Nathan's POV:
Pumasok na si Jass sa loob ng cr. Nilabas ko muna yung phone ko. Siguradong matagal yun dun.
"Hey." nilingon ko kung sino yung nagsalita. Ano ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya.
"Ano ginagawa mo dito? Akala ko ba nagdrop out ka na." she looked at me and smiled.
"Grabe ka naman. Don't worry, aalis na ako this Sunday. I just want to fix things with you." I looked at her with blank expression.
"Please? saglit lang to promise." I sighed and nodded. Naglakad kami papunta sa likod ng school.
Umupo ako sa ilalim ng puno. Siya umupo dun sa may bench. "So ano ba paguusapan naten?" tanong ko.
"Pakinggan mo lang ako. I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Jass."
"Shouldn't you be telling this to Jass? I mean she's the one who suffered." she looked at me and nodded.
"Don't worry, I'll talk to her. Gusto ko lang sanang umalis na walang kaaway dito. Kaya eto ako, nagsosorry sayo. Alam ko naman kasing galit ka din sakin. Dahil sa katangahan ko. Sorry." I looked at her. She's really serious.
"Fine. But, I'll accept your apology if Jass, forgives you. Its up to her." she nodded. Tumayo na ako at naglakad na.
"Thank you, Nathan!" malakas niyang sabe. Naglakad nalang ako ulet. Napatigil ako dahil----"Sh*t si Jass!" tumakbo ako papuntang girls cr.
Mukhang wala na siya dito. Sh*t! Deep sh*t! Tinawagan ko siya, after 6 rings sinagot na niya.
["Ano?!"]
"Sorry, Jass! May kinausap lang kasi ako."
["yeah. yeah. yeah. Whatever! Sige na kausapin mo na yung mga tao jan!"]
"teka lang! Sorry na Jass. Nawala lang sa isip ko."
["wow! so nakalimutan mo ako?! Kalimutan mo na kaya ako ng tuluyan!"]
"Jass, sorry na! Kababati palang naten kahapon eh. Sorry na. Kinausap ko lang si Bea." patay! nasabe ko. Deep sh*t!
["ANO?! SI BEA?! so naguusap pa pala kayo?! Tch! Hoy Carson! baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sakin at kababati palang naten. Lakas ng loob mo gumawa ng bagong kasalanan ah!"]
"Jass, listen. Its not like what you think. Nagusap lang kami kasi gusto niya magso---"
*toot* *toot* *toot* *toot*
She hanged up on me. Galit nanaman siya! Nakooo!
Pumunta ako sa tabayan. Pumasok ako sa loob at sinalampak ang sarili ko sa sofa. Nandito din sila.
Si Luc may kasamang babae. They're making out. Tch. Si Yano naman naka beats at nakikinig ng music habang nakasara yung mata niya. Si Carl may ginagawa sa laptop nila.
I closed my eyes and rubbed my temple. Tch. Ang ingay nila Luc. Binato ko sila ng unan.
"Go get a room! Dun kayo sa empty classroom wag dito! f*ck!" tumigil sila.
"Ano problema mo, Nate? naiingit ka? tawagin mo si Jass. " tinignan ko ng masama si Luc. He sighed.
"Fine fine fine. Tara na babe." umalis na sila nung babae. Lagi naman ganyan yang mokong na yan eh. He always hooks up with different girls everyweek.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Gangster (Editing)
RomanceSecretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlove ka ba sa taong ganito? Well, you're married to him because of you parents. And its a SECRET. Pano...