Chapter 18 - Mr.SuperSaiyan

130 1 0
                                    

No one's POV :

Hinabol ni Kristeen ang lalaking palabas ng Canteen na nakakasigurado syang ito yung dahilan kung baket halos mahati sa gitna ang Lamesa. Pero hindi nya ito nakita at naabutan. Minabuti na lang nya na umuwi na lang sa bahay ng hindi nagpapaalam sa mga kaibigan. Masyado syang na-i-stress sa mga pangyayari. Una hinalikan sya sa pisnge ng isang artista at nagtapat itong may gusto daw ito sakanya at sya ang dahilan ng paglipat nito. Pangalawa, ang lalaking nakita nya sa Parking Lot, Admission Office at sa Canteen. Iniisip nya kung baket andito sa school nila ngayon at pangatlo si Eli na hindi sya kinokontak ngayon dahil alam nyang nagtatampo o nagalit ito sakanya. Nag-aalala tuloy sya..

Umalis na si Kristeen ng School dahil mas naisip nyang magpahinga na lang muna sya. Hindi na nya pinasukan pa ang Last subject tutal e first day of 2ndsemester pa lang naman at siguradong walang katapusang Introduction nanaman ang mangyayari sa loob ng klase. Mas gugustuhin nya pang humilata at matulog.

Habang nag dadrive si Kristeen pauwi ng bahay nila e bigla naman tumunog ang cellphone nya.

Labidabi ohw ohw ohw Labidabi dudududu agad nyang sinagot ang tumatawag na kaibigang si Coleen.

" Hoy te! Sang lupalop ka napunta? Hinalikan ka lang ng artista bigla ka na lang nawala na parang bula. Hahahaha! " - pang-aasar ni Coleen sa kaibigan

" Tch. Nakakatamad din namang pumasok puro intro, walang katapusang intro. Mas gusto ko pang umuwi at humilata. Ge, baba ko na to. "

" teka langs bruha. Bored kba? SuperClub tayo? Hihihi " -  pag-aaya ni Coleen

" onga! sumama kna Kristeen. Super Club tayo. The more the merrier. Boahahaha! " - sabat ng kaibigang si Jhazmine sa kabilang Linya

" tch. oo na. "

" 8pm te ha? dun na lang tayo kita kita. Sge bhe. See you. "

" not if i see you first. Bye. " -  at ibinaba na nya ang tawag at inilagay na ang atensyon sa pag mamaneho

Sa kabilang banda.. 

Wala paring tulog si Eli mula nung gabing hinatid nya si Kristeen at dumiretso agad sya sa secret place nya. Nakaupo sya ngayon sa sofa ng bahay nya at palipat lipat lang nang channel ng TV. Hindi nakukuntento sa iisang palabas, bagot na bagot na sya sa paghihintay sa butler nyang inaasikaso ang ticket nya. Oo, ticket nga. Ticket para sa eroplano. Dahil aalis ulit sya ng pilipinas at babalik sa USA. May mahalaga kasi syang inaasikaso na hindi pwedeng ipagpaliban.

Patuloy lang sya sa pag lipat ng channel hanggang sa matuon ang atensyon nya sa Cellphone nyang nakalagay lamang sa gilid nya.

" dapat ko pa bang i-text si Kristeen? Dapat ko pa bang ipaalam? wala na din naman ako sakanya e. Para san pa? "

iniisip ni Eli kung i-tetext nya pa ba ang dating kasintahan at magpapaalam dito na aalis muna sya ng pilipinas pansamantala.

" Pero kasi, ayoko naman nang maulit yung ginawa ko dati na bigla bigla na lang nawawala. Hays! i-tetext ko na nga sya. "

nakapagdesisyon na si Eli na itext si Kristeen para makipagkita dito at para makapagpaalam din sya ng personal sa dalaga. Ayaw naman nyang magpaalam sa text lang kung kaya't kinuha nya ang Cellphone nya at itenext ito.

To : Moon<3

Moon, Please Let's meet tomorrow morning 8am, at the kape cafe. see you there. I have something to tell you. Thanks.

Ang Aso't-Pusang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon