One

57 2 0
                                    

"Hara! Tignan mo"
Tawag ni Sabbrina mula sa gilid ko. Agad naman akong napalingon sa kanya na ng e-stalk nanaman ng mga crush nya!

Marami syang crush sa paligid!

Ewan ko ba! Bakit ang hilig hilig niyang magka gusto sa mga taong alam naman niyang di sya magugustuhan! Hindi naman sa bitter ako pero nakaka inis lang! Alam mo yun?

Pero okay lang. Normal na sakin, yan. Sa araw araw ba namang nagtititili yan at nagsisigaw sinong hindi masasanay diba?

"Wala akong time tignan yang mga crush mo!"
Singhal ko sa kanya saka siya inirapan

Hindi naman sa abnormal ako. May crush din naman ako pero hindi naman yung katulad niya na parang gagawin lahat ma stalk lang niya! Kulang na nga lang siya pa yung manligaw at mangharana eh!

"Sama talaga ng ugali nito! Ang KJ mo"

"KYAAAAAH!! Mga bess! Tignan niyo nakita ko,
DALII!"

Patakbong lumapit samin si Lor at sisigaw sigaw na parang kinikiliti sa sikmura! Isa pa tong si Lor!

Mga nagkaka adikan sa mga lalaki

"Alam niyo napaka ingay niyo talaga!"
Singhal ko sa kanilang dalawa dahil nag titilian sila habang hawak hawak yung kanya kanyang cellphone. Sa totoo lang ako yung nahihiya sa dalawang to. Pinag titinginan kami  dahil sa ingay ng mga bunganga nilang dalawa.

>___<

"Ano bang napapala niyo sa kaka stalk? Napapakain ba kayo niyan? Napapag aral ba? Hindi naman mga gwapo! Tss"
Singhal ko ulit sa kanilang dalawa at inirapan, hinampas naman ako ni Lor na umupo sa tabi ko

Tignan mo! Ang payat ko na nga lang pero kung pag hahampasin nila akong dalawa para  na akong kakalas

"Palibhasa kasi napaka bitter mo! Wala kang lovelife!"
sinamaan ko ng tingin si Lor at ngumisi si Sab
"Bakit ikaw meron?"

"Wala! Bakit sinabi ko bang meron?"

Tamo! Lakas ng loob mag sabi ng walang lovelife eh sya din naman pala!

"HAHAHAHAHA! Mga walang lovelife!"

Sabay kaming napatingin ni Lor kay Sab na pinagtawanan kami dahil wala daw kaming lovelife! As if meron siya

Isa pa to -_-

"Hoy! Bakit ikaw may lovelife ka?!"

Pinantaasan ng kilay ni Lor si Sab, ngumiti naman si Sab

"Wala! Pare-parehas tayo. HAHAHAHA, not now but soon"

Nagkatinginan sina Sab at Lor at sabay na tumawa ng pagkalakas lakas! Ako yung nahihiya talaga sa dalawang to.  Papalamon nalang ako ng buhay >_<

Nagpa iling iling nalang ako at napa face palm. Sakto namang pag tunog ng bell kaya sabay sabay na kaming tumayo at pumasok sa room.

"Hara alam mo, may papakilala ako sayo, para naman may pinagkaka abalahan ka"
Sabi ni Sab nung maka upo na kami. Sus wala akong panahon sa mga ganyan! Wala nga akong panahon mag gagala makipag date pa kaya?

"Ayoko nga!"

"Bwiset ka! Wala ka talagang kilig sa katawan mo e no?"
Singit naman ni Lor at pinaglaruan yung buhok ko. Putek dadamay pa nila ako sa mga kagagahan nila

"Wala akong time sa ganyan—"

"Ang arte talaga nito—KYAAAAAAAAAH"

BLUESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon