Ano ang pananaw sa iyo ng mga tao kapag may libro ka na.
Isipin mo na lang kung ano ba ang sinasabi ng ibang mga tao sa mga writer na sumulat ng kanilang libro.
Kahit ikaw mismo kapag nakita mo ang pangalan ng awtor ng libro, iniisip mo na sya ay napakahusay dahil nagawa nya ang librong iyon.
Kung meron kang kailangan sa ganun topic na kanyang isinulat hindi ba sa kanya ka unang lalapit upang manghingi ng advice?
Dahil iniisip mo na alam nya lahat ng bagay tungkol sa paksang iyon kaya nya nasulat ang librong iyon.
Sigurado ka kapag lumapit ka sa awtor ng librong iyon sa paksa na kailangan mo, alam mo na ibibigay nya sa iyo lahat ng nalalaman nya dahil inisip mo na sya ay experts pagdating sa paksa ng iyong problema. Dahil kung hindi sya eksperto, bakit pa sila gumawa ng libro, diba?
Kung panpansinin mo, marami ka bang kilala na eksperto sa iyong problema? Malamang wala kang kilala masyado pagdating sa iyong problema at kung meron man ang bagong awtor na sumulat ng bagong libro ang syang una mong maiisip na lapitan.
Kung gusto mo ng tamang kasagutan sa problema o topic, sa kanya ka unang lalapit upang manghingi ng payo at hindi sa iba. Kung meron kang gustong makausap at makakuha ng tamang sagot at solusyon sa problema mo, sya ang dapat mong kausapin, hindi ba?
Kaya ang writer na ito na sumulat ng paksa sa kanyang libro, halimbawa sa real estate, alam mo na sya talaga ang expert sa ganung paksa sa real estate. Nagawa nya ang bagay na hindi nagawa ng ibang eksperto sa Real estate. Dahil sa kanyang libro ay naangatan nya ang iba pang katunggali sa pananaw ng mga magiging kliyente nya o sa isipan ng magiging customer nya kaysa sa iba na kapareho ng kanyang propesyon na walang libro. Dahil sa kanyang libro ay handa na silang lapitan sya, bumili ng kanyang mga produkto sa real estate. Handa na ang readers nya na komunsulta sa kanyang expertise.
Iyan ang pananaw sa iyo kapag nakasulat ka ng libro, lalo na kung ikaw ay propesyunal o consultant, ito ang pinaka mahusay na marketing tool. Dahil sa iyong libro ay dadami ang nakakakilala sa iyong talento. Expert ka sa isipan ng mga tao, kliyente o customer.
Isa ka ng ring celebrity sa pananaw ng makakabasa ng iyong libro at ang pananaw na iyan ay pwede mong gamitin sa anupa mang maari mong maisip na advantage para sa iyo. Halimbawa sa iyong career o propesyon o negosyo.
Sa ating lipunan, ang paningin ng mga tao o kliyente tungkol sa awtor o propesyunal na nagsulat ng libro, sila ang eksperto. Ang publisher ng kanyang libro, nakita nila ang halaga o potensyal nito sa publiko kaya kailangan i-print at gawing libro.
Kunin mong halimbawa yung awtor ng Diary ng Panget, si haveyouseenthisgirl o si Denny. Sikat ba sya ngayon? Kasama nya ba ang mga celebrity na gumanap sa kanyang libro na ginawang pelikula ng Viva Films? Eksperto ba sya pagdating sa pagsusulat? Ang sagot ay malaking "OO."
Dahil sa libro na Diary ng Panget nakilala at nagkaroon ng fans si Denny.
Kaya malamang marami pang referrals ang dadating, endorsement at testimonial sa kanya na lalong magpapasikat sa kanya. Ang tatlong ito, referrals, endorsement at testimonial ay ang pangarap ng lahat ng marketers.
Ano ang kinalaman ng marketing sa Author ng libro? Well, wether we like it or not, kailangan mo pa rin i-market ang iyong libro. Kaya ang author ay dapat marunong din maging marketer. Ang libro mo ang pinakamabisang marketing tool. Ang libro mo ay ang pinakamabisang endorsement o referral o testimonial.
Dahil sa iyong libro ay sigurado ang iyong tagumpay. Yan ang pananaw ng tao sa iyo bilang awtor.
BINABASA MO ANG
Paano Magsulat ng Libro sa Mabilis na Panahon (How to Write a Book)
No FicciónPaano magsulat ng Libro in 20 Days or less! Garantisado! Lahat ng maling pamahiin tungkol sa pagsusulat ng libro ay itatama kagaya ng: - pesteng writers block - Wala akong time sa pagsusulat - Hindi ako marunong magsulat - Hindi para sa akin ang p...