First Fear

2.4K 27 6
                                    

>>PRESS PLAY>>


Hindi ako psychic.

Hindi rin ako schizophrenic o mahilig mag imagine ng kung ano anong bagay na ikakatakot ko. 

Pinaniniwalaan ko lang kung ano ang nakikita ko, naririnig at nararamdaman, mga bagay na inobserbahan ko. 

Unfortunately pinanganak ako sa isang apartment na kung saan pinamamahayan ng masamang espirito dahil sa isang pagkakamali ng lola ko noong araw. Dahil sa matinding problema niya, nabuyo siya na humiling ng tulong at magtawag ng akala niyang mabuting espirito.

Hindi na siya nilubayan ng "bantay" niya simula ng sumubok siya gumamit ng medium at ouija board para magtawag ng espirito. Halos lahat ng nakatira at tumira sa apartment na iyon ay nakaranas at naka saksi ng paranormal. Ang apartment namin sa 34-F South Triangle ay naging isang boarding house, ang mga umuupa sa mga extra rooms ng apartment namin dati ay mga GRO at Pakistan na college students. 

Ang earliest memory ko sa paranormal ay nung 4 years old ako.

YES. 4 years old.

Dahil sa sobrang takot, tumatak sa isip ko at emotion ang unang pagkatakot sa buhay ko, nadala ko ang memory na iyon hanggang ngayon dahil sa tuwing maaalala ko ang nakita ko...ramdam ko pa din yung takot na naramdaman ko noong araw na iyon. Ang nag-remind sa akin kung ilang taon ako nung time na yun ay parehong lola ko at isang boarder namin na minsang napag-kuwentuhan namin.


"Naaalala mo yun?! Apat na taon ka lang nun a!" Sabi ng lola ko sa akin habang nagpapaypay ng sarili sa kainitan ng brown out. Tatlo kaming nasa sala na nagku-kuwentuhan ng gabing iyon, may ilang kandila ang naka tirik sa mga lumang platito na hindi na ginagamit na nakapatong sa lamesita sa gitna ng sala.

May ilang oras na kaming nagkukuwentuhan at hindi pa din bumabalik ang kuryente. Napag uusapan namin ang isang pangyayari sa bahay noon 4 years old ako. "Nagwala ka nga bigla nung karga ka ng yaya mo, bigla ka umiyak." ika naman ng boarder namin na matagal nang nakatira sa amin at naging family friend na din habang inaayos ang isang kandila na tumabingi.


Paanong hindi nga naman makakalimutan, grabe ang takot ko at nag iwan ng peklat sa ala ala ko.

Malinaw sa alaala ko ang pangyayari noong araw na iyon.

Naaalala kong karga ako ng yaya ko, nasa sala ang ilang boarders namin pati lola ko. May babaeng may edad ang palakad-lakad sa sala at kusina, ang kanang kamay niya ay parang may inaabot sa harap niya, pinapakiramdaman niya kung saan ang hinahanap niya na hindi niya nakikita. Lahat sila sa bahay ay pinanonood siya sa ginagawa niya. 

Maya-maya, may lumabas sa kusina na babaeng naka puti pero nakasaklob ang buhok niya sa mukha. Sumunod ang ale, parang hindi niya nakikita ang babaeng naka puti na nasa harap niya. Naririnig ko lang na sabi ng babaeng may edad "Andito...dito...nararamdaman ko siya."

Akala ko lahat sila nakikita ang nakikita ko at normal lang ang nangyayari, hindi ko pa naiintindihan kung ang lahat kaya wala lang sa akin nung una. Pero napansin ko na kakaiba ang babaeng naka puti, may hindi tama sa kaniya. Hindi ko siya gusto at nung dumaan siya sa harap ko...

kinabahan ako lalo.. 

Hindi siya buo, lumulutang siya at hindi ko makita ang paa niya. Nakita ko ang isang mata niya sa siwang ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya na malalim at nanlilisik na nakatingin sa akin.

 Nakita ko ang isang mata niya sa siwang ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya na malalim at nanlilisik na nakatingin sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakaramdam ako ng matinding takot.

Bigla ako yumakap sa yaya ko at umiyak. Nagpipiglas ako dahil gusto ko kumawala sa yaya ko at umalis. Hindi ko alam kung paano ko ma i-express sa salita lahat ng nararamdaman ko dahil kulang ang alam ko sa pakikipag communicate kaya hanggang iyak na lang ako.

Dahil sa maingay ako at nakaka istorbo sa kanilang mga adulto, nilayo ako ng yaya ko. Lumabas kami ng apartment. Simula noong araw na iyon, sunod sunod na ang paranormal experiences ko. Madalas kasi mag orasyon ang lola ko sa apartment at may mga espiritista siya na mga kaibigan na bumibisita para mag-conduct ng occult activities nila. Nakasanayan ko nang nakikita na madalas silang magtipon para sa mga orasyon. Pati ang mga kasambahay namin ay sanay na pero mangmang kami lahat sa consequences ng mga gawain ng lola ko at ng mga kasama niya. 


Noong 5 years old ako, isang araw nagising ako sa afternoon nap ko, kailangan ko bumaba para uminom...sa corridor namin sa 2nd floor may mga alambre na nakasabit sa pako sa magkabilang dulo ng pader para gawing sampayan tuwing umuulan. May mga hanger, sipit at damit na nakasampay sa alambre. Bago bumaba...kinuha ko ang candy na nasa bulsa ko at nagsimulang balatan ito habang nakatayo ako sa itaas ng hagdan.

Biglang nagsi-ugaan lahat ng alambre pati ang mga nakasampay doon ng sabay sabay, para bang may galit na tao ang nag-uuga nito. Nagulat ako at nanigas sa takot. Wala akong makita na gumagalaw ng sampayan at ng mga nakasabit doon. Pero may nararamdaman ako na parang may nakatayo sa tabi ko na hindi ko nakikita. 

Since nasa taas ako ng hagdan, kung nag panic ako at tumakbo...puwede ako malaglag. 

Nagkunwari na lang ako na hindi ako takot, binulsa ko ang candy at bumaba na parang wala lang, pero pag-dating sa kalahati ng hagdan, kumaripas ako ng takbo at nagsisigaw sa lola ko na nagma- majhong sa kapit bahay. 

Ako lang pala ang mag isa sa bahay. Iniwan ako ng lola ko dahil tulong naman ako.

Pag-naaalala ko yan, may halong takot ang inis na hindi ko maintdihan ang nararamdaman ko, minsan natatawa sa sarili ko dahil alam kong mukha akong tanga nung oras na iyon pero palagay ko katawa-tawa din ako sa kung ano man ang nanakot sa akin, pero actually...ramdam ko kahit paano ang intention noon ay para maaksidente ako at mas malala...mamatay sa pagkalaglag sa hagdan. Kung sabagay, laruan lang tayong mga tao para sa kanila. Gustong gusto nila na pinaglalaruan tayong mga taong walang gaanong alam tungkol sa kanila.


Malamang habang natutulog ako sa kuwarto ko mag isa noong araw na iyon....kasama ko lang pala siya sa kuwarto, pinanonood ako habang tulog, hindi naman pala ako totally nag-iisa sa bahay nung oras na 'iyon.


*To be continued*...

Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon