Chapter 30- Confrontation

4.9K 152 23
                                    

Arabela's POV

Muli kong binisita si Dad sa hospital, at kumbinsehin din siyang wag nang ituloy ang kasal. Ayoko na, gusto ko ng maging malaya sa kanila. Kahit itakwil nila ako okay lang, nakakapagod nadin kasi ang maging sunudsunuran.

Bago ako nakapasok ay narinig ko sina Mom and Dad na nag-uusap.
"Hayaan mo na kasi ang anak mong maging masaya" boses ni Mom ang narinig ko.

"Saan? Sa kaparehas niyang babae? Nagpapatawa kaba?" Sagot ni Dad.

"Hon naman, wala na tayong magagawa dun kung doon siya sasaya, mas importante naman ang kaligayahan ng anak mo diba?" Pagmamakaawa ni Mommy. Kahit siguro siya ay napagod ng pigilan ako sa kung ano ang gusto ko.

"Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya" dugtong pa ni Mommy.

"Edi alam niyang kasalanan yun, kahit anong mangyayari matutuloy padin ang kasal" pagmamatigas ni Daddy.

Bago pumasok ay napabuntong hininga muna ako. Kailan kaya magiging okay ang lahat.

"Magandang umaga" bati ko sa kanila, medyo nagulat pa sila sa pagdating ko.

"Kumusta na pakiramdam niyo Dad?" Pagtatanong ko, ayoko kasing mauwi sa away na naman ang pag-uusap namin

"Fine" matipid niyang sagot.
Inilagay ko sa mesa ang dala kong prutas.

"Mom kumain kana ba?" Tumango siya
"Yes, ikaw Ara? How are you?" Pagtatanong ni Mommy
"I'm fine my" sagot ko.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.
"Ahmmm Dad" pagsisimula ko, habang nakaupo at nanonood ng Tv ay tinawag ko siya.

"Can you please Cancel the Marriage thing" mahinahon kong sabi, tiningnan niya lang ako.

"Pleassee" maluha luha ko pang pakiusap sa kanya.
"That's final already, everything is set." Sagot niya habang nasa TV parin ang mata niya.

"Hindi ako pupunta Dad, and this time ako naman ang masusunod" napatingin siya sa'kin.

"Kailan kapa naging suwail Arabela? Dahil lang sa isang babae? Pati sarili mong magulang di mo na sinusunod" tahimik lang si Mommy nakikinig sa'min.

"No Dad hindi ito tungkol kay Bela, tama na dad pagod na pagod na akong maging tuta niyo, kailan ko ba magagawa ang gusto ko?" Pagmamatigas ko.

"Pagmamatay ako" hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Ayoko naman mangyari yun kahit papaano Ama ko padin siya.

"Itakwil niyo nalang ako bilang anak, wala na akong pakialam, hindi ako magpapakasal!" Tumalikod ako at lumabas ng pintuan pero narinig kong sumigaw si mommy.

Bumalik ako sa loob at nakita kong inaatake na naman si Dad, kaya dali dali akong tumawag ng doctor. Napaiyak nalang ako dahil ako na naman ang dahilan ng pag-atake ng puso niya.

Ilang minuto ay lumabas na ang doctor, hindi pa daw pwedeng ma stress si Dad.. dapat iwasan niya ang magalit o mainis. I know it's all my fault.


Nalalapit na ang pasko at bagong taon sana magbago na rin ang isip ni Dad, after a week ay naiuwi na rin si Dad sa bahay, at doon na magpapahinga.

"Ate okay kalang?" Tanong ni Mark habang nas sala kami at nakaupo.
"Okay nalang" sagot ko.
"Bakit kasi di nalang ikaw ang ipakasal haha" tumawa naman siya.
"Gwapo kasi ako" ang hangin talaga ng kapatid ko.
"Saan banda?" Tanong ko naman.
"Lahat haha" buti naman at nandito si Mark ngayon at may kasama ako.

"Ate, after christmas daw yung kasal niyo" sabi ni Mark
"Ba't mo alam?" Tanong ko, tsaka malapit na ang pasko 2 weeks nalang,

"Narinig ko kasi sila na nagpaplano para sa kasal niyo nung vincent" tumango ako,

She's MARRIED (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon