Chapter 25- it's complicated

5.6K 162 44
                                    

Arabela's POV

Paglabas ng Airport ay naamoy ko na ang Pilipinas. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang pagkakataong makabalik ako dahil sa iisang tao. Sa Dalawang taon hindi naging madali ang lahat, pero sa awa ng Diyos napadali ang Divorce namin ni Eric kaya dalawang taon lang inabot nito. Hindi ito alam ni Dad o kahit na sino sa Pamilya namin at sa Pamilya ni Eric.

Kasama namin si Baby Paul sa pag-uwi dito sa Pilipinas. Si Baby Paul ay anak ni Eric pero hindi ako ang Ina kundi si Mira. Oo nagkatuluyan si Eric at Mira, dun din sila Ikinasal at nagkaanak nga sila at yun ay si Baby Paul.

Sobrang excited na ako,excited na akong bisitahin si Bela. I know she's having a photoshoot now sa brand ng Damit ko.

"Umuwi muna tayo ng bahay Ara" sabi ni Eric pero di na talaga ako nagpapigil at dumeretso ako sa Company ni Dad.

"Sumunod nalang kayo mauna na ako dun" i am very excited to see the love of my life.

Pagdating ko ay sinalubong ako ni Rafael,
"Ma'am" parang nakakita siya ng multo sa gulat.
"Where is she?" Tanong ko, nagets naman ata niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi pa po dumarating, baka papunta palang po" tumango ako at pumasok sa make-up room para makapgpahinga malaki naman ito at may divider.

May narinig akong parang may pumasok at umupo pero hindi ko ito pinansin dahil nakapwesto ako sa pinaka dulo ng room. Napamulat na naman ako ng marinig kong tumunog ang cellphone niya.


"Hello" narinig kong sabi niya sa kausap

"Hmmmmm..i'll think of it" may patawa tawa pa niyang sabi

"Ok sure, hintayin kita dito ha, wag kang malilate" sino kaya ang kausap niya.

"Okay bye"

Lalapitan ko na sana siya, pero sakto naman ng pagtayo niya na parang nahihilo at naka duko pa siya, ni hindi niya ako nakita.

"Ouch" pagrereklamo niya na parang iritado pa ang boses

"I'm sorry" sagot ko naman.

Napatingin siya sa'kin. Parang nanigas ang buo niyang katawan at nakatitig lang siya. Hindi ko din mapigilan ang sarili kong hindi mapatitig sa kanya. Kaytagal ko itong hinintay, gusto ko siyang yakapin at sabihing nandito na ako, sayong sayo na ako ng buong buo.

"Ara?" Sambit niya. Pero hindi ko alam ano ang sasabihin ko, aakapin ko ba siya o kukumustahin.. hanggang sa tumakbo siya palabas ng room. Hinabol ko siya pero pumasok siya sa CR, i've decided na pabayaan mo na siya, then i went to my new office to check if nandun na ba si Eric at Baby Paul.

Naiinip na ako sa kahihintay kina Eric kaya napagdesisyonan kong bumalik sa studio. And there i see Bela infront of the Camera. Ang ganda niya, mas lalong gumanda siya. I can't help but to stare at her and i know nakita niya ako, kaya nawala siya sa focus at napagalitan ng photographer.

"Rafa, nakita mo ba si Ara?" Narinig kong pagtatanong niya kay Rafael

Hindi nakasagot si Rafael sa tanong ni Bela dahil nakita niya akong nasa likod nito. Nakatingin si Rafael sa akin dahilan ng paglingon ni Bela at nagtama ang aming mga mata. How i miss her, parang may sumasabog na fireworks sa kaloob looban ko. All i want is to hug her and kiss her and tell her that i'm back, i'm back because of her.

"Ara?" Ang sarap pakinggan sa twing sasabihin niya ang pangalan ko. Sa totoo lang kinakabahan ako, kinakabahan ako kung papakinggan ba niya ako o tatanggapin niya ba ulit ako pagkatapos ko siyang iwan.

"Ara" bigkas niya ulit
"Bela" tawag ko din sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong i kwento pero wala kahit isang lumalabas sa bibig ko. Ang saya saya kong nakita ko siyang muli. Ang babaeng mahal na mahal ko.

She's MARRIED (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon