Chapter Five

37 5 0
                                    

¤~♡~¤

ALMA

"Meet the Four Uberheroes of the Mittle Kingdom!" Napatingin ako sa apat na tinutukoy niya.
Dalawang babae at dalawang lalaki. They look so cool. Napansin kong parehas ang kanilang suot sa mga nakikita ko pero may ibang patern ang damit nila.

"They're also students of the La Raine University here. Guys! Meet Altine! Your Kuya Edward's cousin!" Pagpapakilala sa akin ni Ate Jaiña.

"Hi" masigalang sabi ng lalaking blonde hair. "My name is Corentin Alujein! The president of this school! Nice to meet you, Altine!" Masayang sabi niya. Nakipag shake hands ako sa kanya. Bigla kong nalala si President sa dati kong school. Hindi naman siya katulad nun. Mukhang masayahin naman si Corentin.

"Mukhang wala naman balak magpakilala ang mga kasama ko kaya ako nalang magpapakilala sa kanila. "Tinuro niya ang babaeng maganda katabi noong isang lalaki. Makinis ang balat nito. Matangos ilong. Nakalugay ang kanyang kulay Dark red na buhok. May hawak hawak siyang isang stick na kagaya kay Ate Tiff kanina pero mas maganda ito at may dyamante sa itaas. Naka Cross-arm siya at halatang walang pakialam sa akin. Nakakatakot din ang aura niya.

"This is Thaddea Frenhazar. Isa sa mga Highest rank magician sa school namin. Mang ingat ka dyan. Madaling magalit yang babaeng yan. But i have to tell you. She's also one of the smartest. Anak siya ng Hari Dernderia Kingdom, which mean she's a princess" pagpapakilala ni Corentin dun sa babae. She's a princess? Cool. Tumingin lang sa akin yung babae at tinarayan ako. Well that's not cool.

"This guy over here is Keaton George Maclame." Turo niya aa lalaking nakasandal katabi ni Thaddea. His eyes are pure black. Nakakatakot kapag tinitigan mo. Pati ang buhok niya ay itim at nakaayos ng mabuti parang nagpapaporma. Nakapatong ang ulo niya sa kanang kamay niya tila nabobored nakadequatro din ito. He look so cool. But dangerous.

"He's the boyfriend of Thaddea. Bagay sila noh? Parehas masungit. Puro nalang cutting ang lalaking yan sa mga klase pero he's good at battle. He's always mysterious. Matalik koring kaibigan yan. Maalaga sa mga kaibigan, syempre pati kay Thaddea. Muntikan na nga yang bumagsak last year eh pinagbigyan lang ng teacher dahil nga minsan wala kami sa school at pinapapunta sa iba't ibang lugar. Hindi nga maturuan ni Thaddea eh kahit girlfriend niya. Pero mag ingat ka sa kanya dahil may pagka bad boy din yang lalaking yan minsan." Lumapit sa akin si Corentin at bumulong. "Wag mo yang gagalitin kasi lalabas ang demon side nya." Sabi niya at lumayo na. "Hehehe saka seryoso palagi." Tinignan ko naman si Keaton. Tinignan niya lang ako mula paa hangang ulo at inalis ang tingin sa akin. Wala din siyang sinabi katulad nung girlfriend niya. Nakakatakot silang mag jowa.

"This is Scheherazade Alexius. You can call her "Hera" nalang dahil mahirap masyado ibigkas ang pangalan niya" pagpapakilala ni Corentin sa babaeng maiksi ang buhok. May pagka violet ang buhok nito. Mukha ding palaging seryoso. "She's the best in pyhsical battles. May kakaiba sa kanyang Magie kaya malakas ang katawan niya. She always wear those chain in her hands because that's where her Magie Works. Maaalahanin yang si Hera. Mabait. Kaso wala lang sa mukha. Galing din siya sa isang Rare tribe na tinatawag na Janalie. May malalakas na kakayahan ang mga kanilang katawan kaya minsan kinakatakutan sila ng iba." Tumango lang sa akin si Hera.

"Itong si Keaton. 17 years old na. Si Corentin naman 16 palang. Si Thaddea 16 din. Si Hera naman ang pinaka bata. 15 palang siya." Sabi ni ate Jaiña at bumaling sa akin. "Ikaw ilang taon kana ba?"

"15" sagot ko. Tumango-tango naman si Corentin at Ate Jaiña.

"Altine.." Bigla nalang ako hinawakan sa balikat ni Kuya Ed. "Wait. Pinakilala mo na siya kayla Keaton, Jaiña?" Tanong ni Kuya Ed. Tumango lang si Ate Jaiña. "This students are the ones i'm talking about, Altine. Malalapit lang ang edad mo sa kanila."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Altine's AdventuresWhere stories live. Discover now