Jace's POV
" Bye mommy, manang. Una na po ako, " pagpapaalam ko sa kanila.
Paalis na 'ko sa bahay at papunta na sa school namin. Obvious naman ata na mag-aaral ako diba?
May kotse kami dito. At syempre may driver din malamang pero hindi ko muna pinagdrive si manong kasi mukhang pagod na pagod kagabi sa pinuntahan nila ng nililigawan niya kaya naisipan kong maglakad na lang.
Tsk? Ako kaya? Kelan kaya papayag si Haidyn na ligawan ko siya?
Hahayst. Scratch that Jace! Ni hindi mo pa nga sinasabi sa kanya na may gusto ka sa kanya eh tapos panliligaw na agad nasa isipan mo?
Parang tangang kinakausap ko sarili ko habang naglalakad dito sa kalsada.
Beep... Beep... Beep...
Nang hindi ko inaasahang, nasa kalagitnaan na pala ako ng kalsada.
" Hoyyy! Gusto mo na bang magpakamatay? " sabi nung manong na nasa loob ng kotse, alangang sa labas?
" Pasensya na po. " tugon ko na lang dito.
Syempre, nakatawid na ako at andito na ako sa tapat ng gate ng school namin.
" Hi Jace! " sabi ni Kuyang Guard.
" Hello po. Hehe! " bati ko na lang sa knya, shy type kuya nyo kunware.
" Hey Jace! Wazzup? " tanong nung kaklase ko dati na ngayon ay nasa 2nd section na.
" Oww hi. Okay lang. Gwapo pa rin naman. Hahahaha! " sabi ko sa kanya.
" Lakas mo bro! Haha. " sabi na lamamg niya sabay high five sa akin.
" Geh pre mauna na ako. " paalam niya sakin.
Tumango na lang ako at nagtungo na sa classroom namin.
Pagkadating ko dun. Ako pa lang ang tao masyado ata akong napaaga.
Asan na kaya si Haidyn, bakit parang wala pa. Tinanghali ata? Oo? Baka? Siguro?
Haysst. Intayin ko na lang sya. Sanay naman na akong maghintay. Sanay na sanay.
Syempre kailangang maghintay hanggang sa mapaakin na siya.
" Huyy Jace. Kinikilig? " tanong sa akin nung napakagandang babae sa may pinto.
" Hehe. Ano ka ba naman Haidyn, wala lang yun. Nevermind? " sabi ko lang, baka mabuking ako eh. I'm not yet ready.
" Nako ha! Bestfriend mo ako eh. Tapos ganyan ka! " pagtatampo niya sakin.
" A-hhhh eh? Wala talaga yun Haidyn. " sabi ko na lang.
"Ahh okay. Gesii, " sabi na lang niya na tila para bang lumungkot ang buong mukha.
Haystt. That feeling! Kami lang dito ni Haidyn. So romantic? I think i'm inlove again.. Always naman ata eh.
Kaso. Yung totoo? Walang KAMI. Sad to say but bestfriends lang kami. Asdfghjkl.
"Jace? " tawag sa akin ni Haidyn.
" Haidyn? " tugon ko na lamang.
" May problema ka ba bes? Kanina pa kitang tinatawag eh? Mga sampungg beses ko nang tinatawag yung pangalan mo? " sabi niya na may halong pag-aalala.
" Wala talaga bes okay lang ako, " sabi ko na lang sa kanya.
At biglang nabalot ng katahimikan ang buong kwartong ito.
Hanggang sa di ko na rin namalayang halos lahat ng kaklase ko ay nandito na, pati si Ash na boy bestfriend ko, andito na rin. Aish, pag dating talaga kay Haidyn natutulala ako. Ano ba 'yan.
" Hey Jace. Lalim niyan? Parang dati lang si Haidyn yung may malalim na iniisip tas ngayon pati ikaw? "pagbibiro ni Ash habang nginunguya yung chewing gum niya.
" Tsk! Stop that Ash. Di ka nakakatuwa, " seryosong tugon ko sa kanya.
" Haystt. Red days ba bes? " pagbibiro naman ni Haidyn habang ayun, tumatawa na.
Hahaha. Trip ako nitong dalawa.
" Aishhh. Ganyan kayo! " sabi ko.
" HAHAHAHAHAHA! " sabay na pagtawa nilang dalawa.
Hanggang sa pumunta na sila sa upuan nila pero kahit nga magbebestfriend kami, magkakalayo kami pagdating sa seating arrangement naming tatlo.
" Goodmorning Ma'am Acuzar! " bati naming lahat.
Yun si ma'am syempre bumati rin sa amin.
Discuss discuss discuss. Hayssst. Boring.
Bigla akong napatingin kung saan siya nandodoon. God? Para syang anghel. Yung mukha niya? Nakakafall sobra.
Hayst. Kailan ka kaya magiging akin?
Patuloy pa rin ako sa kakatitig sa kanya ng biglang may kumulbit sa likod ko.
" Oy pre. Ganda ng view ah? " sabi niya sakin.
" H-uhhh? " sabi ko na lng sa knya.
" Pakipot ka pa! HAHA! " sabi niya ngayon with matching hampas na.
" Mr. Angeles? Anong meron aber? " sabi sa kanya ni ma'am na ngayon ay nakataas na ang kilay.
" Wala naman po ma'am. Hehe? " aniya habang may pagkamot pa sa ulo niya.
Yan ang napapala ng mga pakilamero. HAHAHA.
Ganda talaga niya. Sobra. Sana ako na lang yung mahalin niya. Sana ako na lang talaga. Pero kasi parang malabong mangyari yun. Baka, hanggang sana na lang ako. Ang hirap umasa na may pag-asa pa ako sa kaniya.
Patuloy pa rin ako sa pagtitig sa kanya ng biglang tumingin din siya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti at di nagtagal ay lumingon na rin siya sa ibang direksyon.
Her eyes.
Her nose.
Her lips.
Her whole face.
Everything on it was perfect.
F*ck! Patawarin niyo po ako Lord kung nafafall na naman ako sa bestfriend ko!
I can't help falling inlove with you, Haidyn.
YOU ARE READING
Falling Inlove With My Bestfriend (On-Going)
Teen FictionYung feeling na hindi sinasadyang mafall ka sa bestfriend mo? Oo. Bestfriend niya ako. Bestfriend nya lang ako. And i'm so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend.