"I'm sorry. Ito yung kinahinatnan ko. Magmula nung dumating ka, You always make my heart melt, and my stomach fill with butterflies. You leave me speechless and yet full of laughter. You are such an incredible person. Lalo akong pinahirapan ng pakiramdaman ko para sayo"
Nakatingin lang ako sa mga mata nya, I confess my feelings for him. Para mawala, just in case kasi kadalasan ganun naman e. Once na umamin ka ganun na.
Siguro isa ngang kahibangan at kabaliwan ang sinasabi ko, ayoko na kasing patagalin, masyadong mahirap magtago ng pakiramdam. Yeah kasi usually puro lalaki ang parating umaamin but this time ako na! Kung ayaw nya edi wag, kasi mas magiging madali yun.
"I'm really nervous. Para akong masusuka dahil sa kaba alam mo ba yun? It's really hard for me to confess my feelings for you. Pero gusto ko kasing mawala-"
"Bakit pa kung pwede naman nating totohanin?"
Saad niya.Hinihintay ko siyang tumawa o ano pa dahil baka nagbibiro labg siya. Pero nanatiling seryoso yung mukha niya
Parang nakain ko lahat ng sinabi ko dahil sa sagot niya. Nooooo waaaaaay! Ayokong masaktan, ayokong umiyak at maiwan nanaman. Pagod na pagod na ako. Sukong suko na ako.
Pero bakit ko pa nga ba sinabi yung tunay kong nararamdaman? Bakit pa nga ba ako umamin?
"Hibang ka ba? I don't like relationship, pakiramdam ko masasaktan lang ako nang dahil jan-"
"It doesn't matter! Matagal ko na din gusto tong aminin sayo! I would say I love you but saying it out loud is hard. Alam mo yan.."
"What did you say?"
"Yun yung problema sayo! lagi kang nagtatanga tangahan, look!"
Marahan nyang iniharap ang mukha ko sa mukha niya dahilan para matigilan ako
"Hindi mo pa nga tinatanong kung mahal din kita-""Para ano? Para saktan ako?"
He rolled his eyes
"Tinataboy mo lahat ng taong gustong magmahal sayo. You can make yourself love, but can you make yourself be loved?"Natahimik lang ako at wala ng ibang salita ang pumapasok sa utak ko. Nagkatitigan lang kami ng ilang minuto at nag desisyon na akong tumayo. It's not working anymore! Mas lalo lang tumitindi yung nararamdaman ko para sa kanya. I don't like it! Kasi hindi pwede. Hindi dapat!
"I'll go ahead-"
"See? Di mo kayang panindigan!"
Muli ko pa siyang sinulyapan
"Yeah. Kasi duwag ako-""You take my breath away, for some reason hindi ko alam kung paano nga ba nagsimula lahat ng to.. Hara! I just want you to be with me, to stay, I want you to trust me, kasi kayang kaya kong alagaan yung puso mo. Kaya kong patunayan na karapat dapat ako sayo. You confess kaya panindigan mo! Subukan mong isugal to! I like you too! I am catastrophically in love with you"
Mas lalo akong di makagalaw sa kinatatayuan ko, nanunuyo ang lalamunan at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.
Muli ko siyang hinarap pero sa iba pa din ang paningin ko. Hindi ko siya kayang titigan ng mata sa mata.
"But I can't-""But why?"
Hindi ko alam.
Kasi siguro kulang pa ako, gusto ko pang mahalin yung sarili ko bago ako magbigay ng pagmamahal sa iba. Gusto ko munang hanapin yung sarili ko, kung ano nga ba talaga ako. Gusto ko munang lumayo sa mga taong nagpapahirap sa loob ko. Gusto kong takasan at alisan lahat ng taong nananakit sa damdamin ko
Pero di ko magawa!
Dahil natatakot ako! Natatakot akong mahulog ng mahulog sa taong baka saktan lang akoMarami pa akong doubt sa sarili ko. Di ko pa kayang magbigay ng pagmamahal kung ang sarili ko di ko din mabigyan.
Muli ko siyang tinitigan sa mata niya. Gusto ko na tong matapos
"Wag na nating pahirapan yung mga sarili natin. I like you but that's not mean na kailangan kita-""Did you hear yourself? Tingin mo ba kaya kita gusto dahil may kailangan ako sayo?"
"Stop talking nonsense"
Bigla siyang tumawa pero may halong pagkasarkastiko, kung kailangan ko siyang saktan gagawin ko. Umiwas lang siya sa akin
"Nonsense?"Hindi ako umimik at muli na akong yumuko, I don't know what to say. Mas lalo lang akong naaawa sa sarili ko.
Tumalikod ako at dahan dahang naglakad paalis pero nakasunod lang siya sa likod ko, walang umimik hanggang sa maka uwi ako. Hindi ko na din siya muling nilingon at nag dire-diretsyo na akong pumasok sa loob ng bahay
Bahala na.
Wala ding bumati sa akin ng makapasok ako, nakatingin lang sila pero yumuko nalang ako at dumiretsyo sa kwarto ko. Mas mabigat pa to sa lagnat. Mas masakit pa to sa break up. Mas mahirap sa complicated relationships.
I want to ignore this pain. I want to disappear, and to forget all this fucking pain! I want to stop this nonsense pain. Kasi kahit kailan hindi ako natulungan ng sakit na to!
Please. Let me go. Leave me alone