K A I B I G A N
Tayo'y naging magkaibigan ngunit hindi umabot sa magka-ibigan. Sobrang sakit dahil alam kong hanggang doon na lamang. Oo, alam kong hanggang doon na lang tayo. Na ang kaya mo lang ibigay ay ang salitang ikaw at ako at kailanma'y hindi ka mapupunta sa piling ko.
Masakit maging kaibigan lamang ng taong mahal ko, hindi ako pwedeng magalit sa kaniya pag nakikita kong may kasama siyang iba. Wala naman akong karapatan magalit sa kanila. Ang hirap gumalaw kung alam ko namang wala ako sa lugar. Bakit? Ano niya ba ako? Kaibigan lang naman diba? Isang dakilang kaibigan!
Hindi niya sinabing mahalin ko siya, pero nagising na lang ako isang araw na may pagtingin sa kanya. Hindi niya obligasyong mahalin ako tulad ng ipinaparamdam ko sa kaniya, dahil ayos na sa akin na hayaan niya akong mahalin siya. Alam ko sa sarili kong mahal niya rin ako, minamahal niya ako pero bilang " kaibigan lang ", at hindi niya kaya pang higitan iyon dahil may ibang nagpapatibok ng puso niya.
YOU ARE READING
Falling Inlove With My Bestfriend (On-Going)
Teen FictionYung feeling na hindi sinasadyang mafall ka sa bestfriend mo? Oo. Bestfriend niya ako. Bestfriend nya lang ako. And i'm so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend.