Concert #3
(Kate's POV)
Kinapa ko ang side table ko upang kunin ang phone ko. Pag-open ko... What the fudge! 5:38am na! Ano ba yan! Umaga na hindi pa rin ako nakakatulog!
It's already been 5 hours and 38 minutes ago, pero hindi pa rin talaga maalis sa utak ko ang mga nangyari sa concert! 2 hours to go and 24 hours na akong gising!
Umikot-ikot ako sa malambot at soft bed ko, trying to find the perfect spot para makatulog, pero wala talaga! Nakakaasar! Gusto na ng katawan ko matulog pero ang utak ko ayaw pa!
Ang hirap ng sitwasyon ko! Nanghihina na nga ako sa sobrang pagod sa kakasayaw kanina, pati boses ko nawala na sa kakasigaw ko, pati ba naman ang utak ko dadagdag pa!
Tnry ko na ang lahat ng bagay para makatulog. Uminom ako ng sleeping pills pero walang talab. Ipinikit ko ang aking mga mata kasi sabi ng matatanda, ipikit ko lang daw ang mata ko makakatulog na ako, pero wala!
Inilagay ko na nga sa high cool yung aircon kasi sabi nila pag malamig madaling makatulog, pero nanginig lang ako sa sobrang lamig! Hindi naman ako inantok!
Nagdasal na rin ako sa lahat ng santo na sana patulugin na nila ako. Pero wa-epek pa rin!
Pati nga ang pagbibilang ng mga kambing ginawa ko na! Yung katulad kay mr.Bean, diba nagbilang siya tapos naka-tulog na agad siya. Hindi pa rin tumalab!
Nakakaasar na talaga! Ang gulo ng isip at katawan ko! Hindi magka-sundo!
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo at dumiretso sa kitchen. Maghahanap na lang ako ng makakain! Binuksan ko ang ref pero wala akong matipuhan.
Tumingin na lang ako sa food cabinet at dun! Dun may nakita na akong pwede kong kainin. Kinuha ko yung isang pack ng chips delight favorite ko kasi to. Inilabas ko din mula sa ref yung fresh milk.
Binuksan ko na yung cookies at nagsalin ng gatas sa baso ko. Ninanamnam ko talaga yung cookies tulad ng halik sa-- WHAT THE HELL?!
Pati ba naman sa pag kain ko ginugulo ako ng isip ko! Nawalan na tuloy ako ng gana!
Ibinalik ko na lang sa ref yung fresh milk pati yung cookies. Mamaya ko na lang ulit kakainin yun pag nagka-gana ulit ako.
Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at humiga sa higaan ko. SA WAKAS!
Finally! Ngayon, naramdaman ko na ang antok! bwuaaahaha! Salamat Lord!
Maya-maya, tuluyan na akong naka-tulog ng mahimbing.
-3rd person POV-
Habang natutulog si Kate, hindi niya alam na kanina pa tumatawag ang mga BhestFriend niya. Naka 45+ na missed calls na nga sila ee.
Pano ba naman kasi, may nakakuha pala ng picture nila ni Luke sa ganung set-up, yung nagkikiss sila sa stage.
At kumalat iyon sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube, tumblr at kung saang-saang social networking sites!
Nagimbal ang buong mundo sa mga balita tungkol sa controversial kiss nila ni Luke!
Nakarating iyon sa mga BhestFriend niya kaya naman gusto nila na ma-kompirma ang mga nangyari.
Tinawagan ni Thrisha si Alyssa at agad naman niya iyong sinagot.
''Hello? Alyssa! Nakita mo ba?!'' tarantang tanong niya sa kaibigan
[''oo bhest! Totoo ba yun?! Si Kate ba talaga yun?!'']
''I don't know bhest, malabo kasi yung mga kuha at madilim pa. Did you tried calling her? Alam na ba niya?'' sagot niya.
BINABASA MO ANG
The naughty secrets of the boyband (5SOS fan-fic)
FanfictionThis is a story about a fangirl and her adventure with her favorite boyband! Will there be love or FAKE love?? Friendship or Tupperwares?? For more info, Let's just read their story..