Prologue

4.2K 38 0
                                    


>> PRESS PLAY >>>



May mga nangyayari sa buhay minsan na hindi maipaliwanag.

Hindi lahat ay nakakaranas ng paranormal at hindi natin sila masisisi kung bakit sila hindi naniniwala. "To see is to believe." Ika nga. Ako din naniniwala sa kasabihan na yan, yun nga lang...hindi pleasant ang mga paranormal experiences ko. Ang mga nakita ko, narinig ko, naranasan ko ay mga bagay na labas sa imahinasyon ko...o "namin." 

Walang rason para hindi na ako maniwala sa paranormal pero nag iwan din ito ng dahilan para hanapin ko ang mga kasagutan tungkol sa paranormal at lalo na para protektahan ang sarili ko sa posibleng panganib. Sana isa na lang ako sa mga hindi nakakakita, nakakarinig or nakakaranas ng mga ganung bagay. Kahit kailan, hindi nag-iwan ng mabuting ala-ala para sa akin ang naranasan ko sa dating apartment namin kung saan ako pinanganak at lumaki. 

Ang pamilya ko pati na rin lahat ng kapitbahay namin sa compound na iyon ay matagal ng umalis. Giniba na ang area na iyon at pinagtayuan ng bangko. Maraming beses na din ako tumira sa iba't ibang lugar na hindi rin ligtas sa paranormal. Dumating sa akin ang kaunawaan na kahit saan ay maaari ka makaranas ng mga ganitong bagay.

Ngayon, napadpad ako ulit tumira dito sa South Triangle....malapit ulit ako sa mga ala-ala na sinubukan kong ibaon sa limot, tuwing napapadaan ako sa dati naming tirahan na ngayon ay isa nang bangko...may pamilyar na takot at mabigat na pakiramdam ang gumagapang sa akin.




Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon