Bantay ni Mama

1.2K 20 4
                                    



Mula sa baba ng apartment, narinig kong tinawag ako ng lola ko mula sa sala. Dali-dali akong bumaba at pinakilala niya ako sa bisita niya. "Siya yung sinasabi ko sa'yo na apo ko, nakakakita din siya at nakakarinig ng mga espirito. Di ba Ayen?"

Tumango lang ako dahil nahihiya ako magsalita. Ngumiti sa akin ang babaeng bisita na medyo may edad na. 

"Hindi ka ba natatakot iha?" tanong niya.

"....Natatakot po."

Nagtawanan sila sa hindi ko maintindihang rason dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Naku, huwag ka matakot sa mga iyan. Kaya mo sila labanan maging matapang ka lang. Puwede palang medium 'tong si Ayen paglaki ano Auring? Kung hindi lang siya matatakutin."

"Kung hindi siya matatakutin. Bata pa kasi at hindi pa sanay."

"O sige, mare at tutuloy na ako. Salamat ulit sa oras."

Hinatid ng lola ko ang kaibigan niya sa gate. Hinintay ko ang lola ko bumalik sa sala, meron akong mga gustong itanong. Sandali lang ay bumalik agad si mama, hindi na ko nag-hesitate na tanungin siya.

"...Ma, ano po ang ibig sabihin ng 'medium?'" 

"Ah. Sila yung mga tao na nakikipag-usap sa mga espirito, nakakakita din sila at nakakarinig gaya natin. Gusto mo maging medium?"

"Ayoko po. Bakit po ako nakakakita minsan at nakakarinig ng boses?"

"Ganun talaga apo, may mga tao na pinanganak na matalas ang extra sensory nila."

"Ano po 'yun?"

"Lahat tayo meron nun. Natural na kakayahan ng tao at hayop na makaramdam o makakita ng mga nilalang na hindi basta nakikita ng normal mga mata. Kadalasan, hindi nga lang lahat ng tao ay may active na extra sensory."

"Hindi ko po gusto na may ganiyan ako. Natatakot po ako."

"Apo, wala kang magagawa dahil andiyan na sayo iyan. Gift mo iyan kaya dapat mong matutuhan tanggapin."

Natigilan ang lola ko at parang may pinapakinggan sa bandang gilid niya.

"Sabi ng bantay ko, huwag ka daw matakot. Wala daw puwedeng humamak sayo dito."

"....Bantay?"

"Oo, may bantay ako. Bago ako mawala, ililipat ko siya sa iyo kung tatanggapin mo siya."

Hindi ako umimik nung sinabi niya iyon. Nakakatakot ang dating sakin ng idea na iyon at hindi ako sigurado kung makakabuti ba sa akin iyon.  

"Gusto mo ba siya makita?"

"Huwag na po. Baka matakot ako."

"Sila tita Edith mo at kaibigian niya nakita na bantay ko nung mga bata pa sila. Pinakita ko sa kanila. Tanong mo sa kaniya, kaso nga lang baka matakot ka din."

"Kung natakot pala si tita Edith, pati ako matatakot din. Ano po ba ichura niya?"

"Babae pero wala siyang mukha. Mabait naman siya."

Umiling ako at lalong hindi ako handang makita ang bantay ng lola ko sa narinig ko. Kahit pa mabait kuno...kaso, "walang mukha." Nai-imagine ko pa lang, ayoko na.


2 Days After


Bagong floorwax ang sahig sa dining area at lahat ng upuan ng dining table ay naka-patong sa lamesa.  Wala ang mga tao sa bahay ng mga oras na iyon, usually kapag weekends nasa labas ang mga boarders namin. Kakagising ko lang at nakaramdam ako ng uhaw, bumaba ako para kumuha ng malamig na tubig sa fridge na nasa dining area.

Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon