Kabanata 3

213 6 0
                                    

Haidyn's POV

Seryoso akong nakikinig sa discussion ni Ma'am Acuzar nang di inaasahang napalingon ako sa direksyon kung nasaan si Jace at nahuli kong titig na titig siya sa akin.  Kaya naman ay binigyan ko na lang siya ng isang malawak na ngiti.

Di ko na lang siya pinansin dahil yung kanyang tingin parang gusto niya akong angkinin. Hmp.

Haystt. Back to the discussion na lang.

This time, kahit anong pilit kong makinig sa sinasabi ni ma'am ay wala na talaga akong nakacatch-up.

Masyado na kasi akong nabaliw sa mga titig ni Jace kanina sakin? Damn it!

Lord. Help meee!

Nasa kalagitnaan pa ako ng pagpapantasya sa kaniya nang bigla na lamang..

" Okay. Class dismiss! " sabi ni ma'am sa klase.

Hayst, buti na lang. Namental block ako eh.

" Goodbye and thankyou ma'am! " pagpapaalam namin sa knya.

At syempre? Recess na! Favorite subject ever!

Hinanap ko na yung dalawa pero wala na sila, ang hilig hilig talagang mang-iwan. Ano ba 'yan.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay may nakita akong mga estudyanteng nag-uusap.

Hindi ko alam pero parang may tumutulak sa akin para pakinggan sila.

" Hayst! Beshie. Meant to be na talaga kami! " sabi nung isa.

" Haha. Sana nga Beshie! " sabi nman ni ate girl.

"Tandaan mo Beshie, bestfriend kayo dati! " sabi nman nung isa pang kasamahan nila.

" Oo na! Oo na! Pero wala na tayong magagawa, kasi kami na. " sabi naman nung babaeng kanina pang nagkwekwento sa mga kaibigan niya.

" Mahal ka ba talaga o minahal ka lang niya kasi ayaw niyang mawalan ng bestfriend na katulad mo? " tanong naman nung isa.

" Hayst. Wag nga kayong ganyan, at least minahal niya ako. At saka inggit lang kayo kasi wala kayong lovelife! HAHA! " pagbibiro niya.

Pero posible nga kaya yun, na mafall ka sa bestfriend mo at... mafall din siya sayo?

Bago pa man ako mag-isip ng kung anu-ano ay nagtungo na lang ako sa cafeteria at pumila na na ng makakain.

Pagkatapos ko bumili ay hinanap ko agad si Jace at si Ash. Asan na ba kasi kayong dalawa? Ilang minuto pa ang lumipas at nahagip din ng dalawa kong mata kung nasaan sila at di na nagdalawang isip pa na pumunta kung nasan sila at umupo na.

" Grabehan! Akala ko ba walang iwanan? " bungad ko sa kanilang dalawa.

" Ikaw kasi yun eh ang lalim na naman ng iniisip mo kanina! " sabi naman ni Jace habang kinakain yung pagkaing binili niya.

H-uhhh?! Ako. Malalim ang iniisip kanina? Teka nga? Ahhh. Okay! Dahil pala dun.

" Guys, posible kayang mafall yung bestfriend mo sayo at mafall ka rin dito? " di ko alam kung bakit bigla na lang lumabas ang mga katagang ito sa bibig ko.

Tinignan ko silang dalwa pero wala akong natanggap na anumang sagot mula sa kanila, siguro hindi rin nila alam?

" Nevermind na nga lang! " ani ko sa kanila.

Ash's POV

Hindi ko alam kung paano sasagutin yung tanong na yun ni Haidyn sa amin.

" Nevermind na nga lang! " wika niya nung wala siyang nakuhang sagot mula sa aming dalwa.

Falling Inlove With My Bestfriend (On-Going)Where stories live. Discover now