Joshua's POV:
"Sh*t!" napaliligiran na ako ngayon. Sino ba tong mga to?!
Kahit sa likod ng bahay ko meron din. Pano ako makakatakas?! Tang*na!
Umupo ako sa sofa at hinilamos yung mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Simula ng mamatay ang mga kasama ko e dito na ako nagtago sa Malibu.
Magisa lang ako dito. Dahil ang magina ko ay nagtatago ngayon para hindi din sila makita nila Nathan.
Hindi ko sila lahat kakayanin. Mahigit bente ang mga taong naka bantay sakin.
Nagising nalang ako na nandyan na sila. Papalag sana ako kanina kaso nakita ko na napaka rami nila at lahat sila may dalang baril.
Meron naman akong baril kaso, kaya ba to? Sh*t!
Sino ba kasi nagpadala sakanila?! Patay nanaman si Nathan e.
Teka..... di kaya si James?
O kaya naman yung tatlong itlog na laging kasama ni Nathan noon? Tsk!
Pinatay na nga nila ang kapatid ko e. Tapos ako naman ang sunod.
Pero kahit ako pa ang isunod nila... hinding hindi mawawala ang Dark Night. Babalik at babalik ang Dark Night kahit anong mangyari.
Napatayo ako ng makarinig ako ng putok ng baril sa labas. Narinig ko rin ang mga sigawan ng tao.
Ano ba nangyayari?!
Bigla namang bumukas ang pinto. At....
O__________O ANO?! PANO?!
"Hello, Joshua. Long time no..... see." sabe ng lalakeng nakatayo ngayon sa harap ko.
"Paanong... paanong buhay ka pa?! Di ba namatay ka na sa pagsabog nung kotse?!" sigaw ko. Tumawa lang siya.
"Baka naman nakakalimutan mo na sa likod ng kotse nilagay ng alaga mo ang bomba? Edi makakaligtas parin ako dun. Tatanga tanga kasi yang alaga mo e." sagot niya. Napatulala nalang ako.
Talagang buhay siya.....
"So, siguro naman alam mo ang pinunta ko dito diba?" tanong niya sabay labas ng baril.
Tinignan ko siya ng masama.
"Oh? Walang magagawa yang tingin mo." sabe niya sabay kasa ng baril. Tsk. Patay na.
"Kahit patayin mo ako, hindi pa ubos ang DN. At kahit pataying mo ako, mabubuhay parin ang DN." sagot ko sabay ngisi. Nakita ko namang napakunot siya ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. I shrugged. At bigla nalang....
*bang!*
At bigla nalang niya ako pinaputukan ng baril sa may kanang binti ko.
Napasigaw ako sa sakit. Tinignan ko siya.
"Kahit di mo sabihin, hahanapin ko parin siya. I'll kill that person at uubusin ko ang lahi niyo." malamig niyang sagot.
Napangisi ako. "Hinding hindi mo siya mahahanap." sagot ko.
*Bang!*
At pinaputakan nanaman niya ako sa may kaliwang braso.
"Sh*t!" I muttered under my breath. Napahiga na ako sa sahig.
"Don't worry, Joshua. Makikita't makikita ko yun. At wag kang magalala, magkikita na kayo ng kapatid mo at ng mga kasama mo sa impyerno. Kamustahin mo nalang ako sa kanya ha?" sabe niya sabay tutok sakin ng baril.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Gangster (Editing)
RomanceSecretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlove ka ba sa taong ganito? Well, you're married to him because of you parents. And its a SECRET. Pano...