Chapter 24-Muling Pagkikita

5.5K 156 19
                                    

AFTER 2 YEARS

Rosabela's POV

Dalawang taon simula ng iniwan ako ni Ara. Dalawang taon na naghihintay kung babalik pa ba siya. Dalawang taon na hindi ko siya kasama. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Walang oras na di ako nawawalan ng pag-asa na babalikan niya ako. Sa dalawang taon siya pa rin ang mahal ko at ang nasa puso ko. Pero sa dalawang taon ay nandito pa rin ang sakit, sakit ng pang-iiwan ng taong akala ko ay kaya akong ipaglaban. Na halos gabi-gabi alak ang nagpapalimot sa sakit na ginawa niya.

Naging mabuti ang lagay ni Mama, simula ng naoperahan siya. Malaking tulong din ang pag momodel ko sa companya nila Ara. Nasanay na rin ata akong nakaharap sa camera.

Maraming nag bago sa dalawang taon, Marami akong naka fling para makalimot pero ni isa sa kanila walang makakapantay kay Ara.

"Si Ara na naman ba yan?" Tanong ni Mama, napangiti ako sa kanya.

"Sige na at baka ma late kapa" dugtong niya. May photoshoot kasi ako ngayon kaya kailangan kung pumasok kahit medyo may hang over pa ako. Naging habit ko na ata ang pg-inom simula nung- never mind alam niyo na yun ayoko ng banggitin pa, paulit ulit na eh..

Si Alice at July ayun dalawang taon na din haha! Buti pa sila kahit nagkakaproblema walang bumibitaw. Haha! Okay tama na ang Drama at baka ma late na nga ako pagalitan pa ako ni Rafael.

Rafael knows everything about me and Ara. Naging mabait na handler si Rafa at pinakikinggan niya ako lalo na sa mga panahong nalulungkot ako. Naging mabait ang lahat ng nakatrabaho ko at wala akong narinig galing kay Mr. Sanchez ni hindi niya ako pinapakialaman.

"Hello Darling" bati ni Rafa pagdating ko ng studio. May mga bago ng design ang Abela na damit but still yung mga design ko pa rin ang best seller nila. Nag offer din sila na ako nalang mag design sa ibang damit pero tumanggi ako. Ayokong mas lalo ko pang maalala si Ara.

"Start naba? Nahihilo pa ako" sabi ko kay Rafa,
"Uminom ka na naman ba kagabi??" Napangiti nalang ako at tumango.
"Ikaw talaga" kinurot niya ako sa hita. Minsan kasi parang kapatid din ito kung maka sermon,

"Magpahinga ka muna jan," iniwan niya ako sa make-up room, nakaupo lang ako at pinikit saglit ang aking mga mata.

Napamulat ako ng marinig ko ang cellphone kung nag riring.

"Hello" bati ko sa kabilang linya.

"Dinner later?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Hmmmmm..i'll think of it" pagbibiro ko.
"How bout lunch nalang kaya puntahan kita jan" ang kulit din naman ng babaeng to hehe.
"Ok sure, hintayin kita dito ha, wag kang malilate" narinig ko siyang tumawa.
"Okay bye"

Tumayo ako para mag CR pero parang umikot bigla yung paningin ko, dala sa hangover dahil sa kaiinom ko kagabi,

"Ouch" reklamo ko ng may nabangga ako, malapit na akong matumba sa lakas ng impact at ang sakit ng balikat ko tumama sa balikat niya.

"I'm sorry" parang familiar ang boses niya, unti unti kong tiningnan kung sino ang babaeng ito.

Yun bang nag slowmotion ang lahat at para bang nakakita ako ng multo, hindi ko alam itong nararamdaman ko, pinagpapawisan ako na para bang ang init at di ako makakilos.

"Ara?" Kahit siya ay nakatingin lang sa akin, walang salita ang lumabas sa bibig niya.

Totoo ba to o isa na naman ito sa mga imahinasyon ko, lalo na kung lasing ako lagi ko siyang nakikita sa ibang tao, akala ko siya pero hindi pala. Hinihintay ko ang pag sagot niya pero wala akong narinig. Tumakbo ako patungong CR, guni guni ko na naman ata yun.

She's MARRIED (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon