Chapter 7 - Confession

226 6 0
                                    

Kristeen POV :

Habang nasa byahe kame ni Cloud pauwi sa bahay ko. Ihahatid nya kasi ako dba? Napapansin ko sakanya na balisa sya. Hindi ko alam kung bakit. Nag-aalala tuloy ako kasi baka mabunggo pa kami bigla dahil nagdadrive nga sya pero ang isip nya wala sa pagmamaneho. Kaya tinanong ko sya.

" Huy ! Ok ka lang ba? " - Pag-aalalang tanong ko

Mga 5minutes ang nakalipas bago sya sumagot.

" H-ha? A-ano yun? " - Nauutal na sabi ni Cloud na Tila bumalik sa katinuan

" Kako, Ok ka lang? Kasi parang balisa ka. Baka mabangga pa tayo nyan. " - Seryosong sabi ko

" Ah Oo. San ka nga ba nakatira? " - Cloud

" Sa May Union Village lang. " - Sagot ko sakanya

" ah, ok. " - Cloud

After nyang mag tanong sakin, umo-K naman na sya kahit papaano. Hindi na bakas sa mukha nya ang pagkabalisa. Malaki siguro pinagdadaanan neto.

Nung makapasok na kame sa Village namen itinuro ko na sakanya ang direksyon ng bahay namen. After 5 minutes nakadating din kame. Malapit lang naman kasi tong bahay namen sa Main gate ng Union Village. Pababa na sana ko ng sasakyan pero inunahan akong bumaba ni Cloud at umikot ng sasakyan papunta sa pintuan kung nasaan ako at binuksan nya ito. Bumaba din naman ako kaagad.

" Thank you " - Ang tanging nasabi ko lang

Ewan, pero naninibago ako sa aura nya ngayon. Ibang iba, hindi tulad nung nag date kame kuno sa Mall. Yun bang makulit, nagger, at bully. Pero ngayon makikita mo sakanya na parang may gustong gusto syang itanong at sabihin.

Naglakad na ko papasok sa bahay namin. Hindi ko na sya nilingon pa after kong magpasalamat sakanya. Naiilang kasi ako sa katahimikan nya. Nakakaintimidate pala pag tahimik sya. Pero ramdam ko na nakatingin sya sakin habang papalapit ako sa pinto ng Gate namen.

Nang mahawakan ko na yung bukasan ng gate namen bigla syang nagsalita.

" Kristeen, wait. " - Mabilis na pagkasabi nya

Napahinto ako at nilingon sya. Onti onti syang lumalapit sakin. Kaya Lumapit na din ako sakanya. Mahirap na baka marinig pa kame ni Kuya.

" Bakit? May problema ba? " - Nagtatakang tanong ko

" Ah eh, Oo e. " - Sabay kamot nya sa ulo

" Ano yun? Sabi na may problema ka e. Kanina ko pa napapansing balisa ka. " - Ako

" Ganun ba? He-he-he " - Malumanay na tawa nya

" Sobrang laki ba ng problema mo? " - Ako

" Oo. " - Seryosong sagot nya

Kaloka, bigla bigla nag-iiba mood netong lalaking to. Nakakatakot, may PMS ? Pero tutal, tinulungan nya ko kanina sa pervert tapos hinatid nya pa ko dito tapos nag paka sweet bones pa sya kanina sa bar, tutulungan ko din sya sa problema nya sa abot ng aking makakaya. Hinawakan ko sya sa kamay at mabilis na hinila papuntang park. May park kasi tong Village namen.

" Hanong ghina-gha-hwa na-ha-tin dihito? " - Hinihingal na sabi nya

" Mag jajackstone. Tch ! Syempre dito tayo mag-uusap about jan sa problema mo. Hindi naman pwede dun sa harap ng bahay namen no ! Makita pa tayo ni Kuya ! tch ! " - Ako

" E ano? " - Cloud

" E ano your face. Spill it " - Ako

" Fine ! Pero, haaaays. Hiraaaaap. Daaaaamn ! " - Sabay dabog ng paa nya

Ang Aso't-Pusang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon