Chapter One

89 8 5
                                    

¤~♡~¤

ALMA

"Ate! Gumising kana!!"

Bigla akong napatayo sa higaan ko. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. "Tierneigh naman eh!" Reklamo ko. Ang sarap sarap ng tulog ko dito! "Anong oras na ba?"

"7:35! Bumangon kana dyan---!"

"Wahh!!! LATE NA AKO!?"  Dali dali akong pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo at nag bihis. Nadapa pa nga ako nung lumabas ako sa banyo eh. Pero agad akong tumayo para makababa sa Sala.

"Good morning, anak--"

"Late na ako, ma!!" Kumuha lang ako ng isang pirasong tinapay at mabilis itong nginuya habang tumatakbo paalis ng bahay.
At dahil sobrang clumsy ko nga, nadapa ulit ako. Ang sakit tuloy ng pwet ko. Badtrip naman!

"Teh okay ka lang?" Tanong ng isang malapit na babae sa akin. Ay hindi! Gusto kong isagot. Nag tanong pa!

"Hehe okay lang po" sagot ko at tumakbo ulit.

Pagod na ako! Ayoko na! Pero ayoko malate sa first sub namin! Strikto si Ma'am. Pagkarating ko sa tapat ng school, nakita kong sinasarado na ang main gate. Oh fudge!

"Wait!!!!! Papasukin....nyo ako ......please!" Sigaw ko habang hininhingal. Nag tataka tumingin sa akin ang isang guard at ang President council ng school. Huhuhu ayoko pa naman kay Maam Enriquez! Nagkatingin silang dalawa saka tumawa yung guard. Samantalang si President naman  seryosong nakatingin sa akin. Eh? Lumapit siya sa akin saka kinaltukan ako sa ulo.

"Aray!!!" Daing ko. Huhuhu ang sakit!

"Miss Alma. Alam mo ba kung ano ngayon?!" Sigaw niya. "It's Saturday today! Moron! Walang pasok!" Eh?!

"S-saturday?!!" Pinokpok ko ang sarili ko gamit ng kamay. Takte. Friday pala kahapon. BAKIT NGAYON KO LANG NAALALA?! Nagpakahirap ako! Tumakbo pa ako para makapunta dito tapos wala palang pasok. Malas!

"Hahahahaha Okay lang yan hija." Tinapik ako ng isang guard. "Dahil nandito ka nanaman. Pwede mo ba kaming tulungan?" Tanong niya.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

"Ang mga elementary kasi iniwang madumi ang ilang classroom dito. Eh may mag lilibot mamayang mga supervisor dito. Naku patay kami kapag nakita niya ang mga classroom. Ang kakalat!" Sabi niya.

"Eh? Bakit po kayo ang lagot? Diba dapat mga advisers nila yun kasi sila may responsibilidad sa mga istudyante?" Tanong ko.

"Wala ang mga ibang teachers dito kahapon. Nasa meeting. Umuwi lang sila nung oras na ng uwian. Ang kukulit! Puro Grade 1 at mababang section eh! Mga walang modo! Sinulatan pa ang pader! Kailangan matapos iyon mamayang alas tres ng hapon. Mananagot ang mga advisery ng mga batang iyon. Kilala ko sila. At busy-ing busy. Nawawalan na ng oras para sa mga ganitong sitwasyon. Wala na nga minsang nagtuturo sa grade one dahil sa sangkatupak na pinapagawa sa kanila ng Principal. Kilala mo naman ang mga kabataan ngayon hindi ba?" Sabi ni Manong janitor.

"Sige po." Masayang sabi ko.

"Maraming salamat hija!" Sabi niya. "Magsisimula na kami sa paglilinis."

"Tsk. Don't cause any problem here ,Miss Alma. Ayoko na ng gulo" sabi ni President. "Halika, ituturo ko sayo ang una mong lilinisin." Sinundan ko si President. Hangang sa makarating kami sa isang classroom.

Halos mabitawan ko ang dala kong bag sa nakita. Sira sirang upuan. Maduming blackboard. May mga sulat ang mga bintana at pader. Akala mo binagyo dahil punit punit ang mga kurtina. May mga gamit na nagkalat. Puno ng basura ang sahig. Worst. Nilalangaw pa ito. Nakakita pa ako ng dumi ng pusa at patay na daga sa gilid. Seriously?! Anong klaseng....Pambihirang mga batang iyon!

Altine's AdventuresWhere stories live. Discover now