"Hara! Tignan mo"Tawag sakin ni Sab habang hawak hawak nanaman yung cellphone, uwian na lahat lahat pero nang iistalk pa din sya ng mga crush nya. Si Lor naman nauna na dahil may dadaanan pa daw. Baka naman susundan nya lang ulit yung crush nya. Gaya nung ginawa nya dati na muntik pang masubsob sa tae ng pusa
"Hindi ako intresado"
Napa pamewang lang ako sa tabi nya habang nag hihintay kami ng sundo namin. Punyeta naman kasi bakit ang tagal tagal dumating ng sundo ko? Malapit ko na kasi talagang ma upper cut tong katabi ko dahil sa ingay at tili, actually di ko na talaga alam kung paano ko sya naging kaibigan eh
"Kyaaaaaaah! OMG OMG OMG OMG!
Tili nya ulit habang kinikilig, tinignan ko yung screen ng phone nya at nakita ko yung picture ni Kent. Putcha! Yun lang pala -__- yan lang pala
"UY GIRL TIGNAN MO! PASOK NA SI KENT SA BASKETBALL TEAM KYAAAAAH I REALLY LIKE HIM NA (^O^)"
then she giggled... Urgh! What's the big deal? And so what kung nakapasok sya? Like duh!  ̄︿ ̄ AS IF MAY PAKE AKO DIBA? URGH!!!!!
"So what?"
Tumingin sya sakin ng masama at inirapan ako.
"So what daw. Pag ikaw talaga na inlove di kita tutulungan tandaan mo yan"
Tumingin ulit sya sa cellphone nya at ngumiti
"Ang creepy mo. Patapon kita sa Mars eh"
Tatawa tawa ko namang sabi sa kanya tsaka sya sinabunutan ng mahina. Bumaling ulit sya ng tingin sakin at pinalo yung braso ko
Mashaket yun ah
"Abnormal ka naman, kala mo talaga jan -_- makakarma ka din"
"HAHAHAHA oo na. Bahala ka sa buhay mo. Sige na take your time, stalk muna ulit yung taong di magiging iyo"
Nang gigil sya sa mukha ko tsaka tumalikod. Natawa nalang ako sa kanya tsaka umupo muna sa bench na katabi at tumingin tingin sa langit.
Maya maya nag simula na akong maglakad dahil anong oras na wala pa din ang sundo ko. Hinabol naman ako Sab sabi ko maghintay nalang sya dun at di na sya pumalag dahil magkalayo pa kami ng village
Pasakay na ako ng jeep nung may bwiset na nang banga nanaman sakin. Urgh! I hate this dayyyyyy!!!!
"Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo!"
Singhal ko habang pinupulot yung mga libro na kumalat sa sahig. Putek! Ayaw pa ko tulungan
"Sorry miss, pero ikaw yung may kasalanan".
Aba't! Nung napulot ko na lahat nung libro hinarap ko sya... Laking gulat ko naman nung si kent yun! For the second time sya nanaman yung nabungo ko! Haleeeer ng daming tao sa mundo
O baka malas lang ako today? Minamagnet ata ako ng lalaking to eh
"Di ka kasi tumitingin sa daanan mo!"
Singhal ko sa kanya tsaka sya inirapan.Tinuro nya naman yung sarili nya
"Ako?""Ay hindi! Baka yung bato. Natural ikaw! May nakikita ka pa bang ibang tao?"
I said and roll my eyes. Gosh! Di ko alam kong tanga lang sya o binge, alam mo yun? Ang lakas maka shunga
"Ang sungit mo talaga eh no?"
He said and smirk. Nakuha pa talaga nyang mag smirk sa lagay na yan ah?
"So what?"
I roll my eyes again at sinuot ko na yung earphone ko sa tenga at taimtim na sumakay sa paparating na jeep.
Akala ko matatahimik na yung buong kaluluwa ko nung nakita kong pumasok din sya sa jeep! WTF??? -_-||
Wala ba tong kotse? -_-
At sa harapan ko pa talaga umupo ah? Inirapan ko nalang ulit sya at nagbayad. Buong byahe naktingin lang ako sa labas habang nakikinig ng mga kanta, alangan namn kasing picture diba? Tss.... -_-
Hanggang sa makarating na ako at dire diretsyong pumasok sa loob ng village. Kilala naman ako dun kaya di na ako sinita, tinago ko na din sa bag ang earphone at nagpatuloy sa paglalakad
When someone caught my attention, mula sa peripheral vision ko nakita kong naglalakad din si Kent kasabay ko.... WTH? Sinusundan nya ba ako? (Okay assuming. Assuming talaga ako)
Tinignan ko sya pero nag smirk lang sya.. Nagmadali na kong maglakad to the point na tumakbo na talaga ako palayo sa kanya hanggang sa di kuna sya nakita
Hindi naman sa may nakakahawa syang sakit or di sya gwapo (sobrang gwapo pa nga nya eh) nakakainis lang yung presensya nya! Umiinit yung dugo ko sa kanya
Ang harsh ko dahil first day nya lang sinusungitan ko na sya.. So what? I don't care naiinis ako eh!
Nasa tapat na ako ng gate habang humihingal. Tumingin tingin ako sa paligid kong nandun pa sya.. Napailing nalang ako at pumasok.
Ano ba tong pinag gagawa ko? Nasisiraan na ata ako ng bait o ng ulo?
Andito yung kotse ni mama at daddy, yung van lang yung wala. Hayst! Nagtuloy tuloy na ako at nadatnan ko dun si ate at kuya na nanunuod lang ng t.v. habang masaya pang kumakain ng pop corn. Di man lang nila ako tinapunan ng tingin.. Tss -_-
"Asan sila mommy?"
Tanong ko ng di pa din sila lumilingon"Umalis kasama si daddy"
Ate Mara said without looking at me. Tss -_-"Si kuya Bert?"
"Sinama ni mommy"
Sagot naman ni Kuya Rob. Tumango nalang ako at nag tuloy tuloy sa kwarto ko kaya naman pala di ako nasundo. Sana naman nagpasabi sila para di ako parang tangang naghihintay dun sa wala!Hinagis ko nalang yung bag ko sa gilid ng sofa ko at padabog na humiga sa kama. Naka tingin lang ako sa mga glow in the dark sa kisame ko..
Bwiset na buhay to!
Nag online ako pero naboboring pa din ako. Nagbihis nalang ako at naglakad lakad sa labas. Mas na rerelax pa ako lumabas kesa nasa bahay puro stress
Nung makarating ako sa may park nitong village, umupo lang ako at pinagmamasdan yung mga batang naghahabolan. Tinitigan ko lang sila at muli ng tumayo para umuwi. Mga 30 minutes muna akong nagpaikot ikot bago tuluyang umuwi.
Nang maka uwi na ako nadatnan ko na sila mama sa loob ng bahay habang may pasalubong kela ate nagmano naman ako sa kanila, didiretsyo na sana ako sa kwarto ko nung tinawag ako ni mama
"Hara! Kunin mo to"
Inabot sakin ni mommy yung isang dress. Kinuha ko nalang yun at nagpatuloy sa paglalakad nung tawagin naman ako ni daddy
"Hara! Pasalamat ka nga at binilhan ka ng mommy mo tapos naka busangot pa yang mukha mo!"
Tinapunan ko lang sya ng tingin at nag poker face
"Salamat"
Sabi ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad paakyat"Wala ka talagang galang! HALARY CORTEZ! Ayan ba yung natutunan mo sa school mo? Ang tumalikod sa mga matatanda kapag kinakausap?"
Muli akong humarap sa kanila. Naka tingin silang lahat sakin habang galit yung mga expression ng mga mukha.
"Palibhasa kasi puro bulakbol ang alam mo! Bakit di mo gayahin yung mga kapatid mo? May mga matitinong trabaho hindi tulad mo repeater!"
Sigaw nya uli sakin. I just ignore it and roll my eyes on him. So what? Palagi naman eh, sila yung magaling
"Wala ka talagang utang na loob!"
Di na ako sumagot at nag patuloy na ako sa paglalakad at di na sila muling nilingon, napa buntong hininga nalang ako at nilukot yung mga damit na dress na binigay ni mommy.. Nilagay ko lang uli sya sa isang kahon sa sulok. Di naman nila alam yung mga gusto ko!
Tsk. Puro kasi mali ko yung nakikita nila!