Chapter 8 - Friends

173 6 0
                                    

" Will you be mine on this day? (sabay tingin nya sa langit) Will you be the stars in my nights?(Sabay tingin at ngiti nya sakin)  Will you be the joy in my life? Will you be the love i can't deny?  Will you be my everything? Kristeen Moon Castillo. Will you be my Girlfriend? " - Seryoso at sincere nyang sabi sakin habang hawak hawak ang dalawa kong kamay

Kristeen POV :

 Grabeeeee ! Kinikilig ako. Mwaheehee ! Nagtapat nga sya. Pero sobra talaga akong nagulat. Hindi ko akalain na ganun ang sasabihin nya. Para akong nag glue dito sa kinauupuan ko, hindi nko makagalaw at hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Sa totoo lang mas lalo akong naguguluhan. Eli o Cloud? Haays. Nalilito na ako talaga :( What to do? What to do?

" Alam ko naguguluhan ka lalo na nakikipagbalikan na sayo Ex mo. Naiintindihan kita kaya hindi kita pipilitin. Wag kang mag-alala, i can wait basta ikaw. " - Sabay ngiti nya ng mapakla

umikot sya papunta sa likuran ko. Hindi ko sya nilingon, bigla na lang akong may naramdamang malamig sa may leeg ko. Tinignan ko ito, isa itong kwintas na may pendant na puso. Nagtaka ako bakit nya ko binigyan ng ganito?

" Para san to? " - Pagtatanong ko

" Sabi sakin dati ni Mommy ibigay ko yan sa taong mamahalin ko at sa future ko. Binigay ko yan kasi gustong gusto talaga kita. Gusto ko ikaw na at wala ng iba pa " - Seryoso nyang sabi

" H-ha? B-bat naman ako? " - Gulat kong sabi

" (poke) Wag na umangal. Gusto ko nga kasi ikaw diba? Gusto ko ikaw, wala ng iba. Letse ! Gusto mo pa paulit-ulit. Unli? "

" Tse ! " - Ako

huminto ako ng ilang minuto. (sigh) Hindi pa ako sigurado. Pero alam ko naghihintay sya ng sagot ko.

" Cloud" - sabay tingin ko sakanya at tumabi naman ulit sya sakin.

" Sorry ha? Naguguluhan pa talaga kasi ako. Salamat at naiintidihan mo ko. " - Nginitian ko sya

Alam ko, hindi man ngayon pero sa tamang panahon mamahalin ko din sya. Hindi naman malabong mahalin ko ang isang tulad nyo. Pero kasi ngayon may part parin sakin na mahal ko pa si Eli kaya alam ko hindi sapat yung pag kagusto ko kay Cloud para sagutin ko na kagad sya.

" I know :) So we're friends? " - Masayang sabi ni Cloud

" Sure " - Masaya ko ding sabi

" And very soon to be Lovers? " - Nakangisi nyang pagkakasabi

Loko loko talaga to. Pero at least bumabalik na sya sa ugali na kung ano yung una kong nakita sakanya.

" H-ha?! (palo sakanya) Loko ! " - Naiilang kong sabi

" And very soon to be my wife? " - nakangisi pa din sya

" Gago ! " - Natawa na lang ako

puro kalokohan talaga alam netong lalaking to. Pero at least, magkaibigan na kame. Hindi na kame strangers. Hahahaha! Nakakatuwa.

Cloud POV :

 Nung una nung ihahatid ko na si Kristeen madaming pumapasok na tanong sa isipan ko. Kung sino yung lalaking kausap nya nung nasa Super Club kame, bakit sya umiiyak, kung magtatapat na ba ko sakanya. Pero ngayon, laking gaan ng loob ko dahil natanong ko na sakanya ang mga gusto kong itanong at nasabi ang mga gusto kong sabihin. Sa totoo lang hindi ko lang sya gusto, mahal ko na sya. Alam ko mahal ko na sya kahit pa ngayon ko pa lang nararamdaman yung gantong feeling na tinatawag nilang Love. Basta ang alam ko Love na nga tong nararamdaman ko sakanya.

Kahit hindi ang ang mga salitang Oo ang sagot nya sa tanung ko at least hindi yung salitang hindi ang sinagot nya. Ibig sabihin non may pag-asa pa ako sakanya. Naiintindihan ko naman sya e. Alam ko naguguluhan pa sya dahil alam ko na mahal nya pa yung Ex nya kaya hindi ko na sya pinilit. Pero pinapangako ko na iintayin ko sya. Nakakagulat nga sa sarili ko dahil gusto ko sya na talaga at wala ng iba. Dating Cassanova biglang nag-iba. Ok lang, sya naman e.

Sa Club non, nauna na kong pumunta nun sa Super Club. Sinadya ko talagang agahan para makita ko kagad si Kristeen, dun muna ko pumwesto nun sa may bar counter pero nung nakita ko na sya hindi ko sya nilapitan imbes e binantayan ko sya, tinignan sa malayo. Ramdam ko na ramdam nyang may nakatingin sakanya na ako naman talaga yun dahil palingon lingon sya sa paligid. Tumingin pa nga sya nun sa pwesto ko kaya akala ko talaga nakita nya na ako. Buti na lang hindi. Dun ko nakita si Kristeen, ang unang kita ko syang umiiyak kaya hindi ko naiwasang lapitan sya at halikan. God ! i'm so inlove with this woman.

Naglalakad na kame ni Kristeen pabalik sa bahay nila. Inakbayan ko sya.

" Hoooy ! Panget ! Yung necklace na yan alagaan mo ha? Pag yan nawala lagot ka sakin ! " - Sabi ko habang naka akbay ako sakanya. Buti nga at hindi na nya inaalis yung pag kakaakbay ko sakanya hindi katulad nung una naming date. Hoho! Kinikilig ako. I'm so gaaaaaaaaaaay. :))) Friends na talaga kame. Mwaheehee ! 

" Oo! Kelangang sigawan at sabihan akong panget? Tch! Panget pero mahal mo? " - Sarkastikang sabi nya sabay ngisi

Lokong babae to. Dapat di ko na lang sinabing mahal ko na sya e. Aasaran lang ako neto palagi. Pero hindi ako magpapatalo. Mwahahaha!

" Sus! Namumula ka nga sa kilig kanina e. " - sabay ngisi ko

" Lul ! " - Kristeen

" Alam mo. wag mo ko gagamitin nyang mga smirk smirk mong yan. Baka di ko mapigilan sarili ko mahalikan kita bigla. Nakaka magnet e. " - Pang-aasar ko sakanya na agad naman syang namula

" L-letse ! Kahit kelan ka talaga Pervert ! " - Namumula nyang sabi

" Kasalanan ko ba yun? Sabi ko naman sayo diba para kang magnet? "

" Ewan sayo. " - at mabilis syang naglakad pauwi

Si walk-out girl talaga oh. Hahaha ! Nakakatuwa talaga syang asarin. Nasa may harap na syang ng Gate nila.

" Hooooy ! Babae hintay ! " - sigaw ko

Huminto naman sya. At nilapitan ko na sya.

" The way na walk-outan mo ko, Masakit! " - Pagdadrama kong sabi

(Haha. kumoCloudeth ang peg e)

" Tch ! " - Kristeen

" Wala bang Goodnight kiss at thankyou man lang jan? Pag katapos kitang iligtas sa pervert, tapos.. " Bigla syang nagsalita kung kaya't naputol ang sasabihin ko

" Letse ! iisa-isahin mo pa? nanaman? Paulit-ulit na lang tayo? unli? Feeling mo ikaw na talaga si Superman?! " - Naiinis na sabi ni Kristeen

" Oo. Superman mo " - Sabay kindat ko sakanya

Kinikilig nanaman si Babae. Mwaheehee ! Lumapit sya sakin.

" Thanasdkisdk " - Mahina nyang sabi kung kaya't di ko narinig

" Ha? ano? Di ko narinig. "

" Sabi ko Thankyou ! " - Sabay iwas nya ng tingin sakin

" Thankyou lang nakasigaw pa. " Nahihiya pang sabihin e. Muntimang talaga tong babaeng to.

Lumapit pa sya sakin lalo at bigla tumingkayad at mabilis akong kiniss sa noo. Tangina ! as in Tang-ina ! Kiniss nya ako sa noo. Potres ! Kahit sa noo lang yun. Sya pa din kumiss sakin. Natulala ako. Hinawakan ko yung part na hinalikan nya. Nakakabakla ang walangjo. Kinikilig ako ng wagas. Ngayon ko lang naramdaman ang kiligin kahit ba kiss sa noo lang yon. Letse talaga ! Ang puso ko ang bilis pa ng tibok. Daaaaamn ! This is so weird. This feeling is so weird !

Sa sobrang kilig ko hindi ko na namalayan na mabilis na pala syang nakapasok ng bahay nila. Tumakbo siguro yun? mwaheehee. Kakilig potek !

Naglakad nko pabalik ng kotse ko at habang naglalakad ako hinihimas himas ko pa din yung part na hinalikan ni Kristeen. Wala lang, e hindi ako makapaniwala . Ba't ba?! Masama na ba akong kiligin? Pumasok na ko sa kotse ko at mabilis na lumarga na pauwi.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN :

 Hi :) Sorry guys, eto lang inabot ng aking makakaya. Narawriter's Block ako bigla while typing e :( Hm.. Gusto nyo ba ng POV ni Eli Sandoval? Comment kayo dito if want nyo. Haraso? Enjoy reading. Vote vote din :))

- Super Joyce

Ang Aso't-Pusang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon