Nathan's POV:
"G*go! kinikilig ka lang eh!" Carl.
"Grabe, bro! Di bagay! Amp*ta!" Luc.
"Mukhang ewan lang! Hahahahaha!" Yano.
Kanina pa nila ako inaasar, sa clinic palang. Nandito kami sa school garden. At as usual, pinagtitinginan. Di dahil sa looks. Dahil sa nangyari kanina. Psh.
"Hay nako! Tumigil na nga kayo! Tch. Nasisira ang maganda kong mood sa inyo eh." inis kong sabe. Tumahimik naman sila.
"Na-Nathan!" tinignan ko kung sino yung tumawag sakin.
"Oh? Miko? bakit?" inunahan pa ako ng ungas na to. Sinamaan ko ng tingin si Luc.
"Oh? bakit? ano nanaman ginawa ko?" tanong niya. Tinignan ko nalang ulet si Miko.
"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya. Hiningal parin siya. Ano ba to? Malayo ba tinakbo nito?
"Si....si....si Jasmine at si....Bea." napatayo ako nung binanggit niya yung pangalan ni Jasmine.
"Bakit? ano nangyari kay Jass?" huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Nagkasagutan sila kanina. At nagsampalan. Pero di naman umabot sa sabunutan kasi bigla nalang nagwalk out si Jasmine. Si Bea...siya ang nanguna." sa sinabe niya agad kong kinuha yung bag ko.
"Salamat!" sabe ko sa kanya sabay takbo. Naririnig ko pang tinatawag ako nila Carl pero di ako tumigil. Tumakbo lang ako ng tumakbo.
Pumunta ako ng cafeteria. Nilibot ko yung mata ko sa paligid at....
"Ang kapal talaga ng mukha niya! Tch! Ang kapal ng mukha niya para sampalin ako!" si Bea! naglakad ako papunta sa kanya.
"Bro! ano gagawin mo?" rinig kong tanong ni Carl.
"Bro! babae yan!" sabe ni Yano.
"Bro! kalma lang. Babae parin yan." sabe ni Luc. Di ko sila pinansin. Tumigil ako sa likod ni Bea.Tinignan kami nung mga kaibigan niya.
"Ahhh....B-Bea?" sabe ni Sheena. Tinignan ko sila ng masama. They flinched. Tch.
"Ano ba yung tinitignan---Natha---" di na niya natuloy yung sinasabe niya dahil sinampal ko siya. Hinawakan ako nila Carl.
"Bro! tama na." sabe ni Carl.
"Bro! babae yan. Tama na." Luc.
"Di matutuwa si Jass jan sa ginawa mo pagnalaman niya yan." Yano. Nagpupumiglas ako pero ayaw nila ako bitawan.
"Bea! ang kapal ng mukha mo para sampalin si Jass! Ano ba ginawa sayo ni Jass at lagi mo siyang inaaway at sinasaktan!" galit kong sabe. Tumayo siya. Umiiyak na siya nung humarap siya samin. Pero wala akong pakealam!
"Anong walang ginawa?! Dahil sa kanya kaya nagkahiwalay tayo! Dahil sa kanya nagagawa mo kong saktan. AT INAGAW KA NIYA SAKIN!" sinuntok ko sa tiyan sila Carl para bitawan ako. Nilapitan ko si Bea.
"Ano pinagsasabe mo ha? ANO PINAGSASABE MO?!" napapikit siya dahil sa sumigaw ako.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Nagi-ilusyon ka? na nanaginip ka ba ng gising? WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN ANG ASAWA KO! AT HIGIT SA LAHAT DI MO KO PAGMAMAYARI!" pinipigilan nanaman nila ako. I shook their hands off my shoulder.
"Hindi kita gusto. Pinaglaruan lang kita. Hindi kita mahal at hinding hindi mamahalin. Tandaan mo to Bea. Pagsinaktan mo pa si Jass, kakalimutan kong babae ka. Tandaan mo yan." pagkatapos ko sabihin yun eh naglakad na ako palabas ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Gangster (Editing)
RomanceSecretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlove ka ba sa taong ganito? Well, you're married to him because of you parents. And its a SECRET. Pano...