Low Level Demonic Possession

1.1K 21 8
                                    


"Saan ka pupunta?! Maldita kang bata ka! Humarap ka kapag kinakausap ka!!" Galit na sabi ng nanay ko habang sinusundan niya ako paakyat sa hagdan. Binilisan ko ang pag-akyat at pabagsak kong sinara ang pinto bago siya makapasok. 14 years old ako nang sumiklab ang unang matinding away naming mag-ina. Naging rebelde ako dahil hindi ko na masikmura ang ka live-in niya na adik at basagulero na nakilala niya sa isang gay bar, hinikayat din niya ang nanay ko na malulong sa masamang bisyo.

Nag iba ang takbo ng isip ng nanay ko. Hindi ko na siya makilala, naging ibang tao siya sa akin. Madalas sila magbugbugan ng ka live-in niya at kahit walang ginagawa ang step-father ko para makatulong sa gastos sa bahay, naghahari-harian siya sa pamamahay namin. Naging magulo at miserable ang buhay ko sa tinitirahan namin simula nang dumating ang ka-live in niya. Napalayo na din ang loob ko sa nanay ko dahil sa mga gulong nangyayari.

"Sukang-suka na 'ko sa bahay na 'to! Sukang-suka na ko sa inyong lahat!!" Pasigaw akong sumagot mula sa loob ng kuwarto at naghagis ng kung anong gamit ang madampot ko sa pinto.

"Magbalot ka na punyeta ka! Dun ka sa tatay mo!"

"Talagang aalis ako sa impyernong bahay 'na 'to!"

Hinatid ako ng uncle ko sa bahay ng tatay ko. Never kami naging close noon kaya awkward din sa akin na bigla na lang ako nagpakita sa kaniya at pinakiusapan siya ng uncle ko na doon muna ako sa kaniya.

"Ikaw na muna bahala sa pamangkin ko, pasesnya na sa abala. Hindi na talaga magkasundo ang mag-ina." Ika ng uncle ko sa tatay ko.

"Wala yun, gusto ko din naman bumawi kay Ayen. Mabuti na din na dumito muna siya."

"Sige at mauna na ako, Ayen...pakabait ka dito ha, huwag mo bigyan ng sakit ng ulo tatay mo."

Hinatid ng tatay ko si uncle sa labas, bumalik agad siya sa sala para kausapin ako ulit.

"Anak, doon ka na muna sa kuwarto ko matulog ngayong gabi. Dito na muna ako sa sala, bukas ko papalinis ang isang kuwarto para doon ka na. Kung gusto mo magpahinga pumasok ka na doon, lagay na natin 'tong mga gamit mo sa loob."

"Ok po dad. Thank you."

Pagkapasok namin ng mga gamit ko sa kuwarto, lumabas si daddy sa pinto. "Basta kung may kailangan ka tawagin mo lang ako nasa sala lang ako. May pagkain sa ref kung nagugutom ka, kuha ka lang anak huwag ka mahihiya dito."

"Sige po. Salamat."

Ilang pa din ang pakiramdam ko sa bahay na iyon dahil hindi ako close sa dad ko. Pero mas mabuti nang ganoon kesa nakatira sa bahay na puro away at mga negatibong tao at kasama ang adik na ka live-in ng nanay ko. Humiga ako sa kama at nag isip-isip...hindi rin masaya ang first boyfriend ko na napalayo ako sa kaniya. Kaso wala naman kaming magagawa kung-di magtiis muna.

May ilang araw akong namahay, pero nakasundo ko naman agad ang mga tao sa bahay at nag adjust na 'ko sa lugar. Nagkaroon na 'ko ng mga kaibigan sa kapit bahay since pinakilala ako ng daddy ko, madalas kami tumambay sa labas ng gate para mag gitara at magkuwentuhan magdamag. Binibisita ako ang boyfriend ko 2 beses sa isang linggo.

4:00 P.M June 1995

Tahimik ang bahay. Walang tao.

Nanonood ako ng T.V. sa sala. Medyo inantok ako kaya pinatay ko ang T.V. at pumasok ako sa kuwarto para umidlip. Paghiga ko...parang hindi komportable ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko hindi ako nag iisa sa kuwarto. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba doon sa bahay na iyon simula nang dumating ako. Nothing unusual. Sinabi ko na lang sa sarili ko na baka paranoia lang.

Habang papikit na ang mga mata ko....napansin ko na lumamig sandali ang hangin sa electric fan kahit malayo ito sa bintana. Nawala bigla yung lamig. Bumalik sa normal na temperatura. Dahil sa patulog na ko, hindi ko na lang pinansin.

Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon