mabilis na halik lang. Naramdaman ko ang panghihinayang at bitin. Yun na yun?


"Good night my Cloud." paalam ko sakaniya. Nag wawala ang sistema ko dahil isang mabilis na halik lang ang ibinigay niya sa akin. Hindi ako sanay sa ganung halik niya. I want the other one.


"Cloud." I called his name ng tumapat siya sa pinto ng sasakyan at umabang bubuksan ito. I bit my lower lip. Argh! Come on Sky! Ang manyak mo! Ngumiti siya sakin.


Mabilis akong naglakad papunta sakaniya at siniil siya ng halik. I just can't get enough of these lips.


Humiwalay ako para habulin ang hiniga ko. Nakita kong naka ngiti siya. Napangiti din ako. Now, that is what I call kiss. Napakagat ako ng labi at inilayo ang tingin sakaniya. Nag lalaro sa kaniyang mga labi ang nakakalokong ngiti.


"Satisfied?" he asked while flashing a grin.


"Satisfied." proud kong sagot. So satisfied Cloud! 


**

Satisfied din ba kayo? Hahaha! Sana na satisfy ko din kayo sa chapter na to.

God bless everyone!

- Mr. Author 

Mr. & Mrs. CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon