Chapter 14- First Date

7.4K 170 24
                                    

Rosabela's POV

"bingi ka ba? o di mo lang talaga naintindihan na mahal din kita?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabing yun ni Ara, hindi ko alam paano ako mag rereact basta ang alam ko lang ay sobrang saya ko, hindi ko maipalawanag ang  nararamdaman ko..

"Ara, totoo ba to?" Pagtatanong ko sa kanya habang pumapatak ang aking mga luha. Umupo siya at humarap sa akin. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya, at ngumiti ng napakatamis.

"Yes Bela, i like you and i'm inlove with you, sa kasal ko palang nung nakita kita sa CR" yumakap ako sa kanya..

"Paano si Sir Eric?" Ngumiti siya sa tanong kong yun.
"He knows everything about us, alam na niyang gusto kita, and he's gay..but sad to say he fell inlove with me..pero naiintindihan naman niya ako..na i'm really into girls and luckily ikaw ang naka kuha ng puso ko,at ma swerte ako kay Eric,mabuti siyang kaibigan" paliwanag niya.

"But,iisa kayo ng kwarto wala ba siyang ginagawa sayo?" Parang napataas ata ang boses ko dun,
"Haha Bela calm down don't be jealous, may respeto si Eric sakin tsaka di sya ganun" napabuntong hininga nalang ako,

"Hey," tawag ni Ara..

Hindi ko maisip na dadating kami sa puntong ito,dahil sa totoo lang akala ko'y hanggang sa pangarap nalang ito... seriously? Baka nanaginip lang ako dahil nakainom ako kanina..

"Bela? Are you okay?" Hinawakan ko ang mukha niya, at kinurot kurot..

"Ouch" pagrereklamo niya..
"Sorry Ara akala ko ay nanaginip lang ako," kinurot niya ako sa braso

"Aray ko naman Ara," pagrereklamo ko ,sobrang sakit kaya.. nagpeace sign siya sa akin, ang cute niyang tingnan para siyang batang naglalambing sa mama o sa ate niya,

Napatitig lang ako sa kanya habang napapangiti, ikaw ba naman! Malaman mo na ang taong mahal mo ay mahal ka rin pala, heaven kaya yun..

"Let's go, uwi na tayo," sabi niya at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya at agad na napaupo, niyakap ko siya ng napaka higpit Sobrang higpit..

"I love you, you're mine" bulong ko sa kanya,
"I love you too Rosabela, i'm all yours" sagot naman niya,

"Tara na anong oras na,"pagrereklamo niya, konti lang talaga ang pasensya ng babaeng ito..pero kahit ganun mahal ko pa rin to.

Hinatid niya ako sa bahay, at sinauli ko ang jacket na pinahiram niya, nakita ko siyang nakatitig sa dibdib ko..

"Dito ka na kaya matulog Loves" sabi ko sa kanya, kita ko ang paglunok niya animo'y nagpipigil haha..

"Di porket umamin na ako sayo ay agad agad akong matutulog sa inyo" parang kinakabahan niyang sabi.
"Wala namang masama dun, matutulog lang naman tayo ah," pagpapaliwanag ko,nang nakangiti..

"Stop it Bela, go! Have a goodnight!" Seryoso na niyang sabi,
"Okay okay bye, see you tomorrow" humalik ako sa pisngi niya,
"I mean later," alas 3 na pala ng madaling araw.

"Walang trabaho mamaya kaya di tayo magkikita nakalimutan mo ba?" Hindi ko na talaga siya maintindihan, kanina ay nakangiti pa siya tapos ngayon sobrang seryoso na..

"Pero i di-date kita, you're mine now remember?" Nakita ko ang pagbuo ng ngiti sa kanyang mga labi,

"Fine! Bye" sabi niya
"I love you Ara" ang sarap sabihin ng mga salitang ito lalo na't alam mo ding mahal ka ng taong mahal mo.
"I love you Bela," sagot niya at agad na pinaandar ang kotse,



--

Kailangan kong mag ayos at magpa ganda dahil first date namin ni Ara ngayon. Napili ko ang simpleng black sleeveless na damit at skinny Jeans at wedge sandals..nakalugay lang din ang kulot kong buhok,

She's MARRIED (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon