"WHAT IS THIS ALL ABOUT? HALARY CORTEZ! YOU DON'T EVEN KNOW HOW I FEEL. NAKAKAHIYA!"
Sita ni daddy sakin pag dating ko sa bahay kasama si KentNgumisi sakin si Ate Mara at si Kuya Rob
Hindi na sila nahiya sa bisita ko.. Dapat pinag mamaya nya nalang yan eh, nakakahiya kay Kent -_-!
Baka masagot ko sya ng masagot"What happen?"
Tanong ko pero sinamaan lalo ako ng tingin ni daddySinenyasan ko naman muna si Kent na maupo at sumunod naman sa kanya sa sala
"You're acting like a fool? C'mon Hara wag kang maging tanga sa harap ko! Lalong lalo sa kanya"
Bahagya nya pang tinuro si Kent kaya mas lalo akong kinabahan. Ano nanamang pakulo nya?
"Kala ko ba matalino ka? Now tell me! Anong nagawa kong mali sayo para ipahiya mo ako ng ganito. Pakita mo sa kanya kung anong tunay mong ugali"
Muli nyang tanong at pinantaasan ako ng tono. Pinigilan pa sya ng bahagya ni Mama pero di nya pinansin."I don't know what your talking about-"
"So. Let me discuss to you! Pumunta kami ng mama mo sa school mo pero ano yung sinabi ng teacher mo? Baka nagkakamali lang ako? Oh c'mon ganito mo ba ako kinakahiya para magpapunta pa ng iba pang tao para tumayong guardian mo? Ano? Kinahihiya mo na kami ngayon? Hara! Nagmukha kaming tanga ng mama mo"
Hindi ako umimik. So nalaman na pala nya?
Kinabahan pa din ako sa mga sinabi nya pero nanaig pa din ang inis ko, paano nya nasasabi sakin to? Eh andami dami nyang pag kukulang sakin
Mas lalong napangisi yung dalawa sa gilid at nangigilid na ang luha ni mama
Ayoko sanang ipahiya pa lalo yung sarili ko pero pagsisisihan ko to pag di ko pa to masasabi
Kailangan ko na ng lakas ng loob
Tumingin ako kay Kent
"Sige hayaan mong sabihin ko din sayo"
Napangiti pa sya ng sarkastiko at tumingin sakin ng mas matalim
"Sige magka alaman tayo dito!"
Chillax pa akong napalapit sa kanya pero kinakabahan na ako sa kaloob looban ko. Anong mangyayari sakin pagtapos ko nito? Anong iisipin ni Kent? Bakit ba kasi ngayon pa >_<
It's now or never..
"Gusto mo ba talaga daddy isa isahin ko? Baka di tayo matapos.. "
Tumingin pa ako sa kanya tsaka ngumisi. Sige! Ito yung gusto nya eh bibigay ko
Isipin nyo ng napaka suwail at bastos akong anak, walang respeto at walang utang na loob
Isipin nyo na, kasi dun din naman mapupunta
"Kaya ko nagawa yun? Bakit nga ba?.. Natakot ako sayo, aminin ko. Natakot akong baka sugurin mo ako sa school at ipahiya na ngayon inulit muna. Natakot ako na baka ma bully ulit ako dahil dun, natakot ako na mawalan ulit ng kaibigan. Naaalala mo ba daddy? Yung mga birthday, at special occasion ko sa buhay? Maski yung graduation ko nang Elementary nag promise ka pa nga eh! Uto uto pa ako that time kaya naniwala ako na pupunta ka, pero maski anino mo wala, maski tawag o text wala, wala kang paramdam tapos nabalitaan ko kaya di ka nakapunta kasi andun! Nalasing ka kasi birthday ng "katrabaho" mo kuno. Edi okay lang pinalampas ko.
Naalala mo din ba daddy yung mga program ko sa school at mga awards ko? Hindi mo man lang ako binati o pinag malaki. Yung to the point na naiingit na ako sa mga kaklase ko dahil sinusuportahan sila ng mga parents nila. Naalala mo din yung kinuha mo ako kay lola kahit ayaw ko? Yung araw araw na lagi mo akong pinapagalitan kasi bobo ako? Pero di mo alam na matataas ang grades ko at valedictorian ako. Naalala mo din yung mga pagkukumapara mo sakin sa narating na nila ate at kuy? Naalala mo din yung mga times na lagi mong pinapaulit ulit sakin na repeater ako? Naalala mo din yung mga araw na pinaparusahan mo ako at ayaw mo akong ipahatid at ipasundo. Tiniis ko lahat yun. Yung mga pang babalewala nyo sa akin, yung mas nararamdaman ko pa yung presensya ng "katulong" nyo kesa sa inyo. Naalala mo? Naalala nyo? Naalala mo yung umuwi ako na basang basa at andito lang kayo nanunuod tawa ng tawa habang ako nagkasakit na lahat lahat pinagalitan mo pa. Tsaka yung mga bagay na gusto ko? Lahat yun di nyo alam-""Hara.."
Napalingon ako kay Kent na nakatayo na at tinitignan ako na parang awang awaMas lalong bumibigat yung talukap ng mga mata ko ng tignan nya ako
"It's okay.. "
Saad ko nalang at napatingin ako kay daddy na malapit ng maiyak"Enough!"
Utos ni Kuya Rob"Enough? Kala ko ba gusto nyo malaman lahat ng saloobin ko? Kala ko ba gusto nyong malaman lahat ng pagkukulang nyo? Ayan na! Nasabi ko na! Akala nyo madali sakin to?"
Nag sisimula ng mangilid ang mga luha ko. Bakit ansakit sakit? Akala ko ayos na ako eh, akala ko magiging manhid ako, bakit ganito? Bakit umiiyak nanaman ako?
"Okay lang.. Sanay akong tinatakbuhan, sanay akong iniiwasan at pinapamigay, sanay akong mabalewala.. Kay mommy, sa inyo, sayo.. baka si Lola Mildred lang talaga ang makaka intindi sakin. Ewan ko nga ba eh! bakit pa kasi kinuha nyo ako sa kanya? Eh ang saya saya nyo na! Ayan tuloy pinoproblema nyo pa ako"
Napahagalpak ako ng mapait pero napunta din yun sa iyak. Di ko na napigilan ang sarili ko at napaupo ako sa sofa sa gilid
"Dapat hinayaan nyo nalang ako una palang.. Kaya naman ako alagaan ni lola eh. Kahit wala tulong mo!"
Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa pagkapahiya ko sa kanya. Nakaka inis!
Pinapahiya ko yung sarili ko
*PAK*
When his palm reach to my face.