Chapter 4
Maxine's POV
Hindi ako masyado naka tulog kagabi kakaisip kung tama ba itong pinasok ko. Bakit ba kasi muntik ko na siyang mabangga ganito tulou ang nangyari, wla na sira na ang last year ko sa school na pinapasukan ko dahil sa lalaking yun plano ko pa sanang ienjoy ang bawat moment ko sa school.Matapos ko nag-isipisip ay naligo na ako at kumain ng agahan baka malate ako at mabigla pa ng detention, ayaw ko yun. Nung natapos ko nang gawin ang aking morning routine ay lumabas na ako sa bahay at nag-abang na ng taxi na masasakyan papuntang school, hay nako makikita na naman ulit ang lalaking Lucas na yun bakit kasi pumayag ako sa gusto niya pwede naman naming pag-usapan ng maayos yun bakit umabot pa na kailangan ko magpanggap na girlfriend niya ako.
Malalipas ng 5 limang minuto na paghihintay ko ng taxi ay sa wakas nakasakay na ako at nakarating na sa school ng maaga mukang early bird ako ngayon ah. Nangpapasok na sana ako sa school gate ay naalala ko na kailangan ko pa pala hintayin ang asungot na yun baka kasi paghindi ako sumunod ay may gagawin yung masama. Tiningnan ko ang relo at 6:40 pa pala, ah matagal pa magsisimula ang klase.
Hinintay ko si Lucas dun at naiinip na ako sa sobrang tagal niya tinignan ko ulit ang relo ko 7:10 na asan na ba yun, marami naring mga tao dito sa school at malapit na din magsisimula ang klase ko. Nakita ko na siya naglalakad papalapit sakin, wow ang gwapo niya parang si woohyun ng Infinite. Wait ko ba sinasabi to diba galit ako sa kanya.
"GoodMorning Babe, naghintay kaba ng matagal sakin" malakas niyang sabi na narinig tuloy ng mga tao sa palagid namin at nakita ko rin ang mata ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Parang nakakapatay ang tingin nila nung narinig nila na sinabihan ako ng babe ni Lucas.
"Ano kaba wag kang maiingay baka marinig nila nakakahiya." Sabi ko sa kanya " at wag mo akong tatawagin na babe hindi kita boyfriend" dugtong ko pa sa kanya at tumawa siya ng nakakaloko.
"Wait chill lang baka nakalimutan mo yung deal natin baka kasi gusto mo sa prisinto ka pumasok ngayong umaga hindi sa school at girlfriend kita kaya pwede kitang tawagin na babe" ani ni Lucas pa sakin at nakangiti pa.
" Ok sorry na tara na nga sa loob baka malate pa tayo sa first subject natin ayaw ko makakuha ng detention ni Sir Chiu laging ontime yun kaya tara na" sabi ko sa kanya
"Ok sige na punta na tayo sa klase ayaw ko din magkaroon ng detention lalo na't kasama pa kita" sambit niya at bigla niya hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Lucas ano ba ang ginagawa mo tinitingnan tuloy tayo ng mga tao" reklamo ko kay Lucas.
"Good para malaman nila na girlfriend kita kung ayaw mo punta tayo sa police station para mademanda na kita at baka nakakalimutan mo yung deal natin." Pananakot niya sakin.
Wla na akong nagawa kahit hindi ko gusto yung ginagawa niya at tinitignan kami ng mga tao. Nung pumasok na kami sa classroom yung iniisip ko na kanina ang nangyayari ngayon, pinagtitinginan kami ngayon ng mga kaklase namin baka kasi nagulat dahil hindi naman kami close ni Lucas ni hindi nga kami nag-uusap tapos ito ngayon ang nakikita nila, kami sabay pumasok nakaholding hands pa sino pa ang hindi magugulat. Nang makaupo na ako sa sarili kong upuan ay lumapit si Lucas at katabi at pinaalis yung katabi ko at doon siya umupo.
"Ano ba yang ginagawa mo bumalik ka nga sa upuan mo" sabi ko sa kanya.
"Di ba obvious dito ako uupo simula ngayon sa tabi mo para hindi ka naman malungkot" ani niya
"Sira!! Mas lalo tuloy akong hundi makakaconcentrate na nandyan ka sa tabi ko.." sagot ko. "Bahala ka nga diyan" dagdag ko pa sabay tingin sa harap kakarating lang kasi ni Sir Chiu prof namin sa Math.
Break Time..
Sa wakas break narin makakalayo na din ako sa Lucas na yun wla lang kasi ginawa sa buong klase kundi guluhin ako, kung hindi mang-aasar ay hihingi ng kung ano-ano kasi wla daw siyang dalang ballpen kaya humiram sakin, bakit siya pumasok wla naman siyang dala na gamit sana hindi nalang siya pumasok mas gaganda pa sana araw ko ngayon kasi nakita ko lang kasi yung crush ko dito sa school, si Jordan Perez. Siya ang captain ng basketball team namin sa school at campus heartthrob dito sa school. Halos lahat ng laro niya nakita ko na. Sana mapansin naman niya ako at maging close kami pero paano naman niya ako mapapansin sa daming babae na may gusto sa kanya mapapansin niya kaya ako.Nawala ang pagiimagine ko ng biglang akbayan ako ni Lucas at nagsimula na siyang maglakad papunta sa canteen.
"Ano kaba Lucas maraming makakakita satin." Sabi ko sa kanya.
Naglakad siya ng diretso papuntang canteen na parang wla siyang narinig at umupo siya sa kanyang sariling table. Kasama namin ngayon ang dalawa niyang kaibigan na sina Ryan Hernandez at Christian Reyes na mga heartthrob din sa campus na'to. Marami din mga babae ang nagkakagusto sa kanila dahil varsity player sila dito sa school namin kagaya ni Lucas.
-------------------------------------------
Author's Note:
I'm sorry guys napakatagal ko magupdate super duper busy kasi talaga sa school pero i will try my best to update really really soon..😘😘
BINABASA MO ANG
He Is The One For Me
RomanceMeet Allysa Maxine Cruz isang mahiyain na highschool student na ang kanyang normal na buhay ay biglang nangbago dahil sa isang lalaki. Insert Lucas Kyle Montalbo here. Isang famous at gwapo na lalaki sa Dream High University, for short Campus Heartt...