Chapter 2

5 0 0
                                    

¤~♡~¤

ALMA

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Hay. Ang wierd talaga nung mga lalaki sa karinderya. Hindi ko sila makalimutan. Nakakacurious sila. Kasi parang taga ibang bansa talaga ang mga itchura nila eh. Si Kuya tindero puti yung buhok. May mga tagihawat sa ilong. Maputi siya. Tapos yung katabi ko namang lalaki....Aish!! Ang wierd nila!

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinapatulog ang sarili perp ilang minto na ang nakalipas. D parin ako makatulog. Bakit yung iba? Nakakatulog agad? Ako hindi? Hmp. Kinuha ko ang Teddy bear ko at niyakap ito. Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Hangang sa nakatulog na talaga ako.

Alma..

Alma!

Alma Clementine!!!!!

"Wahh!!" Napabangon ako bigla. Fudge! Alam nyo yung feeling na parang nahulog ka sa isang bangin habang natutulog? Iyon ang naramdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Umupo ako sa higaan ko. Ilang segundong makalipas. Kumalma naman yung puso ko. Pero wala naman akong naging panaginip. Blanko lang ang isipan ko.

Tumingin ako sa orasan. 3:23
PM. Wahh!! Hindi ako nakakain ng tanghalian! Bumangon agad ako. Pero may bigla akong napansin. Bakit sobrang tahimik? Wala akong marinig na mga sasakyan sa labas. Pati hangin. Tanging pagtapak ko lang sa sahig ang lumilikha ng ingay. Ang dilim ng Sala namin. Walang katao tao. Pero nakaturn on ang electricfan malapit aa TV. Pinatay ko iyon.

"Ma? Tier?" Walang sumagot. Ang tahimik ng paligid. Bigla nalang ulit akong kinabahan. Lumabas ako para hanapin sila. Bawat sulok ng bahay na baka nang t-trip lang sila pero wala. Wala rin katao tao sa labas. Sumilip din ako sa mga bintana ng mga kapitbahay namin. Walang tao. Ang dilim ng loob. Wala ring mga nakaparo sa kalsada na mga kotse. Walang mga aso o pusa na naglalakad.

T-t-this is creepy.

Pumasok ulit ako sa loob. Bigla kong napansin na may nakahanda pala sa lamesa. Mga paborito kong pagkain ang nakahain. Sinigaw ko ulit ang mga pangalan nila Mama at Tier pero walang sumasagot. Okay. This isn't a joke anymore. Kilala ko sila. Hindi nila ako matitiis ng ganito. Muli akong lumabas. Naglibot ako hangang makarating din ako sa school. Wala na sila President doon pati ang mga guards. Pumunta din ang sa mga malalapit na convienent store. Nakabukas ang ilaw at aircon pero walang katao tao sa paligid.

Ano bang nangyayari?!

Nasa gitna ako ng daan. Habang pinagmamasadan ang paligid. Nagiging kulay pula ang langit. Dumidilim na ang paligid. Im dreaming. Im totally dreaming. Impossible toh. Pero bakit parang totoo?! Kinurot ko ang psingi ko. Pero ramdam ko yung sakit! Bigla nalang ako nadapa ng naramdaman kong lumindol. Pero wala akong naramdam na sahig. Biglang may lumabas na malaking black portal sa tinatayuan ko. Nahulog ako sa kadiliman. Pinikit ko ang mga mata ko. Sana naman magising na ako. Ayaw ko ng panaginip na toh!

"Open your eyes ,Clementine" May narinig akong boses ng isang matanda. Minulat ko ang isa kong mata. Nahuhulog parin ako. Pero naging asul na ang paligid ko. Napatingin ako sa isang malaking imahe ng matanda sa gilid ko. Humarap ako sa kanya. Woah. I created him on my dream?! Amazing!

"You're not in a dream, Clementine" sabi niya. Pero hindi ako naniwala.

"Impossible." Sabi ko.

Saglit lang siyang tumingin sa akin at tumingin ulit sa malayo. "Come here" sabi niya. Nilahad niya sa akin ang isang kamay niya. Agad ko iyong kinuha para mawala na sa pakiramdam ko na nahuhulog talaga ako. Derecho ako ngayong nakatayo.

"Your in a middle of a portal, Clementine" Nag echo ang boses niya sa buong paligid. "Any minute, you will fall into the world of magic"

"I don't know what you are talking about mister." Sabi ko sa kanya.

Altine's AdventuresWhere stories live. Discover now