Chapter 11 - I Choosed you

169 5 2
                                    

Narration mode ang peg ko ngayon Readers ha? :) Ta-try ko lang. Haha! Enjoy reading. Mua :* - Author

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No one's POV : 

" Shit ! Mag-a-alaskwatro na hindi pa din ako nakakapagdecide?! " 

Ang tanging nasabi ni Kristeen sa sarili habang paikot-ikot na naglalakad sakanilang sala. Hanggang ngayon kasi hindi pa din nya alam kung sino sa dalawa ang kikitain nya. Si Eli nga ba o si Cloud? Pero nakapag sabi na sya kay Cloud na pumapayag sya. Pero hindi pa din sya makapagdecide hanggang ngayon dahil naguguluhan talaga sya. Kung bakit ba naman kasi ngayon nag-aya si Eli kung kelan nag-aya si Cloud. Bakit kelangang sabay pa?

" Waa.. Sino ba? What to do?! What to do?! " - Padabog na naglalakad si Kristeen habang paikot-ikot parin sa kanilang sala.

" Si Cloud ba na naunang nag-aya sakin o si Eli na kelangan daw akong makausap at namimiss daw ako? Shit! Sino ba?! " -  Kinakausap ni Kristeen ang kanyang sarili.

Naiinis sya dahil bakit  nag sabay pa ang dalawa. Pero wala naman ng magagawa, kailangan na nyang makapagdecide bago pa mag-alaskwatro. Saglit pa syang nag-isip at di katagalan kinuha na din nya ang kanyang Cellphone at nagtext.

To : 0927*******

Hi. I Can't go a date with you. I'm sorry. Next time na lang, may emergency e.

Labag sa loob na i-tinext ni Kristeen si Cloud dahil sa totoo lang gusto din naman talaga nyang makipagdate sa binata at katunayan nga ay excited pa sya nang malamang inaaya sya nitong makipag date kahit na sa ThemePark lang sila magdedate. Pero kailangan din kasi naman talagang mag-usap nila ni Eli dahil 5 years na ang nakalipas at bigla na lang itong babalik at ang nakakagulat pa ay gusto nitong makipag balikan kay Kristeen. Madami ding gustong itanong at malaman ang dalaga kay Eli kung kaya't si Eli ang naisip nyang katagpuin. Agad nyang nilabas ulit ang kanyang Cellphone at nagtext kay Eli.

To : Eli

Ok. Where?

*******************************************************************************************************

Mahimbing na natutulog si Eli sa kanyang malambot na kama ng biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Naka set pa ito sa pagkalakas-lakas na volume upang agad nyang malaman kung nagreply na ba sakanya si Kristeen. Inaabangan nya talaga ang reply ng dalaga simula pa lang ng i-text nya ito pero hanggang sa makarating siya ng kanyang bahay wala paring reply sakanya ang dalaga kung kaya't naisipin nyang i-volume max ang message alert tone ng kanyang cellphone.

Sa sobrang lakas ng message alert tone nya na ( Daddy! Daddy! May nagtext sayo! Babasahin ko ba?! ) ay nagulat sya at napatihulog sa kanyang malambot na kama.

" Shit " - usal ng binata

Agad ding tumayo si Eli at agad na tinignan ang kanyang Cellphone upang makita kung sino ang nagtext sakanya. Nakaramdam sya ng saya ng makita ang sender na ito.

From : Moon<3

Ok. Where?

" Thank God at pumayag sya. " - Masayang sabi ni Eli sa kanyang sarili.

To : Moon<3

Please meet me at your Gate's Village. Thank you Moon :) Susunduin na lang kita jan. Don't bring your car. See you. I'll be there in 30minutes.

********************************************************************************************************

Umupo muna si Kristeen sa kanilang sofa sa sala at binuksan ang TV. Nanuod muna sya tutal naman mga 30minutes pa naman daw makakarating si Eli sakanilang Village.

Nakalipas ang 30minutes na oras at pinatay na ni Kristeen ang TV at tumayo na sa Sofa at Lumabas na ng bahay. Pupuntahan na nya si Eli sa may harap ng Gate ng Village nila. Di kalayuan nakita na nya ang binata na nakasandal sa magarang kotse nito.

" Hindi parin nagbabago ang mukha nya. Gwapo parin sya tulad nung una naming pagkikita " - nasabi na lang sa sarili ni Kristeen habang papalapit kay Eli.

" Hello. Thank you Moon at pumayag kang makipagkita sakin. " - masayang sabi ni Eli sa dalaga at hinagkan nya ito.

" Oo, ang sabi mo kasi gusto mo akong makausap. Ano ba ang pag-uusapan natin? " - sabi ni Kristeen kay Eli sa pagitan ng pagkakayap sakanya ng binata.

" At pano mo nalaman na dito ako nakatira? " - pahabol ng dalaga

" Hindi na mahalaga yon kung pano ko nalaman na dito ka nakatira :) So tara na? " - sabay hawak sa kamay ni Kristeen at pinagbuksan sya ng pinto ng sasakyan. 

Agad din namang sumakay si Kristeen sa kotse. Tinitignan nya si Eli na paikot na naglalakad sa harap ng sasakyan upang pumunta sa Driver's Seat.

" Tara na? " - Masayang sabi ni Eli

" Ok. Siguraduhan mo lang na may malalaman ako kung bakit mo ako iniwan ng 5 years ng hindi ko alam ang dahilan Eli. I Choosed you than Cloud na dapat ay may date kame. Wag mong sayangin. " - walang ka emosyon-emosyong sinabi ni Kristeen kay Eli ng hindi sya tumitingin sa Binata.

Napabuntong hininga na lang si Eli sa sinabi ni Kristeen. Nakaramdam sya ng lungkot ng malaman nyang may date dapat pala ang dalaga dun sa lalaki.

" I promise. " - malungkot na sabi ni Eli, sabay buntong hininga at pinaandar ng ang kotse.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN : 

  Narration mode. Ok ba? haha. tinry ko lang. Aalis pa ko amp. Tomorrow na lang ulit next update ha? Enjoy reading. Mua :* Votes and Comments :D

- Super Joyce

Ang Aso't-Pusang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon