Nathan's POV:
Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong ayaw ni Jass na umalis dito sa Pilipinas. Pero kailangan.
Kailangan ko siya ilayo kay Jarred.
Iniwan ko siyang nakatayo lang dun kanina. I hate myself for doing that to her.
Baka kasi masabe ko ang dahilan. At baka magpumilit pa siyang sumama sakin.
Iiwan ko siya sa states para maayos ang gulo. Ayoko siyang madamay.
Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya. Baka mapatay ko pa yung Santos na yun.
"Nate. Uy!" napatingin ako kay Carl at Luc.
"May nangyari nanaman ba?" tanong ni Carl.
"Sinabe ko na kay Jass na aalis kami papuntang states." sabe ko sabay tingin sa malayo.
"Let me guess, hindi siya pumayag?" Luc. I nodded.
"Pero kahit anong mangyari, aalis kami. Kailangan ko siyang ilayo dito."
"Nakausap ko na si Kamille." Carl.
"Ako nakausap ko na din si Summer." Luc.
"Mukhang sasama pa ata si Summer at Kamille sainyo papuntang states. Kasi alam nila na iiwan mo muna pansamantala si Jass dun para maayos ang gulo dito." Carl. I looked at him and nodded.
"Good. Mas makakabuti din yun. Para hindi mainip si Jass at magyayang umuwi."
"Pagkaalis niyo, ano plano mo?" Carl.
"Alam kong hindi to madadaan sa magandang usapan. Kaya ihanda niyo na yung gang at yung mga weapons. " sabe ko sabay upo ng maayos.
They both nodded.
Magkakaroon nanaman ng Gang War. Kailangan ko maghanda. Hindi pwedeng maghintay nalang ako.
Mas mahalaga na maging ligtas si Jass.
***
Nandito ako ngayon sa parking lot ng school.
Nakakainis nga e. Hindi ako pinapansin ni Jass. Galit siguro.
Hindi niyo naman ako masisisi e. Kailangan kong masigurong hindi siya magagalaw ni Jarred. Yung g*gong yun!
"Nathan! Tara na?" tanong ni Carl. I nodded.
Kung itatanong niyo kung saan kami pupunta. Sa tambayan ng gang namin kami pupunta.
Sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan. Syempre, lahat kami naka-kotse ngayon. Taga hatid sundo.
Si Yano, di namin kasabay. Susunod nalang daw siya. Ewan ko ba dun kung saan nagpunta.
Bago ko paandarin yung kotse ko, tinext ko muna si Jass.
Baka magalit pa lalo kapag di ako nagpaalam.
TO: Honey ko!
Hon, punta lang kami tambayan ng gang. Kakamustahin ko lang mga kupal. Text mo nalang ako kapag uwian mo na. Love you! :***
P.S wag na magalit sakin. Pls. Love you po. Text back.
*sent*
---------------
*beeeep*
Narinig kong bumisina yung mga ugok. Umiling nalang ako saka pinaharurot palabas ng school yung kotse.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Gangster (Editing)
RomanceSecretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlove ka ba sa taong ganito? Well, you're married to him because of you parents. And its a SECRET. Pano...