Chapter 21 - The feelings

142 2 0
                                    

No one's POV :

Nang matapos nang mag-inuman ang mga kaibigan nila Kristeen e bigla na lang hinawakan ni Cloud ang kaliwang kamay nya at tumayo ito kung kaya naman napatayo na din sya. Nakaramdam sya ng kakaibang kuryente sa katawan dahil sa ginawa ni Cloud na biglang pag hawak sa kamay nya. Bigla syang parang nawala sa sarili na ang tingin lang nya e andun sa mga kamay nilang dalawang magkahawakan.

Napatingin naman ang mga kaibigan nila Kristeen at Cloud sa ginawa ng binata. Yung iba naka smirk lang at yung iba nagulat, yung iba kinikilig.

Nang mapatingin si Kristeen sa mga kaibigan e nakaramdam sya bigla ng hiya dahil sa mga reaksyon ng mga kaibigan nila. Bigla tuloy nag init ang mga mukha nya. Pinipilit nyang tanggalin ang pagkakahawak ng kamay ni Cloud sa kamay nya pero hindi nya maialis ito dahil mas lalong hinihigpitan ni Cloud ang pagkakahawak sa kaliwang kamay nya. Hiyang hiya na si Kristeen sa nangyayare.

" Huy! ano bva?! bvitawan moh nwa nga kamaysh kow! " - bulong nya kay Cloud

Pero hindi pinansin ni Cloud ang ibinulong nya kay Kristeen.

" Guys, uwi na kame ni Kristeen. Hahatid ko na sya. Lasing na e. " - pagpapaalam ni Cloud sa mga kaibigan

" Kafal! hindi ako lashing no! " - K

" sa lagay na yan? Mukhang hindi nga. Tss ! " - C

" Talaga no ! Tch ! " - pikong sabi ni Kristeen

" so guys, una na kame? Kayo (turo kila Ross, Nathaniel at Jonnel) ihatid nyo na din yang mga girls baka kung ano pa mangyari sakanila. Ge bye." - at dirediretso nang lumabas si Cloud ng VIP room na hawak pa din ang kamay ni Kristeen. Hindi na nya hinintay pang sumagot ang mga kaibigan.

Halos kaladkadin na ni Cloud si Kristeen palabas ng club. Mas lalo syang naiinis dahil sa mga lalaking sinisipulan, lumalapit at nagpapapansin kay Kristeen kaya hindi nya mapigilang hilahin ito ng mabilisan palabas ng Club.

 Ang sakit sakit na ng kamay ni Kristeen dahil sa paghila sakanya ni Cloud at dahil na din sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay nya.

" Ano ba ! Bitawan mo na nga kamay ko ! Ang sakit na ha ! " -  inis na inis na sabi ni Kristeen

" H-ha? " - Nagtatakang sagot ni Cloud

" Bingi kba?! Ang sabi ko tanggalin mo yang kamay mo sa kamay ko dahil ang sakit sakit na ! " - iritableng sabi ni Kristeen

napatingin naman si Cloud sa kamay nya na nakahawak kay Kristeen at ng makita nyang namumula na ang kamay ng dalaga e agad din nyang tinanggal ang pagkakahawak dito. Hindi nya napansin na napahigpit na pala ng sobra ang pagkakahawak nya kay Kristeen dahil sa selos na nararamdaman nya kanina. Sa takot na baka maagaw sakanya si Kristeen.

Ang Aso't-Pusang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon