Paano Sumulat ng Libro sa Mabilis na Panahon (Tips on How to Write a Book in the Shortest Possible Time!)
Nakakainggit ka naman, kaibigan. Matagumpay ka na sa buhay, maaring successful ka na. Pero ngayon ay gusto mo pang mapaunlad ang iyong sarili at tuparin ang isa mo pang pangarap, ang pagsusulat ng libro. Sino ang nakaaalam kung saan ka dadalhin nito.
Isa lang ang sigurado, ito ay pagpapakita ng iyong galing at talento, ng iyong pagiging malikhain, gawin mong mabisang kasangkapan sa marketing o maaring rin maging sentro ng inyong pagkakakitaan. Anuman ang inyong mithiin sa paggawa ng libro, narito ako upang tulungan ka na matupad ang iyong pangarap.
Ang layunin ng manual na ito ay upang magbigay ng malinaw at praktikal na guide at tulong upang makasulat ka ng libro sa mabilis na panahon.
Naisip kong isulat ang manual na ito ng matapos kong isulat ang una kong aklat na MAHARLIKA, isang fiction na kwentong pantasya (nasa listahan ng works ko sa aking profile).
Sa sobrang tuwa ko ng matapos ko ang aklat dahil sa mga teknik na aking natutuhan, agad kong ibinahagi ang aking naranasan na achievement sa mga kakilala, kaibigan, business partner. Gusto ko rin na sumulat sila ng aklat upang magkaron din sila ng karagdagang accomplishement sa buhay gaya ng naramdaman ko.
Pero nakalulungkot halos lahat ay negatibo ang kanilang sagot. Sa halip, maraming dahilan o haka-haka akong natanggap sa ibat-ibang mga tao na aking nakausap tungkol sa pagsusulat.
May nagsasabi na wala silang oras sa pagsusulat, kailangan matinding pagiisip ang kailangan sa pagsusulat at sa mahabang panahon, walang talento, walang karanasan, konti ang imagination, walang hilig sa pagsusulat, hindi nakatapos ng kolehiyo, iba ang kurso at malayo sa pagsusulat at marami pang ibang maling kadahilanan.
Dahil sa mga dahilang ito kaya naisip ko na gumawa ng aklat na PAANO GUMAWA NG LIBRO...Gusto ko na maresulba ang ganitong maling hakahaka tungkol sa pagsusulat. Ginamit ko ang mga teknik sa aklat na ito kaya sa wakas ay natapos ko ang una kong libro, ang MAHARLIKA.
Pero bago ko sinimulan ang aklat na sulatin, marami rin akong naging maling paniniwala o haka haka sa pagsusulat. Pero nag-iba ang lahat ng iyon ng sundin ko ang natutunan kong “Aparato o recipe” ng pagsusulat kaya sa wakas ay natapos ko ang libro na MAHARLIKA. Natapos ko na rin ang sumunod kong aklat na TALIM. Ikatlong aklat na BUGHAW at ang ikaapat na aklat ang TRINITY.
May papakiusap lang ako sayo. Huwag mong hayaan ang mga wrong spelling o wrong grammar na pigilan ka magbasa ng manual na ito. Patuloy ko itong ina-update kaya malamang yung mali ngayon ay nabago ko na next week.
Malaki kasi ang maitutulong nito sa iyong pagsusulat. Gusto ko na ibahagi sa iyo ang karunungan at teknik na nalaman ko. Sana ay isapuso mo ang pagsunod sa bawat teknik sa librong ito - Awtor
Susunod na...
BAKIT KA DAPAT MAGSUSULAT NG AKLAT at BAKIT DAPAT SA LALONG MADALING PANAHON? ANO ANG MAGAGAWA NITO SA IYONG PROPESYON?
Bago natin Sagutin ang tanong na iyan...
Ano ba ang pananaw sa iyo ng mga tao kapag may libro kana?
-------------------------------------------------------------------------------
Dont forget to share, vote and comment...:)
BINABASA MO ANG
Paano Magsulat ng Libro sa Mabilis na Panahon (How to Write a Book)
Non-FictionPaano magsulat ng Libro in 20 Days or less! Garantisado! Lahat ng maling pamahiin tungkol sa pagsusulat ng libro ay itatama kagaya ng: - pesteng writers block - Wala akong time sa pagsusulat - Hindi ako marunong magsulat - Hindi para sa akin ang p...