Kabanata 1

606 9 0
                                    

Jace's POV

Paano kapag di mo inaasahan at syempre di mo rin namamalayang nahuhulog ka na pala sa taong di mo inaasahang magkakagusto ka?

Paano rin kapag di mo napigilan yung damdamin mo para sa kanya? Malay natin dumating din sa puntong umamin ka? Can you take the risk?

Dapat bang maging masaya ka? Dahil alam mong bestfriend ka niya o dapat bang masaktan ka kasi hanggang doon lang talaga yung status niyong dalawa?

Hay, ang hirap mahulog sa isang tao, lalo na kung mahuhulog pa yung loob mo sa bestfriend mo.

Bakit kasi sa dinami-rami pa ng tao dito sa mundo, magkakagusto pa ako sa isang Amora Brexley Haidyn Pierre? Bakit kasi sa kanya pa?

Well, wala naman akong magagawa kasi may mga bagay talagang pinagtagpo lang at hindi talaga itinadhana.

Ako? Jace Elian Xavier Sionn ang pangalan ko. Pangalan pa lang napapalaway na kayo? Masyado! Ako yung tipo ng lalaki na kapag nagmahal ng isang babae, wagas. Kaya kong ibigay lahat sa abot ng makakaya ko, pero syempre more of self love tayo mga pre.

Anyways may isa pa namang akong bestfriend, si Ash Vaughn Quentin Miller. Actually, nagkagusto rin sya sa bestfriend naming si Haidyn, siya yung unang nagkagusto, gumaya lang ako.

Our friendship started back when...

Flashback

" Huy Ash, ano nga palang gagawin natin sa group activity? " tanong ko sa kanya.

" Hindi ko rin alam. Akala ko ba nakinig ka? " tugon niya.

" Wow ha? Ikaw leader dito eh! " sabi ko naman.

" So kapag leader, sa akin na lahat? Uso mag-ambag aba. " wika niya.

" Sorry na. Eh diba leader ka? Asan na ba si assistant? " pagbibiro ko dun sa isa na para bang may pinagdadaanan, lalim ng tingin eh. Tsk.

" As usual. Yun malalim pa rin ang iniisip! " sabi sa akin ni Ash.

" Oo nga eh. Lagi lang ba yang ganyan? " sabi ko naman.

Patuloy lamang kami sa pagbibiruan pero itong si Haidyn, parang walang naririnig? Gandang babae, bingi naman psh.

" Hoy Haidyn, ang tahi-tahimik mo na naman diyan! " ani Ash kay Haidyn na hanggang ngayon, malalim pa rin ang iniisip.

" Hayaan mo na lang muna Ash, iniisip pa ata niyan crush niya. " sabi ko na lang.

At biglang may nambatok sakin.

" Anong crush crush pinagsasabi mo diyan ha? " tanong ni Haidyn sa akin.

" Yan nagsalita ka rin sa wakas, yan lang pala katapat mo eh. " sambit ko habang tumatawa.

" Manahimik ka Jace, wala kang alam! " sabi niya.

Ano daw?! Wala akong alam? Saan? Tsh. Siguro nga may pinagdadaanan ito.

" Teka nga? Bakit ba galit na galit ka? " tanong ko.

" It's none of your business Jace, so please just shut up your f*cking mouth! " wika nito na bakas ang pagkagigil sa bawat salitang sinasabi niya.

" Ehem ehem ehem, bakit bigla na lang akong nilalanggam dito? " biro ni Ash.

" Tsk. " sabay naming sabi ni Haidyn. Pinigilan kong mapatawa nang makita ko siyang maasim na ang mukha.

Ring... Ring... Ring...

"Oh paano ba yan break time na? " sabi ng isa naming kaklase.

" Huy Ash! " tawag ko sa kanya na kasalakuyan ay kumukuha ng wallet sa loob ng bag niya.

Falling Inlove With My Bestfriend (On-Going)Where stories live. Discover now