Concert #4
(Kate's POV)
''What the heck is happening on Earth?!'' gulat na gulat kong sigaw.
Nandito na ako sa open field ng school kaya maliit lang yung chance na may makarinig sa akin. Umupo na lang ako sa damuhan at nag-relax.
Nakakaasar naman kasi! Kanina pang umaga yung tingin ng tao sa akin! Parang pinapatay at hinuhusgahan nila ako sa mga tingin nila.
May nagawa ba ako??
Hinilot ko ang sintido ko para mawala man lang kahit konti ang sakit ng ulo ko.
Naisip ko tuloy.... Baka dahil ito sa....
Update ko! Baka hindi nila nagustuhan yung mga nangyari???
Kinuha ko naman agad sa bag ko ang notebook ko kung saan ko isinulat ang update ko. Bago kasi ako mag-update, isinusulat ko muna iyon sa 'Author's Notebook' ko.
Binasa ko ng paulit-ulit yung latest chapter ko at tiningnan kung san banda ako nagkamali o napa-pangit na scene. Naka-7 rounds ako sa pagbabasa, nagkanda-hilo hilo na nga ako ee.
Wala namang errors, typos at ang ending naman ng chapter na yun ay maganda! San banda sila nagagalit??
Habang nagmumuni-muni ako, biglang tumunog ang phone ko. Agad ko naman iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Bhest Thrisha CALLING...
Singot ko naman agad nung nalaman kong si Thrisha pala ang tumatawag. ''Bhest!'' sigaw ko na parang nanghihingi ng tulong.
[''San ka? Kailangan nating mag-usap!''] She said sternly.
Hala! Parang galit si Bhest. Pati ba siya, hindi nagustuhan ang update ko?? Ganun ba talaga ka pangit yung update ko.
''N-n-nandito a-ako ngayon sa field.'' nanginginig kong sagot.
[''Sige, hintayin mo kami dyan ni Alyssa. WAG KANG AALIS!'']
''Y-yes m-ma'am!'' sagot ko.
She ended the call, ibinalik ko naman din agad yung phone ko sa bag. Naka-upo lang ako dun sa damuhan at nagpa-linga linga upang makita kung matatanaw ko na sila.
Pero imbis na makita ko sila, ang mga matatalim na tingin sa akin ng mga babaeng estudyante na malapit sa akin ang nakita ko.
Grabe! Nakakatakot talaga! Hindi ko ma-imagine na dahil lang sa isang chapter ay handa na nila akong katayin, lutuin at ipalapa sa mga pating!
Hindi ba nila naiisip yung ibang books ko na nagpasaya sa kanila?? Ganun-ganun na lang ba yun? Ng dahil lang sa isang chapter!
Hindi nagtagal may naramdaman akong presensya sa aking likuran. Pagtingin ko sila bhest na pala. Ngumiti ako sa kanila ng sobrang tamis pero mga mataray na mata ang sumalubong sa akin.
Uh oh! HELP!!!!!!
-3rd person POV-
Meanwhile,
''What do you mean by 'problem solved'?'' takang tanong ni Ashton.
Sasagutin na sana ni Luke ang tanong ni Ashton pero biglang sumingit si Calum. ''Did you erased the memories of the people? Wow Luke! Didn't know you have superpowe-- OUCH!''
Natigil si Calum sa pagsasalita dahil nabatukan, na-siko at napitik nanaman siya ng kanyang tatlong kaibigan.
''Be serious Cal!'' Saway ni Michael at tiningnan pa siya ng masama.
BINABASA MO ANG
The naughty secrets of the boyband (5SOS fan-fic)
FanfictionThis is a story about a fangirl and her adventure with her favorite boyband! Will there be love or FAKE love?? Friendship or Tupperwares?? For more info, Let's just read their story..